Sky pov..
Halos Isang linggo na ako hindi kinakausap ni yuki babe ko, ang sakit parang nawawalan ako ng gana gumising sa umaga nagpaliwanag na ako kila blake at humingi naman sila ng pasensya kase muntik na nila ako mabugbug ng todo grabe buti na lang na gets nila yung pick up na gusto ko iparating kay yuki ko ang mamalisyoso kase ng mga utak eh.
Flashback.
"Yuki patawarin mo na ako, hindi naman talaga bastos yung pinaparating ko sa pick up line ko eh" sabi ko sa kanya habang hawak hawak ko braso nya
"Wag mo nga ako hawakan baka mabuntis ako marami pa akong pangarap sa buhay para mabuntis" masungit nyang sabi
"grabe ka naman wala pa naman ako nababalitaan na nabuntis dahil sa paghawak lang sa braso"
"wala pa ba hehehe advance lang magisip, pero kahit wala pa nabubintis wag mo ako hahawakan isa ka pa ring pervert kaya chuchu saka wag mo ako kakausapin" tapos lumakad na sya papalayo saken
"wag mo ako iwan mali yung intindi mo sorry na kase malisyosa ka kase eh , sorry na talaga hindi ko na uulitin yung ganong pick up line" pero patuloy pa rin sya sa paglalakad na parang walang narinig
End of flashback
Yuki pov..
Nandito ako ngayon sa cafeteria kumakain ng chocolate ice cream saka chocolate cake kasama ko ang bago kong friend si blezzy yung nerd na nakilala ko nung nakaraan linggo, hindi ko kasabay mag vacant sila kuya eh kaya sya yung kasabay ko ngayun.
"uhmmm yuki pwede ba magtanong?" nakayuko nyang sabe
"Oo naman, Saka wag ka na mahiya saken diba nga friends na tayo kaya go lang ng go sa pagtanong" nakangiti kong sabe sa kanya
"T-totoo bang nililigawan ka ng sky?"
"oo yata" natatawa kong sagot eh "ikaw may boyfriend ka na ba o may nanliligaw sayo"
"Wala no, saka sino ba naman magkakagusto sa isang nerd na katulad ko tingnan mo ang laki ng salamin ko sa mata tapos yung buhok ko parang walis tapos yung porma ko pang manang daw"
"Ano ka ba ang baba naman ng tingin mo sa sarili mo, maganda ka kaya kahit naka nerd look ka pa baka nga pag wala kang salamin mas lalo ka gumanda eh, nga pala may crush ka?" curious kong tanong, minsan talaga marites din ako eh
"Ahmm meron..... si ano ......si jake" pabulong nyang sabe.
Dahil nga sa sobrang kilig at gulat ko napatili ako "kyaaaa seriously? Gusto kita para kay kuya jake"
Kringgggg [ Tunog ng Bell ]
"Oh sige yuki una na ako baka malate ako"
"Sige saka dont worry tutulungan kita kay kuya, FIGHTING"
Classroom..
Pagpasok ko sa room nagtaka ako kase halos lahat ng classmate ko nakatingin sakin ang weird! Hindi ko na lang sila pinansin tuloy tuloy ako nag lakad papunta sa upuan ko at tumingin sa labas at nagmuni muni, habang nag-mumuni muni ako may narinig akong boses na kumakanta
Sky pov...
Humingi ako ng tulong sa mga ka gang ko kung pano ako patawarin ni yuki ko at na isip nila haranahin ko daw sa classroom si yuki, sila gagamit ng instrumento ako yung kakanta diba concert ang peg saka kinutsaba ko na rin yung mga classmate nya baka kase pag bigla kame pumasok magtiliian sila mahirap na baka hindi marinig ni yuki ang maganda kong boses.
[ Sorry na ]
Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo
Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto
Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo
Sorry na
Nakita ko si sky na kumakanta ang bilis na naman ng tibok ng puso ko hmp bakit kaya, parang naaawa at naguguilty ako sa mga sinabe ko kay sky kase pinaliwanag na sakin ni kuya blake yung ibig sabihin ng pick up line, kaso masyado akong pakipot at hindi ko alam kung pano sya kausapin ng matino at humingi ng sorry sa mga sinabe ko.
Sorry na wag kang madadala
Alam kong medyo nahihirapan ka
Na ibigin ang isang katulad kong parang timang
Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan
Sorry na saan ka pupunta?
Please naman wag kang mawawala
Kapag ako ay iwan mo mamamatay ako
Pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso ko
Mahal kita sobrang mahal kita
Wala na akong pwedeng sabihin pang iba
Kundi sorry talaga di ko sinasadya
Talagang sobrang mahal kita
Wag kang mawawala sorry na
pumipiyok piyok pa sya habang kumakanta, gusto ko matawa pero baka imbis na magbati kame baka lalo pa kame mag away
Pagtapos ng pagtapos nya kumanta hindi ko na alam kung ano ginagawa ko basta ang alam ko lang naglakad ako palapit sa kanya tapos niyakap ko sya ng mahigpit.
Continueeee...
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (COMPLETE)
ActionAno ba Expectation nyo sa isang Queen ng Gangster? Mature mag isip? tahimik? busy na tao? lagi may kaaway? Stressful dahil sa Responsibilidad? Bugnutin? madali uminit ang ulo? Well isa akong Queen ng Gangster pero isa sa mga nabanggit hindi ko ugal...