Sa kabilang dako, naiwang mag-isa si Pipe sa kadahilanang tumanggi ang lahat ng kaniyang mga kaibigan na mamasyal.
Sa halip na mag-isang magmukmok sa dorm, itinuloy nalang niya ang planong mag-silog nang mag-isa.
Kumakain pa lamang siya sa Silogan ay ramdam na niya ang panlulumbay. Sumusubo, ngumunguya at lumulunok ng walang kasabay.
Natapos na siyang kumain ngunit tirik na tirik pa rin ang araw kaya napagpasyahan niyang dumiretso nalang muna sa San Fernando Center isang malaking mall malapit sa Silogan na kaniyang kinainan at doon ay magpalamig at maglibang muna.
Naglakad-lakad muna siya sa loob at mag-isang nililibang ang sarili hanggang makarating siya sa Joy World isang amusement center sa loob ng Mall kung saan sila madalas maglaro magbabarkdada sa tuwing pumupunta sila doon. Nakadagdag pa ito lalo sa lumbay na kaniyang nararamdaman.
Bagama't gayon ang dinadama, pinasok niya pa rin ang Joy World sa pagnanais na maramdaman ang presensya ng kaniyang mga kaibigan kahit na wala ito sa kaniyang tabi.
Habang naghuhulog si Pipe ng barya sa Token Machine hindi nito napigilan ang sidhi ng inis at tampo kaya nagsimula na itong maghimutok.
Kayari na kayaring makuha ang mga token ay dagli-dagli na itong nagtungo sa Shooting Arcade at pagigil na hinugot ang baril at inasinta sa target.
"Bwesit!" ~boom~
"Kaibigan ba talaga nila ako!" ~boom~ nagsimula na siyang pagtinginan ng mga tao dahil sa lakas ng kaniyang panunungayaw dahilan ng kaniyang pagkahiya at dahan-dahan na pagbaba sa laruang baril.Napayukyok na lang ito at napasabing, "Sa dami-dami ng araw na pwede nilang kalimutan, ngayon pa talaga."
Sa lahat ng mga nangyari, hindi na nais pang magpatuloy sa paglilibang si Pipe kaya lumabas na ito sa Amusement Center at dumaan nalang sa Exit Door ng Mall upang hindi na mapalayo pa ngunit sa kaniyang paghakbang palabas ng babasaging pinto bumungad sa kaniya ang Skyride isang Amusement Park na naglalaman ng sandamakmak na rides.
Imbis na matuwa si Pipe sa makulay na mga sasakyan, walang anu-anong tumulo ang kaniyang luha habang nakatitig sa pagong kung umikot na Ferris Wheel.
Naalala nito ang unang pasyal ng kaniyang pamilya dito na naging lubhang makasaysayan at hindi makalilimutang alaala kasama ang kaniyang pamilya, ang Pamilya Barbadensis.
Napapikit si Pipe nang biglang humaplos sa kaniyang malambot na balat ang napakabanayad na simoy ng hangin na nagpaalala sa payo ng kaniyang ina sa kaniyang ate na nagkataon na broken hearted noon habang sila ay nakalukok at nakasakay sa Ferris Wheel.
Gumawa ka ng mga bagay na makapagpapasaya sayo sa mga panahong malungkot ka dahil 'yon lamang ang paraan para makalimutan mo ang sakit kahit panandalian lang.
Hindi na naisilim pa ni Pipe ang kaniyang mamatak-matak na luha kaya't ito'y marahan nang kumawala at dumausdos sa kaniyang mukha.
Minuto lamang ang lumipas ay kinolekta na niya ang sarili at hinimok na maging positibo at masaya sa kasagsagan ng kalungkutan.
Nagsimula na siya muling gumawa ng mga masasayang bagay habang nasa pasyalan.
Sumakay ng mga rides mag-isa. Namili ng bagong mga gamit ng walang kasama. Kumain ng hapunan ng walang kasalo sa lamesa. Nag-videoke ng walang ka-jam sa pagkanta at pumara ng jeep ng walang kadaldalan sa kalsada.
Habang nasa loob ng jeep, kinuha niya ang kaniyang telepono sa kaniyang bag at tinignan kung mayroong mga IG Stories update ang kaniyang mga kaibigan ngunit sa hindi karaniwang pagkakataon, wala sila kahit isang slide man lang na kataka-taka lalo na sa kaso ni Micah na may Review Series sa Instagram.
Sa yamang pagtataka, nag-update si Pipe ng Story na naglalaman ng kinuhanang litrato ng Feris Wheel na may siping, "Well spent day." Hinintay niyang mag-view ang tatlo ngunit wala ni isa ang nagbukas nito kaya pinatay na lamang niya ang kaniyang telepono at nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga.
Makalipas ang dalawampu't limang minuto, matamlay na bumaba si Pipe sa jeep at marahang naglakad papunta sa kanilang condo unit.
Pagdating sa pintuan ng kanilang silid ay huminga muna ito ng malalim at itinatak sa utak na, Wag kang magagalit sa kanila. Act normal, ngitian at kausapin mo sila as you always do. Matapos ay nagpakawala ulit ito ng malalim na buntong-hininga.
~tok! tok! tok!~ tunog ng katok.
Lubusang nagtaka si Pipe sapagkat sa araw-araw niyang pag-uwi ay unang katok pa lamang niya sa pintuan ay nagu-unahan na ang tatlo dahil naging kaugalian na ng magkakaibigan na kung sino man ang maunang makapagbukas ng pintuan para kay Pipe ay gagantimpalaan niya ng nakapapayapang masahe.
Sa pagkakataong ito, kumatok muli si Pipe ngunit sa nakakalungkot na "muli", wala pa ring kamay ang nagbukas ng pinto para sa kaniya. Ngayon ay nais na niyang sumabog at ilabas ang sakit ng loob kaya dinukot na niya ang kaniyang susi mula sa bulsa at dagliang binuksan ang malamig na pinto.
Sa pagpasok niya sa loob, dilim agad ang bumungad sa kaniya kaya kapagdaka niyang binuklat ang ilaw at doon niya nakita katabi ng switch ang sticker note na naglalamang...
Pipe! Pumunta ka ng rooftop! Micah wants to end everything. Hurry!
Pasadyang Tala:
Gumawa ka ng mga bagay na makapagpapasaya sayo sa mga panahong malungkot ka dahil 'yon lamang ang paraan para makalimutan mo ang sakit kahit panandalian lang.Special Note:
Do things that can make umyou happy when you're are down and feel sad because that's the only way how to hide and scape from the pain even in just a short period of time.JEDZUUUHMATIC
BINABASA MO ANG
I Need Your I Love You (BL Story)
RomancePipe Barbadensis, a freshy student of GMU who thought that his life would be better and had a certain, implicit and brighter future ahead if he entered this University. Unluckily, how wrong he was. His life was serenely peaceful not until Ibe Galde...