34

797 23 3
                                    

Kausap ngayon ni Kaizen ang isang tauhan niya sa council. Ito ang nagbabantay sa lahat ng nangyari loob ng konseho.
May ipinakita itong mga dokumento sa kanya na nagpapatunay ng tunay na katauhan ng traydor.

"Maasahan ka talaga William."

Nakangising wika ni Kaizen habang hawak niya ang itim na envelop.
Tumango lang ang kausap niya.
He knows William since then. Bata pa lang sila. Anak ito ng pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama at naging malapit silang magkakaibigan kahit di ito palasalita nagkakaintidihan naman sila kahit papano.

Umalis na si William kaya nagtungo naman siya sa kanyang private library upang doon tingnan ang mga nakuhang ebidensya. Psh.





*************

KAIZEN


Inilabas ko sa itim na envelop ang mga dokumentong nagpapatunay sa totoong traydor ng konseho.
Hindi na ako nagulat sa natuklasan ko. Inasahan ko na ito.
Hmmn. Gusto ko pa sanang patagalin pa ang pagka traydor nila but since my little brother is so eager kaya napaaga. Tsk.
Unlike me, my brother has a soft heart to everyone. That's why everyone loves him.
And of course they loathe me for being merciless and cold - hearted.
Can't help it i was born like this.

I send a message to my brother through our old means. Kinuha ko sa hawla ang alaga kong uwak. He is as black as midnight.
Tinali ko sa pulang ribbon ang maikling sulat para sa kanya bago ko binuksan ang maliit na bintana para pakawalan ko ito.
This is exciting.
Tinago ko muna ang itim na envelop ginamitan ko ito ng concealing magic kasama ang tiara ng aking ina.
And yes i am also a sorcerer.
Natutunan ko ito sa aking ina.
Kaya nga malaking palaisipan kung bakit nanakaw ang tiara noon ng isa pa talagang babae. How dare her to do that foolishness.

Wala pang hatinggabi nandito na si Lance. Sobrang excited naman nito. Hindi na isinabukas pa. Tsk.
Dumiretso siya dito sa private library ko.
Pagkaupo niya sa harap ko ibinigay ko agad sa kanya ang itim na envelop.
Tiningnan niya ito ng naka kunot ang noo.


"Tsk. So mag ina pala sila huh. I see. So all this time pinlano na nila ito. Kaya pala si Jane lang nalason kuno. Oo nga bakit di ko naisip yun. Tsk. At sinadya nilang ang alalay nito ang pagbintangan."


"Exactly! Dahil ampon lang si Jane ni Richard. Which is ang totoong ama nito ay si  Neil na siyang may malaking hangarin na mapasakanya ang trono ko. Psh. That if mapantayan niya ang kakayahan ko.
And her mother is no other than manang Helen na siyang in- charge sa kusina ng kastilyo".

Dagdag ko pa. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Lance. Pilit nitong pinapakalma ang sarili. He's angry.



"By the way can you set up a party for the council which will be held in Cenred?"

Suhestiyon nito. Hmmn. Sounds interesting.




"Very well little brother. Whatever your plans is. You always got my back".

Wika ko sa kanya na ikinangisi nito.
My brother really has a very good tactical skills.

"Thanks bro".

Nagpaalam na ito. Hindi na daw muna niya pupuntahan si Ava dahil hatinggabi na nga.
Babalik na lang daw siya bukas.
May isa pa akong alas laban sa mga traydor pero hindi ko muna ito ipapakita sa kapatid ko baka kasi kung ano ang magawa nito at mapurmada pa ang plano.
I' ll just keep it to myself and i will be incharge for this biggest surprise.


Nawala na siya sa paningin ko kaya naman naghanda na ako para magpahinga pero bago yun i need to check my prisoner first.
Kaya naman bumaba ako para puntahan ang kulungan ng babaeng yun.
Nadatnan ko siyang natutulog sa maliit na higaan sa loob ng kanyang kulungan.
Sinadya kong patirin ang bakal para maglikha ng kalansing upang magising siya. And yes nagising nga siya.
Pinilit niya tumayo kahit nakakadena ang isang kamay niya. Sobrang dungis na niya pero lutang pa rin ang angking kagandahan niya.
No way. I should not praise this thief.
I only keep her alive to see how she suffer everyday.
I want her to regret the day she was born.
Nginisihan ko siya.

"How does it feel to be in hell?"

I mocked her.

Hindi naman ito sumagot katulad noong unang mga araw niya dito. Maybe because tanggap na niyang mamamatay siya dito. Psh.
Tiningnan niya lang ako saka ngumiti.

Shit! Why do my heart suddenly beats faster.?
Nagmamadali akong umalis sa lugar na iyon.
What the heck happens to me!?







******************



PERCIVAL



Sinamahan ko si Lyn dito. Kahit pa man ligtas siya dito pero babae pa rin siya.
Tiningnan ko siya sa kwarto at mahimbing na siyang natutulog ngayon.
Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Nasaktan ako ng nadatnan ko siya sa ganoong sitwasyon kanina. Buti na lang Lance saved her.
Nagdilim ang paningin ko kanina buti na lang kumalma ako sa isang yakap lang niya.
God how loved this girl.

Naging alerto ako ng makarinig ako ng mahinang kaluskos.
Sinilip ko sa pamamagitan ng maliit na siwang ang nangyari sa labas only to find out na si Lance lang pala.
Ano kaya ang ginagawa niya dito. It's already past midnight na.
Binuksan ko ang pinto para salubungin siya.
Nakita kong may hawak siyang isang itim na envelop.


"Halika, pasok".

Nasa maliit na sala kami ngayon.
Siya naman umupo sa pang isahang sofa saka nito ipinatong ang mga paa sa center table.
Inabot niya sa akin ang bitbit niya.
Agad ko naman itong binuksan at tumambad sa akin ang ilang mga dokumento at mga larawan.
Ito ang mga kailangan kong ebidensya para mapawalang sala si Lyn.
Sobrang saya ko na sa wakas makamit na namin ang hustisya.



"Maraming salamat sa pagtulong mo Lance. Tatanawin namin itong malaking utang na loob."

Taos pusong pasalamat ko sa kanya.


"Don't mention it. I just want to be fair and justice to serve well".

Balewalang saad nito.

Sometimes i wonder bakit nga ba nandito siya sa Cenred gayung isa itong beta at kapatid pa nito ang Alpha King.
Tumayo ito at nagpunta sa isang cabinet na may laman na ibat- ibang klase ng alak. Kumuha ito ng dalawang bote nun tapos binigay sakin ang isa.

"Dito muna ako matutulog ngayong gabi".

Wika nito habang nangangalahati na ang laman ng kanyang bote.

Hindi ko alam kung anong oras kami nakatulog kagabi basta nagising na lang ako ng makaamoy ako ng mabango. Nagluluto na pala si Lyn ngayon. Pansin kong maaliwalas ang mukha nito. Tiningnan ko ang paligid pero di ko na kita pa si Lance. Maaga itong umalis.

"Morning. Halika pinaghanda na kita ng almusal".

Nakangiting bungad niya sa akin. Nakangiti naman akong bumaling sa kanya.
Sana ganito na lang palagi noh.

"Hmmn. Mukhang masarap nga.".

Komento ko ng makita ang hinanda niyang fried rice saka sunny side up at may hotdog pa.
Nag blush naman siya sa papuri ko.

Magana kaming kumain na dalawa. Sobrang busog ko pa nga eh.

"Thanks for the breakfast".

Nakangiti kong saad.
Kimi naman siyang ngumiti sa akin.


"Welcome".

Sagot naman nito.

Sinabi sa akin ni Lance na itatago ko muna ang itim na envelop. He has plans. Sasabihan na lang daw niya ako pag oras na para iladtad ang mga iyon.
Kinakabahan ako sa mga maaaring mangyari but i trust them.
















ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon