◉◉◉Kale's P.O.V
Sinundan ko ng tingin ang likuran ng dalawa habang papalayo na sila mula sa kinatatayuan ko.
May kaibigan na agad si Elliot? Ang bilis naman. Sabagay, madaldal naman siya, siguradong madali lang pakibagayan at maka-close'an ng kahit sinong lalaki ang isang katulad niya. He's approachable at friendly. Ako nga, wala pa akong kilalang kabuilding at ka-room number ko rito.
Hays. Mahanap na nga lang ang kwarto namin.
Habang nakatungo na tinitingnan ang schedule na binigay sa amin noong orientation, napansin ko ang ibang mga estudyante sa paligid ko sa may peripheral eyeview ko na nakatingin sila sa akin. Medyo parang nakaramdam ako ng panlalamig sa mga tingin nila. Ang weird talaga.
Binilisan ko na lang ang paglalakad at tinungo ang hagdan papuntang Building A ng PolSci. Pero ganun na lang ang pagkagulat ko nang may biglang humila sa akin sa braso mula sa gilid papuntang CR.
Medyo malakas niya akong itinulak sa pader kaya napangiwi ako. Nang makita ko ay isa palang lalaki at halatang pawis na pawis at natatakot. Akala ko babae na gupit lalaki ang buhok. Lukot ang kwelyo ng uniporme at nakita kong kulay red ang pin niya. So, isa itong criminology student. Nabasa kong Deo ang nakasulat sa name pin niya.
"Umalis ka na lang. At wag na wag ka na lang babalik rito. Magiging delikado ang buhay mo. Nakatingin sila sa iyo. Tandaan mo yan. Nag-aapoy ang mga mata nila. Nakakatakot," nanginginig ang boses na humawak sa magkabilang braso ko.
"A-anong nangyayari sa iyo? Okay ka lang?"
Hindi siya agad nakasagot nang marinig naming may mga estudyanteng dumaraan malapit sa amin sa CR.
Nasa tamang huwisyo ba ang utak ng lalaking to? Nababaliw pa ata.
"Mainit ang mata nila sa iyo lalo na nang .. nang .. " nakita kong napakapit siya sa dibdib niya, "basta, binabalaan kita, hindi ka ligtas rito, mas mabuting umalis ka na lang hangga't hindi pa huli ang lahat .. Mamamatay ka rito," bulong niya.
Yun ang huli niyang sinabi bago niya ako iniwan. Medyo natakot at kinabahan rin ako sa huli niyang sinabi.
Damn. Bakit ang ki-creepy ng mga tao rito? Oo, pansin ko nga na iba ang tingin ng mga tao sa paligid ko, pero paanong .. anong ibig niyang sabihin?
Para akong na-estatwa sa kinaroonan ko. Hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta. Kung saang daan tatahakin ng paa ko. Kung susundin ko ang sinabi ng lalaki kanina. Biglang bumigat ang naging presensiya ng paligid ko sa akin. Parang sumikip ang dibdib ko bigla.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng CR. Hindi ko alam pero mas pinili kong ipagsawalang bahala ng mga paalala ng lalaki. Wala akong dapat katakutan, hangga't wala akong sapat na basehan para umalis na lang bigla. This was a school, kaya alam kong wala ring makakayang makapanakit sa akin dahil sigurado akong secured naman kami .. in a meantime.
"Aw!" sigaw ko nang may biglang bumangga sa akin na babaeng tumatakbo.
"Fuck! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" sigaw rin niya na inirapan pa ako bago nilampasan.
"Sorry," paghingi ko ng tawad habang hawak hawak ang balikat ko pero sigurado akong hindi rin niya iyon narinig dahil sa pagmamadali niyang umalis. Ang lakas naman nun. Para akong nabalian ng braso sa sakit.
Hindi ko na lang din iyon pinansin pa at hinanap ang Room 6. Narinig kong ang iingay ng mga nasa loob. Siguro wala pa yung prof namin. Pero pagpasok ko ay bigla na lang din silang natahimik.
Napatigil ako sa inasta nila dahil halos sabay sabay pa silang lumingon sa akin sa may pinto. Napilitan akong ngumiti sabay tungo at naghanap ng mauupuan sa may likod malapit sa gilid ng bintana. Pero parang ramdam ko pa rin ang mga mata nila sa akin kahit na nakaupo na ako.
BINABASA MO ANG
The Incubus' Heart - Short Story [COMPLETED]
Mystery / ThrillerIf a lustful demon didn't have a heart to begin with, how could he ever fall in love? He is a vicious and lethal monster, to put it another way. ~•~ You can't believe everything you see. You are not surrounded by genuine people. Your knowledge is no...