Francesca’s POV
Hindi ko alam kung bakit nakwento ko lahat sa kanya, sa isang estranghero, ang isang bagay na kahit ang mga bestfriends ko ay walang kaalam- alam. Naisip ko na lang na dahil na rin siguro magaan ang loob ko sa kanya( hala, baka naman long lost brother ko ‘to?) at sobrang bigat na nang nararamdaman ko kaya naman sa kanya ko nabuhos lahat. Sa tingin ko naman mabuti siyang tao at mapagkakatiwalaan. Nang nailuha ko na lahat, may naalala ako…
“Teka lang, ano nga palang pangalan mo? Nakwento ko na lovelife ko sayo pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo” sabi sa kanya.
Tumawa lang siya habang nakatingin pa rin sa akin.
“My name is Tyrone, just call me Try” sagot niya sa akin na nakangiti pa rin.
“Wow lang ah, ang ikli na nga ng Tyrone, may nickname pa rin. By the way, I’m Francesca” pagpapakilala ko sabay abot ng hand ko.
“Can I just call you Frances? Your name is too long” sabi niya
“Sure, pero kung nahahabaan ka pwedeng Ces na lang o kung mahaba pa rin yun, F na lang kaya?” I said with sarcasm, kaloka kaya ‘to, masyadong demanding, pasalamat siya gwapo siya at mabait ako.
“Easy, don’t be mad at me! Okay nice meeting you, Frances” sabay abot ng kamay na inaalok ko sa kanya at nag shake hands na kami...
then I smiled...
“Finally, you’re smiling” sabi niya at lalong lumapad ang ngiti niya.
“Ganun ba ka-big deal yung pag ngiti ko? Pero teka nga lang, bakit ba English ka ng English? Kanina naman nagsasalita ka ng Tagalog ah”
“Wala, trip lang”- Try
“Adik ka rin pala eh pero thank you ah, kahit di tayo magkakilala, tinulungan mo pa rin ako” sabi ko sa kanya with a real smile.
“Ano ka ba, wala yun, friends na tayo diba?” –Try
“Ou naman, pagkatapos ba naman nang lahat. Paano nga ba ako makakabawi?”- ako
“Gusto mo talagang bumawi?” paninigurado niya
“Yup, I want to give you a thank you gift” sagot ko naman
“Okay, let’s go then” sabi niya sabay tayo
“Saan naman tayo pupunta?” tanong ko, curious ako eh.
“Sa heaven, papaligayahin kita” sagot niya sabay smirk
Ano daw? Heaven?
Buffering…
20%
.
.
.
50%
.
.
.
70%
.
.
.
100%.
“WHAT??!!!!!!!!!!”- sigaw ko, alam ko may pagka-slow ako, naapektuhan ata nung nangyari kanina.
At anong ginawa niya?
.
.
Tumawa lang naman na parang wala nang bukas, kulang nalang gumulong na siya sa kakatawa eh.
“Sige, ikaw nang masaya! So, pwede na pala akong clown? Magaling na akong magpatawa eh.” I sarcastically said
After 10 years nang tumigil na siya sa kakatawa...
“ O ano, tapos ka na? Kung makatawa,wagas eh. Ano naman kayang nakakatawa sa sinabi ko?” sabi ko
“Ang green-minded mo kasi eh, kung maka react ka parang may gagawin akong di kanais-nais sayo” sabi naman niya.
“Sorry naman po, tao lang, nagkakamali din ako!”-ako
“Tara na nga!” –Try
“Saan nga kasi tayo pupunta?”
“You’ll treat me, nagugutom na ako”
“Sus, yun lang pala eh. Osya, tara na, kahit saang mo gusting kumain, let’s go”
“Sabi mo ‘yan ah!”
“Oo na nga sabi. Ang kulit mo rin eh, pasalamat ka…”
“Ano, na gwapo ako at I’m hard to resist?”
“Hindi ka rin mahangin noh, ang gusto ko lang sabihin, pasalamat ka at may utang ng loob ako sa iyo kundi kanina ka pa tinamaan sa akin. Tara na nga, gutom na rin ako, kailangan kong mag-recharge, naubos ang battery ko kakaiyak at kakakausap sa iyo” sabi ko.
Nagsimula na akong maglakad at sumunod naman siya nang walang tanong.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Short StoryPaano kung yung kaisa- isang lalaking mahal mo... Iba ang gusto? At kapag sinuswerte ka nga naman, Bestfriend mo pa ang nililigawan niya... Anong gagawin mo? Ipaglalaban mo siya kahit magkasiraan kayo ng kaibigan mo... O Magpaparaya ka na lang? Pipi...