◉◉◉Someone's P.O.V
"Bakit hindi mo tinuloy ang balak mo kagabi? Nalaman ko na nagback-out ka. Anong ibig sabihin nun ha?"
I glared at them. Lalo na sa lalaking lumapit sa akin.
"What's it with you?" seryosong tanong ko na ikinakunot ng noo niya.
"You need to do it. Or I will be the one to--"
"Go. Gawin mo Inferco .. at ako ang makakalaban mo."
I saw him smirked. "Why? Does that human made your attacking power weaks? Wala sa dugo natin ang umaatras. Naging usap usapan ka kanina ng mga kalahi natin. You're the only one who stops to do it kung kailan nandun ka na."
"I already gave you what you want Inferco. Don't interfere with my own business. Hawak ko ang lalaking yun, at wala kayong pakialam kung kailan ko siya gustong halayin at patayin. Kilala ko ang sarili ko, kaya alam ko kung kailan ko gustong gawin yun. My sexual desires not drives me everytime I want to do it."
"Pfft. Then, aasahan ko iyan. Hihintayin kong makita .. "
...
Kale's P.O.V
Nagising ako na masakit ang mata dahil anong oras na akong nakatulog kagabi habang pinag-iisipan ang nangyari sa akin. Napasapo ako ng noo habang nakahawak sa dibdib ko. Nakakatakot dahil parang totoo na naramdaman ko iyon na nakadagan sa dibdib ko. Minulto ata talaga ako.
Napadpad ang mga paningin ko sa wall clock. It's already 7:19.
Shit! Late na ako!
Dali dali akong bumangon at napansin na wala na pala si Elliot sa kama niya. Di man lang ako ginising ng isang yun.
Para akong buhawi na nagpaikot ikot sa dorm room na kumilos para makaligo at makabihis na ng mas mabilis pero mukhang late na late pa rin ang bagsak ko dahil 7:30 ang first subject namin. Nakalimutan ko na ring mag-agahan. Nakipag-unahan din ako sa pagbaba sa hagdan at saktong nakita ko si Lola Lucy sa baba na nagpupunas sa mga display sa may front lobby.
"Lola, iwan na kita dito ah," nakangiting sabi ko. "Nagmamadali kasi ako. Nauna na kasi si Elliot sa akin kaya--"
"Teka, umuwi ba si Elliot kagabi? Hindi ko kasi siya napansin kung dumating na siya, hinihintay ko pa naman siya. Tsaka hindi ko rin nakita na lumabas siya kanina ng maaga."
"Huh?" natigilan ako. "Sabi niya kasi na natutulog na raw kayo kagabi kaya pumasok na lang daw siya," sagot ko.
"Anong oras na akong natulog dahil wala siyang nakita ko. Baka hindi ko lang napansin. Hayaan mo na, pumasok ka na. Baka mahuli ka pa."
"S-sige po."
Paano yun?
Hays, bahala na nga. Talagang mas kailangan ko pang habulin ang klase ko ngayon. Mabuti na lang at tatakbuhin ko lang ang university rito. Kapag naghintay pa ako ng masasakyan kung malayo, aabutin na ako ng uwian.
...
Natapos ang last subject ng pang-umaga namin pero kailangan ko munang pumunta sa library ngayon bago ako pumunta sa canteen dahil nagkaroon ako ng special activity dahil hindi ako umabot kanina sa first subject. Late ako kaya binigyan ng gawain. Well, hindi naman sa activity talaga, parang mas prefer na tawagin kong 'utos' slash 'punishment' 'to. May mga pinapahanap kasing mga libro sa 'kin.
Pagpasok ko sa library ay medyo madilim ang paligid. Wala bang ilaw ngayon rito?
Pero hinayaan ko na lang at tuluyang pumasok hawak hawak ang maliit na papel kung saan nakasulat ang title ng libro. Buti at naka-arrange ang mga libro rito ng alphabetically at assorted kung anong klase kaya mas madaling hanapin.
BINABASA MO ANG
The Incubus' Heart - Short Story [COMPLETED]
Mystery / ThrillerIf a lustful demon didn't have a heart to begin with, how could he ever fall in love? He is a vicious and lethal monster, to put it another way. ~•~ You can't believe everything you see. You are not surrounded by genuine people. Your knowledge is no...