Part 1

2.2K 48 19
                                    

◉◉◉

"Transferee ka siguro ano?"

Tinitigan ko ang nakasalaming matandang babae na baka nasa 60 hanggang 75 taong gulang na, na nasa harap ko ngayon na halatang nahihirapan na hanapin ang susi sa pinaglagayan niya na keyholder na gawa sa straw na nagkakahalo halo na rin ang iba't ibang klase ng susi sa pinuntahan kong narerentahang dorm malapit sa nilipatan kong school. Sigurado ako, mabigat yun.

"Opo," simpleng sagot ko.

"Ngayon lang kasi kita makita rito," sagot niya na ngumiti sa akin bago ibinalik ang ngiti sa sandamakmak na susi na hawak niya.

Siyempre, transferee ako eh, bulong ng isip ko.

"Diosko, aabutin ata ako ng siya siyam rito, iho," natatawang saad ng matanda. "Pwede bang pakihanap na lang yung kulay silver na susi na may itim itim, may papel namang nakadikit na may number 666. Hindi ko kasi makita, alam mo naman ang tumatanda, lumalabo na ang mata" dagdag pa niya.

Hindi na lang ako sumagot at kinuha ang mga susi sa kaniya.

Shit. Ang bigat nga.

"Ay, ako nga pala si Lucinda. Tawagin mo na lang akong Lola Linda o Lucy," rinig kong sabi niya habang hinahanap ko pa rin ang susi.

Napatango tango ako. "Hmm. Tawagin niyo na lang din po akong Kale."

"Kale? Hmm, napakagandang pangalan para sa napakaganda ring batang katulad mo."

Medyo tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Maganda, ako? Mukhang kailangan na talaga ng matandang 'to na  magpalit ng salamin.

Sa huli'y nahanap ko rin ang susi na hinahanap ko.

"Ito na po ba yun?" pakita ko sa kaniya ang susing may tatak na 666.

"Oo, yan na nga. Salamat," sabi niya na muling kinuha ang mga susi sa akin at inalis ang susi roon. "Duplicate key lang ito kaya pakaingatan mo, wag mong walain dahil yan na lang ang natitirang susi sa kwartong yun. Sa totoo lang, may kasama ka naman dahil pang-dalawahang tao ang bawat dorm rooms rito."

"Ganun po ba? Bakit, saan po ba napupunta ang ibang susi ng kwartong yun?" di ko napigilang tanong habang ina-attach ang susi sa may ID hook ko.

"Nawawala. Yung mga naunang gumagamit sa kwartong yun, hindi na nagpapakita kaya pati mga susi na nasa kanila, hindi na nababalik."

Eh? Bakit naman di na nagpapakita?

Kahit gusto kong magtanong pa ay hindi ko na lang ginawa dahil baka matambay ako rito sa pakikipagkwentuhan.

"Hmm. Sige po. Salamat. Ipapasok ko lang ang mga bagahe ko sa kwarto."

"Sige, ihahatid na kita, tulungan na rin kita."

"Salamat po."

Hawak hawak ang isang malaking maleta at isang bag habang siya naman ay ang lagayan ko ng libro na nasa paper bag ay tinungo namin ang ika-anim na palapag ng dorm building. O ang pinaka-dulong palapag na. Inakyat namin yun gamit ang hagdan dahil wala raw elevator kaya hingal na hingal ako na nakarating doon.

"Naku, pasensiya na iho, napagod ka pa. Hindi ko pa kasi afford nun ang pagpapagawa at pagdagdag ng elevator," parang naawang sambit ng matanda nang makita ang butil butil na pawis sa noo ko. Pero siya, parang hindi man lang napagod.

"Mas okay na rin po 'to, dagdag ehersisyo ko na rin araw araw. Tsaka pagtitiyagaan ko na, kasi mura lang naman po, kaysa sa may elevator nga, mahal naman," ani ko. "Mukhang nasanay na po kayo sa pag-akyat baba rito lola," dagdag ko pa na ikinatawa niya.

The Incubus' Heart - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon