"December 10, 2020 "
Huwebes na tapos na naman ang module tapos na naman ang paghihirap ko. Anyway by the way ako nga pala si Elizabeth Cruz ,ang pinaka magandang apo ni Lola Belinda Cruz .Bukas na pala ang birthday ko excited na ako kasi magiging sixteen na ako at puwede na akong humarot hahaha hindi joke lang baka mamaya palayasin ako ng lolako tapos pauwiin niya ako sa Cavite , mahirap na hindi ko na makikita mga kaibigan at ang mga pinsan kung baliw.Hmm chat ko kaya si papa para bigyan niya ako ng money para may pang lakads ako bukas . Sayang pa naman kung hindi ako lalabas bukas , siguradong maraming gwapitong hindi ko makikita kapag hindi ako pupunta ng bayan.
Anyway by the way ito na nga nagchat ako kay papa,so ang sabi niya bibigyan niya daw ako ng money para may pang lakads ako bukas ,so ito nga sobrang saya ko kasi nagchat ung isa kung kaibigan na arat daw punta kami ng bayan para kumain sa funtea,kaya ito pumayag ako kasi nga minsan na lang namin itong gawin dahil alam na ninyo may Covid 19 at nilolockdown itong lugar namin para walang magkaroon ng Covid.Sa ganito kasing panahon mahirap na ang magkasakit dahil mahal ang babayarin .Kaya eto lagi lang kami sa bahay ,nag aaral, tumutulong sa mga gawaing bahay .Pero sa totoo lang nakakatamad din minsan kaya ang ginagawa ko na lamang ay inaaway at inaasar ko na lamang a.ng maldita kung kapatid,kinukutuhan ko ung aso naming si Petra at Lucky tapos aamuyin ko ung kamay ko "yuck ang lansa "pero okay lang yan kasi atleast umunti kuto ng alaga naming aso.Minsan pa nga kinakausap ko yung sarili ko sa harap ng salamin tapos sasabihin kung "mirror,mirror iharap mo sa akin ang taong pangit"tapos pagkabukas ng mata ko mukha ko yung makikita ko ,Omy bully tong salamin na to , masyado na ba talaga akong pangit.Kasinungalingan ang sabi ni lola ko maganda ako tapos sabi pa ng pinsan ko bakit daw mas lalo pa akong gumaganda kapag nakaside view ako.Kaya ngayon nakaharap ako sa salamin para patunayan so oo nga tama nga gumaganda ako kapag nakaside view nagiging kamukha ko yung puwet ng inidora hahaha totoo nga maniwala kayo sa akin nagsasabi ako ng totoo.Tapos ito pa minsan nangungupit ako ng barya sa bulsa ng lolo ko ,shsh lang kayo ah secret lang natin yun hindi kasi alam ng lolo ko yun sa inyo ko lang sinasabi kasi papagalitan ako non mahirap na baka mamaya hindi na niya ako bilhan ng pagkain secret , secret lang natin yun ah walang makakalabas baka mamaya isipin ko na mga chismosa kayo. At ito ang isa sa mga pinakamalupit na ginawa ko ngayong quarantine yung akala ko palaman yung dinilaan ko yun pala sipon"yuck" alam ko na nakakadiri pero wala effect sa akin kasi sipon ko yun eh kung sana hindi ko iyon sipon eh mandidiri talaga ako pero akin eh kaya wala ng arte arte galing din lang naman sa ilong ko.Sino want tinapay na may palaman na sipon na may crunchy kulangot hahaha wag ng mag inarte libre lang namn sya ,Gags sino punta na lang kayo sa bahay namin pero mag ingat sa mga alaga naming aso nanghahabol sila baka imbes na ante pabili sasabihin ninyo baka mamaya masabi ninyo "taray agado aso" hahaha pero joke mabait ako kaya ako na lang hahabol sa inyo pero malas ninyo nga lang kasi may dala akong malaking itak .Parang yung panood na ano na yun nakalimutan ko na basta yun hulaan na lang ninyo pag iisipin pa ninyo ako wala na ngang laman itong brain ko bibigyan ninyo pa ako ng iisipin ,wag ganon maawa namn kayo bullying na kasi tawag diyan ,pero jokey jokey lang tayo baka mamaya isumbong ninyo ako .
Hayssst mamaya na lang ulit kailangan ko pang maglinis ng bahay para hindi ako mapagalitan ni lola siguradong pagod na naman yun pag kauwi niya.Syempre ang una kung nilinisan ay yung kuwarto namin ni sister ,hay kaloka naman oh halos tumulo yung sipon ko dahil sa sobrang alikabok ng kuwarto namin , iniisip ko kailan ko kaya ito huling nilinisan.Ang alam ko nong isang isang isang linggo ko pa ito nilinisan pero bakit ganon ang bilis dumumi , grabe talaga tong kapatid ko ang daming basura sa higaan niya "yuck ka dir dir"makikita mo ba naman unang buklat mo pa lang sa unan niya makikita mo yung balat ng saging na natutuyo na ,tapos may tinapay pang tumigas na sa sobrang tagal. Omy sis ang dumi naman ng higaan mo sabi ko sa kanya tapos sagot niya pake mo wag ka nga dyan pabida toh.Abat anak ng tilapya tong ang maldita pasalamat ka dyan hindi ka naglilinis.Mabuti pang umalis mo na ako baka mamaya bigla na lang mademonyo tong kamay ko at baka masampal ko siya ng wala sa oras.Hmm anyway magluluto na lang muna ako kasi tanghali na at marami pa akong gawain na dapat matapos kaagad ng maaga dahil alam naman na ninyo ang hirap matambakan ng trabaho at kailangan pang hatiin ang oras para mabilis matapos kung sana may super powers lang ako edi sana tapos na kaagad pero wala eh.
After one hour I'm tapos na kaya magpapahinga na muna ako masyado akong napagod doon.Ang hirap talaga kapag walang tumutulong sayo, lahat ng gawain ay gagawin mo.But I just want to say parang pag ibig lang yan dapat kung pagod ka na dapat hindi ka sumuko dapat laban lang .Pero kapag hindi na talaga puwede edi bumitaw ka na alangan naman lalaban ka pa eh hindi ka na nga pinaglalaban.Minsan kailangan mo ring matototo na kapag ayaw na sayo pabayaan mo na kasi kapag ipipilit mo pa yang sarili mo sa kanya lalo ka lang masasaktan baka mamaya sa sobrang sakit bigla ka na lang mabaliw.Kaya ito lang masasabi ko piliin ninyo ang magmamahal sa inyo ng totoo , parang yung hindi kayo sasaktan,hindi kayo papaiyakin at hindi dudurugin ng sobra sobra yang mga puso ninyo.Kaya get a man na yung totoo hindi ung manloloko ,minsan kasi ung iba gusto ka lang kapag maganda ka ,so paano naman yung mga hindi kagandahan syempre lolokuhin lang ganon tska paglalaruan lang.Kaya mga sis ang masasabi ko lang unahin at mahalin ninyo muna ang sarili ninyo bago ang iba ,okay ba yun .Sana makatulong sa inyo itong payo ko and wag kayong magagalit ah kasi totoo naman itong sinasabi ko eh walang halong biro kasi ang alam ang iba sa inyo ay nangyari na ito kaya sana makatulong itong sinasabi ko ,HAHAHA mag thank you na lang kayo kapag nagkita na tayo.So paano ba yan matutulog muna ako baka kasi mamaya tumubo ang mga tigyawat ko ang hirap pa naman maging pangit ang mga pangit HAHAHA its a joke lang.......
AUTHORS NOTE:
Hi!👋 readers please support may story and thank you sa mga magbabasa netong story ko 😍