"Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nakasandal sa may pintuan habang nakakrus ang dalawang braso. Nakasuot siya ng knitted blue sweater at black tracksuit pants.
"Ikaw? Sino ka?" Binalik niya naman ang tanong sa akin
"The hell! Ako unang nagtanong!" Inis kong sabi sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako at napadako ang tingin ko sa suot kong blue and red knitted sweater. Hindi ito ang suot ko kagabi!
Napatingin ako sa paligid at hindi pamilyar sa akin ang kwarto na to. Napatingin ako ulit sa lalaki at napayakap ako sa sarili ko.
"Anong ginawa mo sa akin?!" Natataranta ako. Paano ako napadpad dito?!
Umalis siya sa pagkasandal at naglakad siya papunta sa akin.
"Huwag kang lalapit! Sisigaw ako!" Huminto naman siya sa paglalakad at nandoon na siya banda sa may edge ng kama. He crossed his arms again at tumingin sa akin nang blanko.
"Miss, ikaw yung may madaming ginawa sa ating dalawa." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"What?! Ikaw nagbayad sa Grab?!" Nandito kami ngayon sa may dining table ng condo niya at nakaupo kaming magkaharap sa isa't isa. Gulat ang reaksyon ko noong sinabi niya na siya daw ang nagbayad ng pamasahe ko kagabi.
"Yeah, you had no cash with you. Pinakita mo sa akin wallet mo. Wala nga." He took a sip on his tea. Napasapo na lang ako sa noo ko. Oo, naalala ko na. Bumaba pa nga ako sa maling address,
"Nasaan nga ako ulit?"
"Sky Residences."
"My gosh. I'm so sorry." Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko dahil ramdam ko ang sobrang hiya. "I'll pay you back."
"And you threw up on me..." Tumingin ako sa kaya na gulat at napatakip ako ng bibig ko.
"Also.."
"Meron pa?" Kahihiyan mo talaga, Tin. Ang kalat kalat mo!
He met my eyes and said, "you broke my favorite vase... which was so expensive." I bit my nails in worry.
"Magkano?" I asked him in a low voice.
"6.."
"Six thousand?!"
"No, 6 digits." Napasandal ako sa upuan ko. Nalula ako sa presyo. Paano ko naman mababayaran yun?!
"Hindi... Hindi ko kayang bayaran yun."
"Then, should I sue you?"
"Hoy grabe naman! Pag-usapan natin 'to!" Tumingin ako sa taas para mag-isip.
"We're talking about it already."
"Teka! Paano ba ako napadpad dito sa condo mo?" He leaned and rested his chin on his right hand.
"I let you in. Why?"
"Oh bakit mo naman ako pinapasok?!" He scoffed.
"You passed out, Miss."
"Sana hinayaan mo na lang ako. Gigising naman din ako."
"Right. You just woke up this morning." He sarcastically said. Kinuha niya yung mug niya at uminom ulit doon. Napabuntong hininga na lang ako.
"Look, this argument is going nowhere. Either way, you have to pay me."
"Mag aapply na lang ako maging yaya mo. Please!" Napatawa siya and he gave me an unbelievable look.
"Now, that's cliché. Sorry, but I don't need anyone to take care of me. I'm a grown man." Sabi niya.
"Then, how can I pay? Anong gagawin ko? Pamasahe lang ng grab ang kaya kong bayaran." I looked at him with desperation. Benta ko na lang ba kidney ko? Great. He went quiet for a little while at bigla siyang umayos ng upo na parang may naisip na siya na kailangan kong gawin.
"Well, I can offer you something to do." Feeling ko lumiwanag ang buhay ko nung sinabi niya ito.
"Ano?" Tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako dito. Please lang sana naman yung makataong trabaho!
"I need you...to find me a date."
"Ano?!"
He sighed.
"Take it or you're going to pay me."
"Wala nga akong pera."
"Then, you have no choice."
"Ano? Bakit ako maghahanap ng babae para sayo?" Inis kong sabi sa kanya.
"Oh, I think 7 digits yata yung vase?" He smirked. Annoying!
"Yun lang gagawin mo and promise, I will not let you pay." Dagdag pa niya. The hell! Sa tingin niya gagawin ko yan?
Nakikita ko na lang sarili ko nag soscroll sa fb friends' list ko. Sino ba yung mga jowang jowa na dito? Karamihan sa friends' list ko di ko kilala. Accept lang ako nang accept kung sino sino mga nag-aadd sa akin.
"Ano ba tipo mo?" Tanong ko sa kanya habang nag soscroll ako.
"Hmmm... I really don't know. Simple girl lang, maybe?" I gave him a question look.
"Hindi ka ba nagka girlfriend before?"
"Flings lang."
"Girlfriend tinatanong ko."
"If you're talking about a serious relationship, I've never been into." Napataas kilay ko.
"Takot ka sa commitment?" He shrugged.
"Baka..." he replied
"Eh bakit mo pa ako pinapahanap ng date? Takot ka pala sa com---"
"I'm going to take the risk this time... If I already found the one." Nagdududa pa rin ako sa mga sinasabi niya.
"Serious na ba yan?"
"Don't you believe me?"
"Hindi. Hindi naman kita kilala. Kaya hindi ako sure if I'm going to find a girl for you kung para sayo, laro laro lang to."
"Deo."
"Ha?"
"Deo is my name."
"Deo... as in deodorant? Hahahahaha!" Tumawa ako sa sariling joke ko, pero napatigil ako nung hindi siya tumatawa at nakatingin lang sa akin.
"Fine. Sabi ko nga serious kana." At kinuha ko ulit ang phone ko para mag scroll ulit sa friends' list. He sighed.
"5 dates." Tinignan ko siya nung nagsalita siya.
"Ano?"
"Just 5 dates... are enough."
"Then, anong mangyayari after 5 dates?" tanong ko sa kanya. I just want to make sure.
"I'll let you go." Pinigilan ko ang ngiti ko. Ibig sabihin seryoso talaga siya na hindi niya na ako ipapabayaran. I cleared my throat.
"Okay. I'll do my best na mahanap mo yung 'the one' mo sa 5 dates." I smiled at him. He smiled back.
"Really? Thank you, Miss?" Bakit parang pamilyar siya sa akin?
"Tin."
"Tin? Like ututin?" Pinipigilan niyang matawa kaya nanginginig mga balikat niya. I just rolled my eyes.
"Ha. Nakakatawa."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
finally, deodorant met ututin. :) haha!
BINABASA MO ANG
The 5th Date
RomantizmUnfortunately, Tin must find a date for Deo in order to pay him back as he was the one who took care of her when she was drunk.