The revealation

34.3K 453 31
                                    

Dedicated to raven_007. Dahil nag message pa talaga sya sakin for update :). Hart Hart ^______^

Raine's POV

Napabalikwas ako nang bangon nang makita kong malelate na ako. Dali dali akong bumalik sa apartment ko at nagbihis . May sarili na akong apartment simula nang mag aral ako sa F.U.

Binilisan ko ang pagpapa andar nang sasakyan ko papunta sa school namin. Dali dali rin akong naglakad papunta sa room namin.

Habang nagmamadali ako papunta sa room namin ay nakita kong naglalakad si Brittannie sa may unahan ko. Siguro papunta rin sa room namin.

"Brittannie?"

"Brittannie?"

Nakailang tawag ako pero patuloy pa rin sya sa paglalakad. Siguro naka headset na naman to.

Tumakbo ako palapit sa kanya. At sinabayan ko sya sa paglalakad. Pagtingin ko naka headset nga sya.

Hinawakan ko kamay nya. Napatingin sya sakin saka binawi ang kamay nya. Tapos parang ang sama nang tingin nya sakin.

Dire-diretso lang sya sa paglalakad. Hindi nya pa rin ako pinapansin. Nakarating na kami nang room pero hindi nya pa rin ako talaga pinapansin.

Minsan napapasulyap ako sa kanya pero hindi man lang sya tumitingin sakin. Nahihiya ba sya sa nangyari samin kagabi?

"Hoy! Bat muko iniwan kagabi?" sabi sakin ni Hannah.

"Sumakit kasi yung ulo ko kaya umuwi na ako"

"Ayos ka lang ba?" dinama nya pa ang noo ko saka ang leeg ko.

"Okay na ako" sabi ko sa kanya.

Its been one week na simula nung may mangyari samin. Pero hindi nya pa rin ako pinapansin.  Lagi ko syang kinakausap pero hindi nya ako pinapansin.

Nakita ko syang pumasok sa library kaya sumunod ako. Sinundan ko sya kung saan man sya uupo. Nung naupo sya ay naupo rin ako sa tabi nya.

Tiningnan nya ako nang masama.

"Bat mo ba ako sinusundan?" medyo napalakas na sabi nya sakin.

"Shh SILENT!!" sigaw nung librarian.

Tumawa lang ako.

"Anong nakakatawa?".taas kilay nyang sabi sakin.

"Wala naman"

"Bat ka ba sunod ng sunod sakin?"

Ang sungit nya na naman sakin.

Hindi kaya lasing lang talaga sya nun kaya wala syang maalala. Lasing lang sya kaya siguro di nya matandaan yung nangyari.

"Wala. Wala" . Umalis nalang ako mukhang badtrip sya e.

Ilang araw ko na sya kinukulit pero kagaya nung dati hindi na naman namamansin.

Namimiss ko na sya. Oo namimiss ko na talaga sya.

Brittannie's POV

Naglalakad na ako sa isang hallway ngayon. Pupunta muna akong CR bago umuwi.

Pagkarating ko sa CR mukhang may tao dun sa isang cubicle. Nagulat ako ng lumabas doon ay ang babaeng iniiwasan ko na sunod ng sunod sakin. Si Raine.

Mukhang nagulat din sya pero ngumiti lang sya sakin. Wala nang masyadong tao sa school nung day na yun kasi uwian na.

Mas nagulat ako nang hilahin nya ako papasok sa isang cubicle at ni lock ito. Isinandal nya ako sa pader at saka hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko nang halikan nya ako.

Ashamed Book 1 (SPG) GirlxGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon