Sumakay na si Myrtle sa limo at tuluyan ng napaiyak. Si Chase kasi ang kaunaunahang nobyo nito at ang akala niya ay sila parin hanggat sa huli. Pero nagkakamali pala siya.
Know she knows kung bakit bitter ang kapatid niya. At dahil sa nangyari ngayon parang natatakot na siyang magmahal muli. Pagkadating niya sa bahay pumanhik agad siya at tinawagan ang kapatid
Wala pang 30 minutes ay narinig na niya ang pagkatok sa pinto at pabukas nun nakita niya ang kapatid na may naaawang mukha
Naglakad papunta si Mich sakanya"Ate--"
"Ang sakit pala Mich no? Parang tinutusok ng punyal ang puso ko ng paulit-ulit" pagda-drama ni Myrtle
Napakamot ang kanyang kapatid sa batok "I'm sorry if I can't comfort you right now. Alam mo namang hindi ako sanay sa mga ganito"
Ngumiti lang si Myrtle at natawa
MICH
Hindi pa man ako nakakaalis sa silid ni Myrtle ay biglang nagring ang phone ko. Nang tignan ko ang text galing ito kay Harisse. Napangiti agad ako ng maalala yung nangyari kanina
"Hi. Are you already asleep?"
Mas lumapad ang ngiti ko dahil dun. Agad akong nagtipa sa aking phone
"Tanga. Anong klaseng tanong iyan? At bakit di ka pa natutulog? You should sleep. Lalaki eyebags mo. Di ka na magiging pogi"
I squealed nang hindi ko na matago ang aking nararamdaman. Kagat kagat ko pa ang aking labi, pilit tinatago ang ngiti
"It's alright. Dapat maging proud ako, pinaghirapan kong makuha ang eyebags na ito, no
I let out a chuckle at nagreply
"I'm sleepy. Night"
"Goodnight. Dream of me :*"
"Hoy Mich! Ano bang meron? Kung makangiti wagas eh!" napatingin ako kay Myrtle. Nandito pa pala ako sa silid niya. Akala ko kanina pa ako nakalabas
Awkward akong natawa "Wala. Sige matulog na ako, bye!"
Dali-dali akong lumabas ng kanyang kwarto at pumunta sa akin. Napatingin ako sa aking sarili sa salamin at parang kamatis ang aking mukha dahil sa sobrang pula
Nang gabing iyon ay di ako nakatulog at pabalik-balik na binabasa ang convo namin
_____________________________
Nagising ako dahil sa matinding sinag ng araw. Napatingin ako sa aking wall clock at tanghali na. Kaya pala ang sakit na ng aking balat na natatapatan ng araw. Bumaba ako para magbreakfast
Nadatnan ko si Myrtle na naka-upo sa hapag at nakataas ang kilay sakin. May lalaki siyang katabi na nakatalikod sa aking gawi ngunit pamilyar sa akin ang hubog ng kanyang katawan at ang kanyang gupit ng buhok. Hindi ako nagkakamali, si Harisse ito
At dahil sa gulat napatakip ako sa aking bibig at dahan-dahang tumalikod at babalik sa taas ng tawagin ako ni Myrtle "Saan ka pupunta? Alam mo bang kanina pa naghihintay si Harisse sayo?"
"Uhm. Magsi-cr lang ako. Mabilis lang ako!"
Halos madapa na ako dahil sa pagmamadali. Nagtooth brush ako at sinabayan ko narin ng ligo. Hindi lahat ng aking parte sa katawan ang nasabunan ko. Halos wisik wisik na lang ginawa ko. Babawi nalang ako sa lotion at pabango. Nang matapos na ako sa lahat ay saka pa ako bumaba
Kumunot ang noo ni Myrtle ng ihead to toe niya ako. Siguro namalayan niya na bagong ligo na ako "Naligo ka? Eh bakit parang walang 5 minutes iyon? Isang oras kang natatapos sa banyo, ah?"
Tumawa lang ako sa sinabi ni Myrtle. King inang babaeng ito. Ilalaglag pa ako. Pag siya nagkaboyfriend sasabihin ko sa boyfriend niya kung anong mga bad habits niya
"Naiinitan lang kasi ako. Tsaka naligo narin naman ako kagabi" umupo ako sa mesa na nasa tapat ni Harisse
"Baka naman ibang pag-iinit yan" bulong ni Myrtle. Pinatid ko ang kanyang paa. Baka marinig pa ni Harisse, letche talaga ito. Bitter lang eh!
"Wala naman tayong usapan, ah?" tanong ko kay Harisse at kiming kumagat ng bagel na mas lalo pang ikinalukot ng pagmumukha ni Myrtle
"Mas maganda kasi iyong di planado para natutuloy" nakangiti niyang sabi, showing his perfect white set of teeth. Ngipin palang nakakabighani na
Tumango-tango ako. Hindi ko rin mawala-wala ang malapad na ngiti sa aking mga labi
"Baka mapunit yang bibig mo, Amethyst. Wag kang masyadong ngumiti. Obvious ka rin eh" ani Myrtle na nakatingin ng seryoso sa kanyang phone
Napasinghap ako at sinamaan siya ng tingin. Nang tignan niya ako ay nagkibit balikat lang siya at binalik ang atensyon sa kanyang phone
Narinig kong tumawa si Harisse kaya tinignan ko siya. Pati ang pagtawa niya nakakalaglag panty, ganito ba talaga pag-inlove? Halos lahat ng gawin niya ay sinasamba ko
Nang matapos ako ay bumalik ulit ako sa taas at nagpalit na naman ng damit. Medyo natagalan pa ako dahil sa pagpili ng damit. Ang napili ko ay ang high waisted denim shorts, cropped tee, at combat boots na kulay itim. Bumaba ako at nadatnan si Harisse na naghihintay sa aming salas
"Wait magpapaalam lang---"
"Wag na. Bago sila umalis kanina ay nagpaalam na ako. Let's go?" he lend me his hand kaya hinawakan ko iyon. Magkahawak kamay kaming pumunta sa kanyang fortuner
I can't help but to smile everytime I remember that this is a date. Habang nagdadrive ay sumulyap siya sakin and gave me a genuine heartwarming smile
I am so in love and damn driven
BINABASA MO ANG
She's One Of A Kind
Teen FictionIsang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her happiness sa isang lalaki na mahal na mahal talaga siya? Will she find a man that will accept her ka...