Walang Imposible

1 0 0
                                    

Sabi nila, kapag mahirap ka wala kang karapatan na mangarap kasi hindi naman daw matutupad. Para sa'kin kalokohan 'yan kasi mangarap na nga lang ang meron kaming mahihirap ipagkakait pa sa'min.

Nakalimutan mong magpakakilala ako si Lyca Gutierrez. Isang magsasaka ang tatay ko at pilay na mananahi naman ang nanay ko. Hindi ko ikinakahiya ang magulang ko, Lalo na 'yung trabaho nila. Kasi dahil do'n kaya kami nabubuhay. Salat man kami sa pera punong-puno naman ng pagmamahal ang tahanan namin at 'yun ang importante.

Malapit na 'ko grumaduate sa highschool excited na nga ako ehh. Gagraduate ako ng valedictorian, isosorpresa ko si nanay at tatay. Para sa kanila ang medalya at certificate na makukuha ko.

Ang kasoo...

Di ako naka-attend sa graduation eh, 'binigay na lang sa'kin ng teacher ko ang mga awards ko. Kasi a day before my graduation na-stroke si itay.

--Hospital--

"Anak,Lyca pasensya ka na ah. Dahil dito 'di ka na namin naasikaso sa graduation mo, hindi ka pa naka-attend" malungkot na sabi ni inay.

"Ano ka ba naman 'nay, syempre po ayos pang po 'yon tsaka 'di ko din naman po kakayanin ang ngumiti sa entablado, lalo na't alam ko na nandito si tatay sa ospital."sagot ko naman sa kaniya.

Malungkot na ngiti lang ang isinagot ni nanay sakin.

"Nay ba't ka naman po malungkot diba po dapat masaya ka kasi ayos na ang lagay ni itay?" tanong ko.

"Masaya ako anak, na maayos na ang tatay mo. Iniisip ko lang na kung ibenta kaya natin ang lupa natin para may pambayad tayo dito sa hospital"aniya.

"Ayan ang huwag na huwag niyo pong gagawin 'nay. Ayon na nga lang ang natitira sa atin pati ba naman 'yon ibebenta pa natin."

"Lyca, kung hindi natin ibebenta 'yon sa'n tayo kukuha ng ipambabayad dito sa ospital? Alangan naman mangutang tayo, mahirap mangutang ng ganon kalaki, baka di natin mabayaran." Pagpapaintindi niya sa akin.

"Nay 'yung ipon nalang natin para sa college ko, madami naman 'yon diba, tsaka sobra pa. Luluwas na lang po ako ng maynila para makapaghanap ng trabaho. Mag-aapply ako bilang call center do'n." suhestiyon ko.

"Sigurado ka ba dy'an anak? Ikaw lang mag-isa ang maninirahan sa maynila kaya mo ba 'yon?" paniniguro ni inay.

"Ako pa po ba inay, syempre kayang kaya ko 'yon." nakangiting sagot ko sa kaniya.

Ayun nga ang nangyari, ang natirang pera ay ginamit ko para makaluwas ako ng maynila at para may pangrenta sa uupahan kong apartment.

Masaya ako kasi natanggap ako sa trabaho bilang call center makakapagpadala na 'ko kela inay, mababayaran ko din ang upa dito. Mag-iipon ako para makapag-aral ulit.

Sa mga araw na nagdaan, masaya ako sa una pero nakakalungkot din pala kapag naiisip mo na malayo ka sa pamilya mo.

Pero di ako magpapaapekto Kasi para sakanila din itong ginagawa ko.

---After 4 years---

"Let us all welcome, the Magna Cumlaude on this batch, Ms. Lyca Gutierrez to give us a inspirational speech" anunsyo ng aming guro sa entablado.

"Good morning everyone! Being a poor is not bad, after all I am the perfect example na kahit mahirap pwedeng mangarap. Kahit anong pagsubok kaya nating malagpasan.

Kaya nagpapasalamat ako sa magulang ko dahil kung hindi dahil sa hirap at sakripisyo nyo 'di ko maaabot ang lahat ng Ito.

Salamat din sa panginoon na nagpapaalala sakin na walang imposible sa buhay. Kahit mahirap ka o mayaman ka, may pera ka man o wala,basta pursigido ka, magtatagumpay ka.

Kaya para sa mga taong katulad ko, na lumaki sa kahirapan at takot mangarap, dahil baka hindi matupad, 'wag kayong matakot. Basta't alam nyo sa sarili nyo na kaya nyo, magtatagumpay kayo.

Always remember, na sa buhay kung Hindi ka susugal, hindi mo malalaman ang resulta.

Everyone I am your Cabin Crew Lyca Gangoso isang anak ng magsasaka at mananahi and I am proud of it. Thank you!"

--End--




Yanna was my comfort, my peace, my happiness all in one. It was my first time feeling like this and it hurt because I needed to let her go. I didn't want her to wait for me when I wasn't planning to come back anymore.

ONE SHOT STORIES COLLECTIONWhere stories live. Discover now