“FIRST LOVE NEVER DIES”
Ito ang katagang pinaniwalaan ko nang kay tagal, siguro mga four years? ang tagal eh ano? Oo, and tagal kong naghintay. Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na babalik siya, na babalikan niya ako.
Bawat araw’y binabaha ako ng lungkot…
Bawat buwan’y nadudurog ang aking puso…
Bawat taon’y nalulunod ako sa sariling luha…
Ako na siguro ang pinaka-tanga.. pinaka-manhid, na hanggang ngayo’y hindi ko pa rin siya mabura sa isipan ko… at sa puso ko.
Akala ko unti-unti nang magsasara ang puso ko, yung tipong back to zero na naman ako pagdating sa love..
Pero may humarang.
Pinadama niya sa akin ang nais ko sanang madama noon pa lang kay Past.
Unti-unti niyang hinihilom ang mga sugat na kay tagal nang naka-ukit sa puso ko.
Hindi siya nawala kahit kailan sa tabi ko, para protektahan ako.
At
Minahal niya ako higit pa sa sarili niya.
Gustong-gusto ko..
Gustong-gusto ko siyang mahalin.
Ngunit tila ma’y bumabagabag sa akin, na kahit anong gawin ko’y panggalan pa rin ni Past ang sinisigaw ng isipan ko.. nang puso ko.
“TIME HEALS”
Unti-unti na akong bumabangon.
Unti-unti na akong bumabangon sa bangungot na iniwan ng nakaraan.
Sadness turns to Happiness
Frowns turn to Smiles
Tears turn to Laughers
Nang dahil kay Superman ko, naramdaman ko din kung paano mahalin. Yung feeling na alam kong hinding-hindi niya ako iiwan, hinding-hindi lolokohin, at hinding-hindi paaasahin.
Okay na sana lahat, nang biglang…
Bumalik si Past.
Si Past na una mong minahal.
Si Past na iniwan ka.
Si Past na ang tanging dahilan kung bakit nagging tanga ka nang kay tagal.
Si Past na kay tagal mong hinintay.
Si Past na kahit kalian hindi nabura sa isipan mo,
At sa puso.
Alam mo yung parang sa isang pitik lang nawala na lahat ng saya na pumuno sa puso mo at nalubog pa ito ng lungkot at sakit dulot nang nakaraan.
Tapos bigla nalang niyang sabihin sayo na:
“Kahit kalian, hindi ka nawala dito.. dito sa puso ko. Mahal Kita.”
Sino ang pipiliin mo?
Si SUPERMAN na sumagip sayo sa lahat ng sakit na iniwan ni Past?
O
Si PAST na kay tagal mong hinintay at kahit kalian ay hindi nabura sa puso mo?
BINABASA MO ANG
I LOVED YOU
Teen FictionSamahan natin si Lauren na tuklasin kung sino nga ba ang nakatadhana para sa kanya. Si Superman ba? o si Past?