Pinilit ko na lang ang sarili na kumalma. Sa isip-isip ko, walang masamang nangyari. Sa isip-isip ko, okay lang ang lahat.
Masyado 'ata akong na-stress nitong mga nagdaang araw kaya ganito na ako mag-isip ngayon. Sa isip-isip ko, si Spencer 'yun, at hindi basta-basta nasasaktan ang mga kagaya niya.
Lutang akong bumalik sa sala, dala-dala pa rin ang cellphone na hanggang ngayon ay nakabukas pa rin ang screen. Nakita ko si auntie na kakarating pa lang.
Pinokus ko na lang ang atensyon sa kaniya. Ipinasa niya naman sa 'kin ang dala niyang puppy kasi raw may aasikasuhin muna siya.
Sa tingin ko naman, hindi magandang idea na nayayakap ko ang tuta, kasi mas lalo lang akong kinakabahan. Mali na 'to. Siguradong busy siya ngayon. Siguradong marami lang 'tong pinagkakaabalahan kaya wala na dapat akong ikabahala pa.
Pagkaraa'y napagpasyahan ko na iwanan na lang ang tuta sa sala. Siyempre ay sinarado ko muna ang pinto para sure na 'di 'to makakalabas. Marami pa naman kaming kapitbahay na may ayaw sa aso. Ang iba sa kanila ay sinasaktan ang aso na makikita nila.
Tumungo na 'ko sa kuwarto at nagsimula nang magpahinga. Ilang oras 'ata akong nakaidlip, basta't pagkagising ko ay medyo magaan na ang dibdib ko. Pero siyempre ay nasa sistema ko pa rin ang kaba na 'di ko naman matukoy kung saan nanggaling.
Lumabas ako ng kuwarto at naabutan si auntie na pinapakain ang puppy ng dog food.
Nakangiti akong humakbang. 'Di ko naman lubos akalain na matapos kong bumuntong-hininga ay maiisip ko na naman ang 'di pagsagot ni Spencer sa tawag ko kanina.
"Ang lakas niyang kumain, napaka-cute talaga," aliw na aliw na sabi ni auntie. Patango-tango akong napabaling sa kaniya. Ang lakas nga talaga kumain ng tuta, kaya pala may katabaan din ito.
Kung sino man talaga ang tunay na may-ari nito, sure akong yayamanin din. Sabi ni auntie sa 'kin kanina na ang mga ganitong klase ng aso ay nagko-cost ng ten thousand pataas. Iniisip ko pa lang ang halaga na 'yun, nawawalan na 'ko ng hininga.
"Ano po sa tingin niyo ang gender niya?" awkward kong sabi. Sa tagal ko na sa mundong 'to, 'di pa rin ako marunong sa pagkaka-classify ng gender ng isang hayop. Ako kasi... Tinitingnan ko ang mukha ng isang hayop, at kapag feeling ko babae, edi 'yun din ang papaniwalaan ko. "Feeling ko babae," hula ko pa.
"Babae nga," sagot ni auntie matapos niyang silipin ang bandang puwetan ng tuta. Hinalikan niya muna ang balahibo nito at muli akong tiningnan. "Kumain ka na. Pagkatapos ay magpatunaw muna saka muling matulog."
Matapos niya akong paalalahanan ay naging busy na silang dalawa ni papa, naging busy ang mga 'to sa pag-uusap about sa paparating na papasukan. At kagaya ng inaasahan, namomoroblema na naman sila sa pambili ng school supplies ko.
Sinabi ko naman sa kanila na 'di ko naman nabawasan 'yung pera na bigay ni ninong noong nakaraang araw.
"'Yung uniform mo?" tanong na naman ni papa sa 'kin. "Luma na ang mga 'yun; Kailangan nang palitan."
"Hindi pa naman ho 'yun luma," pagtatanggol ko. Well, tama silang dalawa, na talagang luma na ang mga uniform kong 'yun, pero kaya pa naman na pagtiyagaan.
Ang importante ay puwede pang maisuot. Medyo kupas na kasi ang color ng mga 'yun, 'tapos paminsan-minsan ay mapagkakamalan mo talagang ilang henerasyon nang nagamit.
"'Yung sapatos mo?" si auntie na naman. Halata na gusto nila akong mapapayag. Ayaw ko naman na pati sarili kong mga gamit ay problemahin pa nila.
"Maganda pa rin naman ang kulay ng sapatos ko," sagot ko kaagad. "Puwede ring pagtiyagaan." Ngayon na napag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na 'to, siguradong matagal pa bago 'to matatapos. Baka bukas ay pipilitin na naman nila ako. "Kumain na po tayo."

BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Teen Fiction"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.