First and Last

13 2 2
                                    

Patricia POV

It's already 11:30 pm of December 31,2020, the last day of the year.

Malapit na mag alas dose ngunit heto pa rin ako, naka upo sa upuan at nakatulala sa mga modules na nagkalat sa lamesa ko.

New Year's Eve na pero bat di ko ramdam? Ilang minuto na lang bago mag bagong taon pero bat di ko ramdam? manhid na ba 'ko? o sadyang nawalan na 'ko ng excitement sa New Year dahil sa mga nakatambak na gawain sa harap ko.

Datirati naman ay masaya kong sinasalubong ang bagong taon kasama ang pamilya ko at kamag-anak pero bat ngayon hindi ako masaya?

Napatingin ako sa labas ng bintana ng kwarto ko ng luwinag at nagsimula ng mag ingay ang fireworks sa kalangitan.

Habang pinapanood ko ang ganda ng kalangitan di ko maiwasang umiyak.

Kay ganda ng kalangitan at maraming tao ang nag sasaya dahil bagong taon na. Kaliwa't kanan ang ingay ng mga motor, torotot ng mga bata at ang musika ng nga kapit bahay.

12:00 am. January 01, 2021 the first day of 2021.

Bagong taon, dapat masaya ako pero bat hindi? bagong taon, bagong pag-asa pero bat di ko makita ang pag-asa? bakit?

Tao rin naman kami, may damdamin at napapagod rin. Tao tayong lahat ngunit ang pinag kaiba nga lang ay estudyante lang kami.

Bagong taon pero modules agad ang kaharap namin. Modules na kailangang tapusin dahil malapit na ang pasahan. Dat nag sasaya ako katulad ng ibang teenager ngunit paano ako magsasaya kung marami ang nakaatang sa aming gawain? Paano namin sasalubingin ang bagong taon kung pagod na kami? Paano kami ngingiti kung hirap na kami at hindi na kaya? Paano?

Pwede bang magpahinga pag natapos namin ang lahat ng gawain na binigay niyo sa amin? kahit isa o dalawang araw lang.

"HAPPY NEW YEAR" sigaw ng mga nasa labas.

Happy New Year to me and to my modules.

HAPPY? NEW YEAR.Where stories live. Discover now