◉◉◉Kale's P.O.V
"E-Elliot."
Parang nanlambot ang tuhod ko dahil sa nakilala kong mukha na pinagkakaguluhan ng ibang estudyante sa harapan namin.
Hindi ko alam kung anong iisipin ko, unang gagawin ko kung makakagalaw pa ako sa pwesto ko ngayon. Parang ayaw mag-sink in sa utak ko ang lahat ng mga nakikita ko.
Hindi 'to totoo! Hindi maaaring si Elliot to kasi .. kasi nagkausap pa kami kanina bago ako nagpunta rito. Baka kamukha lang niya 'to. Kasi hindi ako naniniwalang .. m-matagal na siyang patay. Kasi gabi gabi ko rin siyang nakikita sa dorm room ko.
Napaatras ako dahilan para mabunggo ko ang nasa likuran ko. Napapailing na pilit iwinawaksi ang imahinasyon na 'to sa utak ko.
"Panaginip lang 'to. Hindi 'to totoo," pilit na sabi ko na napatakbo na lang palabas ng gate pero napatigil rin nang biglang may mga kotse ng pulis na papasok sa university entrance.
"Wag po muna kayong lumabas ng campus. Inuulit ko, wala po munang lalabas ng campus," rinig kong malakas na boses mula sa speaker ng police mobile.
Wala kaming nagawa kundi ang bumalik lahat sa loob. Kahit na gustong gusto kong lumabas para maliwaliw ang utak ko sa nakita ko ay hindi pwede.
Pinabalik kaming lahat sa field. Nakita kong nagkakausap usap ang ilang nga estudyante. May mangilan ilan ring napapatingin sa gawi ko. Ewan ko kung bakit pero kinakabahan ako.
Napansin ko ang mga prof namin na nanggaling sa likuran ng library. Kasama ng mga pulis na halatang ini-interview sila at ilang miyembro ng SOCO na kumuha ng mga mahahalagang ebidensiya na maaaring maging lead sa gagawin nilang imbestigasyon.
Sa huli'y, nakita kong may dalawang pulis na may hawak na itim na body bag o cadaver pouch, na alam kong nakapaloob na roon ang katawan ni Elliot.
Muli ay nakaramdam ako ng panghihina kapag naaalala ko ang histura niya kanina. Parang ayokong isipin na siya yun pero may side sa akin na malaki ang palatandaan na siya talaga yun.
Ang sakit lang na makita siya na magiging ganun rin ang mangyayari katulad ng ibang naunang biktima ng pagpatay rito. Nakakahindik na pangyayari.
Halos hindi ko siya kayang titigan sa mukha. Maliban sa wala siyang ni kahit anong saplot, maalala kong mas malala ang napala niya kaysa sa mga nauna na nakita ko noon.
Walang awa ang gumawa nun sa kaniya. Kahit naman sino ay hindi masikmura kung makita ang kinahinatnan ng katawan niya.
Puno ng dugo ang maseselang bahagi ng katawan niya. Maraming mga sugat ang katawan, nag-lila na ang leeg niya na may narka pa ng kuko na parang sinakal hanggang sa malagutan ng hininga. Ang mahaba niyang buhok ay gulo gulo, puno siya ng bugbog lalo na sa dibdib. At katulad ng iba ay may puting malapot na likido na lumalabas sa bibig nila. Sa madaling salita, para nga siyang ginahasa ng isang halimaw.
Ng isang .. sex demon.
Unti unti ay parang naniniwala na ako sa mga kwento kwento. Ayoko mang maniwala ay nakakakilabot na itong mga nakikita kong patunay na alam kong hindi naman siguro kayang gawin ng isang normal na tao kahit pa siguro naka-droga pa.
"Mr. Kale Jennsen?" rinig kong pagtawag sa pangalan ko.
Nag-angat ako ng tingin at isang prof namin ang nakita ko. Nasa tabi niya ang isang pulis na may hawak na papel at ballpen.
"Yes po?" magalang na tanong ko na umayos ng upo rito sa bench.
"Ako si SPO4 Matildo, iho. Maaari ka ba naming makausap saglit? May konting katanungan lang kami para sa iyo," maayos na tanong ng pulis.
BINABASA MO ANG
The Incubus' Heart - Short Story [COMPLETED]
Mystery / ThrillerIf a lustful demon didn't have a heart to begin with, how could he ever fall in love? He is a vicious and lethal monster, to put it another way. ~•~ You can't believe everything you see. You are not surrounded by genuine people. Your knowledge is no...