<55> Preparations

49 6 0
                                    

Kevins's POV

Kagaya ng nasa plano ni Ash ay sinunod ko ito, isang linggo na lamang ang nakalaan para sa akin upang gawin ang nag-iisang chance para matapos ko ang plano. Isang linggo na lang at kaarawan na ng fake girlfriend ko. Ansaya siguro kung wala yung salitang 'fake', kaso hindi maari sinimulan ko ito at kailangan kong tapusin. Kawawang Maira iiyak sa araw ng kanyang kaarawan. Ash is too smart to think this kind of plan, at sana ay maisagawa ko ng ayos ang plano. 

And I need to bring Maira down. 

Umaasa ang dalawa kong kaibigan na paalisin siya rito sa school. Matagal nang gusto ni Ash na maging top sa Memorial Prime year level 9. Si CJ hindi siya makalapit kay Jade dahil kay Maira, sa tuwing lalapit si CJ kay Jade kagad na lalayo sila ng lugar. Ewan ko ba kung ano ang meron sa kanila. Ako? Ano pa nga ba ang dahilan ko para ipatalsik si Maira sa Memorial High? Dati para maging kami ni Scian, pero gugustuhin ko pa bang maging kami pagkatapos ng ginawa niyang pagsasabotahe sa plano ko? 

Kung hindi dahil sa kanya matatapos ko na sana ang plano, pero hindi kinakailangan pang mag-isip ng panibago upang matapos ang lahat. Pero kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa kanya dahil kung hindi niya ginawa yun ay hindi kami hahantong sa bagong plano, mas lalong gumanda ang pagtatapos ng lahat. At isa pa ay nagpapasalamat padin naman ako sa pinagsamahan namin kahit sandali lang, naranasan kong sumaya sa piling niya pero walang mas sasaya ang puso ko noong kasama ko si Maira at nagbakasyon kami ng apat na araw. 

What the? What the hell I'm saying? Bakit ba sa tuwing nagmumuni muni ako ay biglang napapasama sa usapan si Maira? Ano na bang nangyayari sa akin? 

Gagawin ko ang sinabi ni Ash, tatapusin ko ang aking sinumulan. Kahit na wala na akong dahilan para mapaalis si Maira si campus. Gagawin ko na lamang ito para sa mga kaibigan ko. Maira is a hindrance for my friends' success.

Pagkatapos sabihin ni Ash ang plano kagad na kaming nagsialisan at napagkasunduan na bukas sisimulan ang plano. Madali lang naman ang ipinapagawa ni Ash sa akin, nagbigay nadin ng tips si CJ, womanizer yun eh. Madali na lang naman ang lahat ang kulang na lang ay ang pagsasagawa dito. At bukas ko sisimulan ang pagtatapos ng plano kong ito, at sisiguraduhin ko na iiyak ng todo si Maira sa sakit at ang sakit na yun ang magpapaalis sa kanya sa eskwelahan na aming inuukupahan. 

Be ready for my sweet revenge, Maira.

****

Kagaya ng ginagawa ko noon nung nililigawan ko pa lamang si Maira para sa plano ko, nandito na kagad ako sa tapat ng bahay nila at matyagang naghihintay sa kaniya. It's one of the tips CJ told me yesterday. 

Maya maya pa'y lumabas na din siya sa bahay nagulat siya ng una pero napalitan din iyon ng isang matamis na ngiti. Ang ngiti na lagi kong gustong masilayan sa kaniyang mga labi noong nagbakasyon kami. Ngiti na kasing kinang ng mga bituin sa langit, ngiti na bumubuo ng araw ko. 

Ang baduy pakinggan, bakit ko ba sinasabi toh?

Nang makalapit na siya sa kinatatayuan ko ay agad ko syang pinagbuksan ng pinto at agad na ding sumakay sa driver's seat. 

Unang tip at unang step ng plano ay tapos na para sa araw na ito. 

****

Recess, akala ko hindi ko siya makasabay ngayon kasi sa pagkakaalam ko ay yung kaibigan niyang si Jade ang palagi niyang kasama sa recess. Pero mukhang sinwerte ata ako ngayon kasi nagkataon na absent ang kaibigan niya kasi daw sinamahan yung kapatid niya na samahan sa isang National contest, busy daw kasi ang daddy nila kaya walang pwedeng sumama kundi ang kakambal nito at higit sa lahat sa lunes pa ang balik nila kaya maisasagawa ko talaga ang preparasyon ko para sa malaking pasabog sa darating na kaarawan ni Maira. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon