Eykey and Alrey

373 5 5
                                    

The Arrogant (Man in my dream.)

Pagod na pagod na ako sa kakatakbo! Hindi ko alam kung bakit ako hinahabol ng isang malaking lalaki!

Nakakita ako ng mapagtataguan, isang...

CR SA GILID NG KALSADA?!

Kakaiba, pero hindi na ako nagtaka ang kailanga ko ay makapagtago sa lalaking kanina pa ako hinahabol!

Pumasok ako ng CR, pigil ang hininga ko para hindi ako makalikha ng kahit anong ingay! Naririnig ko na ang mga yabag ng paa nya, nasa tapat na sya ng CR kung saan ako nagtatago!

Naitakip ko na lang sa mukha ko ang dalawang kamay ko ng biglang bumukas ang pinto ng CR!

"Sumama ka saken!" hinawakan ako ng lalaki sa braso.

Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong, gusto kong pumiglas mula sa pagkakahawak nya sa braso ko! Pero bakit hindi ko magawa?!

Sumama ako ng walang pagtutol sa kanya! Saan nya ba ako dadalhin? Hindi kami nag-uusap. Naglalakad lang kami hanggang sa makrating kami sa isang parang!

Kulay berde ang kapaligiran dahil sa may kahabaang damo, umabot hanggang kalahati ng binti ko ang mga damo. Naglakad kami sa gitna ng damuhan, nakakita ako ng isang lalaking nakaupo sa gitna niyon, nakatalikod sya sa amin.

Tumugil kami sa likuran ng lalaking nakaupo sa damuhan.

"Nandito na sya." sabi nung malaking lalaking nakahawak sa braso ko.

"Salamat!" sabi ng lalaking nakaupo bago dahan-dahan syang humarap sa akin!

Napanganga ako ng salubungin ako ng isang matamis ng lalaking may napaka-gwapong mukha! Ang mata nya ay kulay abo, mapupula ang maninipis nyang labi!

"Upo ka!" yaya nya sa akin.

Umupo ako sa tabi nya, hindi nawawala ang magandng ngiti sa kanyang labi. Hindi ko alam pero nahahawa ako sa mga ngiti niya!

"Ang...gwapo mo naman!" sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Salamat!" mas matamis ang ngiting isinukli niya sa mga ngiti ko!

"Anong pangalan mo?" tanong ko.

"Jin." sagot nya saken.

"Pwede ba akong humingi ng picture mo?" ang gwapo nya talaga!

Ang ganda ng mga mata nya, nakikita ko ang repleksyon ko doon!

"Sige! Pero isang halik muna!" sabi nya.

ANO DAW?!

Kumabog ang dibdib ko! Humihingi ba sya ng isang halik kapalit ng hinihingi kong picture nya?!

"Sige!" tatanggi pa ba ako?

Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi! Paghalik nya sa pisngi ko, iniabot nya sa akin ang picture nya! tiningnan ko iyon at napangiti ako! Ang gwapo nya talaga, ang amo ng mukha nya!

maingat kong itinago iyon sa wallet ko.

"Ang daya! Bakit sa pisngi lang?" naisipan kong magreklamo!

Mas gusto kong halikan nya ako sa mga labi! Napatingin ako sa mapupulang labi nya! Gusto kong tikman ang mga iyon!

"Saan mo ba gusto?" tanong nya saken habang nakangiti, pati ang abuhin niyang mga mata ay nakangiti din sa akin!

"Gusto ko sa labi!" sabi ko!

"Sige."

Lumapit sya saken, hinawakan nya ang batok ko ng kanang kamay nya! Ang kaliwang kamay nya naman ay nakaalalay sa likod ko. Dahan-dahang lumalapit ang mukha nya sa mukha ko!

Ang lakas ng tibok ng puso ko! Halos naririnig ko na nga ang tibok niyon!

Malapit na malapit na ang labi nya sa labi ko. Nalalanghap ko na ang mabangong hininga ni Jin! Nararamdaman ko na din na unti-unti na niya akong inihihiga sa berdeng damuhan!

Unti-unti ko na din ipinipikit ang mga mata ko!

Naramdaman ko na ang bahagyang pagsagi ng lani ni Jin sa labi ko hanggang sa tuluyan na ngang...

Ooopppss!!!

Cliffhanger ba?xD Hoho...abangan nyo ang wattpad life na pinangarap ni Junikka! Mahal ko yan kaya ako muna ang "Fairy God Maligno" mo!xD

Here's your story with Seong Ji AKA Alreyjin Hechonoovi! ^___^

The Playboy (Easy to get. Hard to forget?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon