Ikalabing Apat na Subo

2 0 0
                                    

When someone walks out of our lives it sometimes mean that someone better is about to come. But what if the one who left is already the best and you just let that person pass you by. So confusing.

"Ayieee! Kinikilig akooooo!" pangungulit ko kay Eli.

"Oo na. parang sampung ulit mo na sinasabi yan. Move on move on din girl," pambabara ni Eli.

"Sabihin mo next time yung totoong rose naman para mabango," gatong ni Pam.

"Ayoko magsuggest hayaan n'yo s'yang magkusa hehe. Loka kayo di n'yo naman sinabi agad sa'kin na si Remus pala naglagay nun akala ko si Paotsin."

"Di ka naman nagtanong e!" sabay na depensa ng dalawa.

"Baka pambawi lang yun dun sa pagkakabangga namin last time."

I gave up every assumption in regards to that paper rose. Mahirap mag assume at baka mapahiya lang ako sa sarili ko hehe. Pero itinago ko pa rin yun sa loob ng locker ko making sure na hindi ito madadaganan, maiipit o masisira. Habang inaayos ko yung gamit ko dumating bigla si Remus sa locker room. Ngumiti s'ya at nginitian ko din s'ya. Kilig to the bones naman ako. Ang cute n'ya talagang bulilit s'ya hehehe. Akala ko may kukunin s'ya sa locker n'ya pero nagulat ako nung palapit s'ya sakin kasi ang pagkakaalala ko magkabilang dulo yung locker namin (nakita ko na s'ya dati na naglagay ng jacket sa locker n'ya). Medyo kinabahan ako kasi baka kausapin n'ya ako. Mabuti na lang at si Christoffer na nasa may bandang likuran ko yung nilapitan n'ya. Umalis na ako ng locker room at dumiretso sa elevator. Walang ibang tao habang hinihintay ko yung elevator kaya inilabas ko na yung cellphone ko para makapag soundtrip. Tamang sing out loud naman ako hanggang sa bumukas na yung elevator at wala itong ibang sakay. Tumutugtog na naman yung Kailan na kanta.

"Bakit kaya nangangamba Sa tuwing ika'y nakikita Sana nama'y magpakilala Ilang ulit nang nagkabangga Aklat kong dala'y pinulot mo pa 'Di ka pa rin nagpakilala"

Biglang bumukas yung pinto ng elevator at laking gulat ko nang pumasok si Remus. Nakakatunaw talaga yung ngiti n'ya. Medyo kabado ako at nahalata n'ya siguro kaya hindi s'ya umimik hanggang sa makababa kami. Dire-diretso akong naglakad palabas ng building without looking back. Akala ko nakaligtas na ako sa isang awkward conversation but I was wrong. Nabangga ko si Paotsin at natumba ako. Inalalayan n'ya ako at pinagsabihan na mag-iingat sa susunod kasi aalis s'ya at hindi n'ya ako mababantayan. Tahimik lang ako.

"Wala ka ba talagang sasabihin bago man lang ako umalis?"

"Mag-iingat ka," ang tangi kong nasabi sa kanya.

"Syempre naman. Babalik pa ako bilang boyfriend mo."

"Boyfriend talaga kahit hindi naman nanligaw?"

"Hindi naman masama mangarap. Lalo nakung ikaw ang papangarapin."

Siraulo ka talaga."

Lumapit s'ya at bumulong sa kaliwang tenga ko, "Babalikan kita."

Pating sa Berdeng KaninTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon