PUMASOK si Eloise sa paboritong tambayan nila ng mga girls, ang Claud Z café.
Agad namang kumaway ang mga kaibigan niya nang makita siya sa entrance.
"Ate Eloise, dito!" tawag sa kaniya ng pinakabata nilang miyembro na si Galiana.
"Girls!" excited na sabi ni Eloise saka dali-daling naglakad papunta sa usual table nila kung nasaan nakaupo ang lima niyang mga kaibigan.
"Waaah~ I miss you, girls. Kamusta ang life?" pangangamusta ni Eloise nang makaupo siya.
"Same old." payak at walang energy na sagot ni Brielle.
"Ano ba naman yan, Brielle, ngayon na nga lang tayo nagkita ulit tapos wala ka pang energy diyan. Cheer up!" sabi ni Eloise saka inalis ang pag halukipkip ng mga braso ni Brielle.
"Hayaan mo na, Ate Eloise, masyadong occupied yan sa ideyang magkikita ulit sila ni Kuya eh." sabi naman ni Kate.
"Lahat naman tayo occupied sa ideya na yan kahit papaano. Just think about it, we will gonna see them again after so many years without contact..." nalulungkot na sabi ni Galiana. "Matapos yung confession at pamba-basted ay bigla na lang silang lumayo at di na nagparamdam. Tapos ngayon makikita natin sila ulit." dagdag pa niya.
"And it's awkward..." sambit ni Serene.
"Sinabi mo pa." pagsang-ayon naman ni Brielle.
"Enough sulking, girls. Let's order something to eat na lang para makapag-usap tayo ng matagal-tagal." sabi ni Eloise.
"I'll go order." pag-volunteer ni Victoria saka tumayo siya sa kinauupuan.
"Sama ako, Ate Tory." sabi ni Galiana saka sumama kay Victoria sa pag-order.
Matapos umorder ng mga inumin at pastries nila ay bumalik din kaagad sa table nila sina Victoria at Galiana bitbit ang mga pagkain nila.
"So, where would Tita Raja want to celebrate her 56th birthday?" tanong ni Eloise bago uminom sa iced tea niya.
"Sa beach resort daw ng business partner ni Daddy tayo magsi-celebrate. Everything were set, bisita na lang ang kulang." sagot ni Serene.
"Nice. Pero sana kinuha ako ni Tito to be their event designer." sabi ni Brielle na mukhang bitter dahil hindi siya kinuhang event planner sa birthday ng Tita niya.
"Daddy don't want to cause you stress, Ate Brielle. He wants you to enjoy the party so he hired someone else to plan and design the event." sabi ni Serene sa second cousin niya.
"I still want to be part of the designing though." pagpupumilit ni Brielle.
"Serene, can I be the event photographer? I'd do it for free." nakangiting alok ni Kate.
"Sorry, Ate Kate, but Dad already hired one as well. Guys, don't worry about the event, okay? Let's just enjoy the party tomorrow." sabi ni Serene na hindi na nakayanan ang kakulitan ng dalawang kasama.
Tinawanan naman sila ni Victoria. "Naghahanap ba kayo ng magagawa sa party para hindi niyo makasalamuha sina Kuya Drake at Kuya Finn?"
Sinamaan naman siya ng tingin ng dalawa saka inirapan.
"I don't really care about that jerk. Matapos ang ginawa't-sinabi niya sa'kin... Tch. I understand him leaving me for his dream to be a doctor but saying awful things to me... Nah, I can't." bitter na sabi ni Kate.
"I apologize for what my twin did to you, Kate. He's such a nice guy but I didn't know that he's capable of saying things like that to anyone especially you." malumanay na sabi ni Brielle saka hinawakan ang kamay ni Kate.
BINABASA MO ANG
YABS: The Story of How We Confessed
General FictionReminiscing the moment of confessions they've had is both amusing and at the same time sending them a sensation of loneliness and grief. While their mothers used to hide a quirky secret before, Eloise, Brielle, Serene, Kate, Victoria and Galiana, ha...