Potek ! Ewan ko ba ako naiiyak.
Dahil ba napatid ako at nahawakan sa pang-upo ko.
O dahil kahit na anong mangyari sakin, walang tutulong at patuloy pa din akong pagtatawanan ?
*sniff*
Waaa ! Wag kang tutulo luha please ! Pucha makioperate ka kung gusto mo pang makaulit !
"Oh pare mukhang iiyak na sya ooh ! "
"Aww kawawa naman."
"Kiss mo na lang si Miss."
"HAHAHAHA"
Nakakaasar ! Gustong-gusto kong pagsasapakin sila pero ayaw kumilos ng katawan ko ?
Nanlalambot yung mga tuhod ko.
Nawawalan ng gana yung mga binti ko.
At higit sa lahat ..
Nanghihina yung loob ko.
"Oops ! Kala ko kasi halaman na kailangang diligan kasi tigang. "
Napalingon ako sa narinig kong nagsalita.
Nagulat ako kasi si Jobl binuhusan ng juice yung ulo nung lalaking pumatid sakin.
"Miss wag ka ngang pabibo. Kala mo naman kaya mo kami. "
"Iiyak kalang din kagaya nyan."
Tumawa lang si Jobl. Yung nakakainsultong tawa.
"Oh GOSH ! I'm so scared ! HAHAHA" - pang-aasar ni Jobl sa mga lalaking trying hard na maging gangsters.
"Grabe nabusog ako dun. Tara gala tayo." - biglang sabi ng bagong dating na si Alex
"Mga pare chiks ! "
"Witwiw ! "
Naku . Baka mapasama lang yung mga to.
"Uy alis na kayo, baka mapano kayo." - sabi ko sa kanila
Tinignan ang nila ako saglit at binalik ang tingin sa mga lalaki.
"Tara laro tayo." - sabi ni Jobl sa mga lalaki
"Good idea! Tara sali kayo ?" - dagdag ni Alex
Nagsingisian yung mga lalaki na para bang nakajackpot.
"Sure. Anong laro ? At consequence " -tanong nung leader ata nila
"Ang consequence sasama kami sa inyo, bahala kayo kung ano gagawin nyo samin or lahat kayo sa hospital aabutin." - paliwanag ni Jobl
"Ang laro ahmm .. mag-isip kayo ng 5 different animals na nagsisimula sa letter "K" english dapat. DEAL ? " - hamon ni Alex
Nagsisipaglaway na yung mga gunggong. Sabay-sabay tumango.
"Kangaroo !" - sabi nung nakamohawks.
"Okay. 4 to go." - nakangiting sabi ni Alex
"Kingkong !"
"Not counted." - Jobl
"Killer whale"
"Nope"
"Killer snake"
"Not again"
"Killer smile"
"Hilig sa killer palibhasa mukhang mga killer. Hayup na mga mukha yan. Buti di kayo nagsisi na pinanganak pa kayo ? " - banat ni Lex
"Wala madaya yung mga to. At masyadong madakdak palibhasa dalawa ang bibig. " - reklamo nung isa

BINABASA MO ANG
Napkin Lang Pala Katapat Mo Eh !
HumorThe story is all about a girl na may super duper ultra mega to the highest level na kagandahang taglay at ma------ * TWOOOOOOOGSSSHHHH * (kumulog) * BOOOOM KABLAAAAAM BLAAAG * (nagbanggaang UFO) * WUUUUUUSHIIIIIIIINGGGGG * (nagtumbahan yung mga pun...