Chapter 27
"Sobrang ganda naman ng love story nyo na dalawa. Hindi ko ine-expect na sa tagal na panahon niyong hiwalay ay muli kayong pagtatagpuin ng tadhana." Nakangiting sabi ni Ms. Melanie iyong nag iinterview sa amin.
Halos patapos na ang show, nabago at naulit sa pinaka umpisa ang lahat kanina. Si Drake na din mismo ang nag kwento ng naging buhay namin noon, himala lamang at hindi niya binago lahat ng kaganapan sa aming dalawa, sa kung paano kami nagkahiwalay. Iyon nga lang ay binago niya ang dahilan ng pagbabalikan naming dalawa.
Sinabi niya na matagal na daw kaming nagkabalikan at nag paplano ng magpakasal, nagpakita din siya ng ilang record na magkasama kami sa iisang bahay. Gusto kong mahiya sa mga nangyayari, hindi ito alam ni Mama, hindi ko din alam kung alam ba ito nila Ryan. At dahil buong mundo ay makakapanood ng balita na ito maaaring puno ng mga katanungan ang mangyari pagkatapos namin dito.
After almost an hour-long interview, we said our goodbyes, and those present thanked us for attending their event. Upon leaving the building, we were once again surrounded by reporters. Some guards near the entrance helped us to get away from there.
Mukhang nagkakagulo na ang iba, lalo na sa mga nang ba-bash sa akin at lalong-lalo na siguro si Clara. Hindi ko alam kung haharapin niya ba ako ngayon para sabunutan at saktan. At kinakabahan na ako.
Drake and I went straight to the pastry shop to pick up the cake for his mom. My staff immediately greeted me, looking excited and thrilled to see me.
"Kayo Ma'am ah." Pang-aasar ni Rico.
Nangunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit nila ako inaasar, dahil ba sa napanood nila?
"Kaya talaga pinush ko loveteam nyo ni Sir. Drake e." Si Eli na lumapit pa sa akin.
Tumingin siya sa likod ko, agad siyang kinilig ng makita si Drake.
Drake approached me with his eyebrows raised, as if trying to figure out what was happening. He had just entered the pastry shop after parking his car. I hadn't mentioned that I might take a while, so he probably decided to come inside to check on me.
"Dranel forever talaga." si Eli na kinikilig na hinahampas si Sassy.
I quickly turned to look at her, furrowing my brow.
"Dranel?" I asked him in confusion.
Eli nodded and smiled.
"Drake plus Chanel kasi Ma'am, kanina pa gumagawa ito ng loveteam niyong dalawa ni Sir." Si Sassy.
Bahagya akong natigilan, nakaramdam ako ng pamumula ng mukha ko sa hiya. Hindi ba nila alam na kasama ko si Drake? Please mahiya naman sila kahit konti.
"Namumula si Ma'am." Pang-aasar ni Ruby.
I sighed and walked confidently to the counter to pick up the cake for Drake's mom. I ignored them and walked over to Drake, who seemed to be amused.
"What?" I asked irritably.
"Nothing, you're just blushing," he said, smiling at me.
Kaasar!
"Ayieee..." katyaw ng mga staff ko.
Shit. Parang mga bata nakakaasar.
"Oh, oh, pag-ibig, oh, oh pag-ibig..." kanta ni Eli.
Mas lalo kong nakita ang ngiti sa mga labi ni Drake dahil sa pang aasar sa akin ng mga staff ko. Inirapan ko ito.
"Wag ka ngang ngumiti." Saway ko sa kanya.
"What? I love teasing you."
"And you love Ate Chanel din po diba?" Paningit ulit ni Eli.
"Eliana!" singhal ko dito.
BINABASA MO ANG
Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)
RomanceChanel confronted herself with the frightening truth of her past that unexpectedly resurfaced, grappling with the choice of facing her painful memories or simply surrendering by burying them in oblivion and not looking back. Ngunit paano kung ang al...