A Queen's Heart (Chapter VIII)

501 11 3
                                    

A Queen's Heart ( Chapter VIII)

"David Meyer"

Queen's Pov

"Hi Mom, Goodmorning." - bati ko kay mommy

"Same to you Andrea. Tara sabayan mo ko mag breakfast." - si mom, tanging sila lang ni dad ang ina allow ko na tumawag sa akin ng Andrea.

"Nasan sila baby princess at Daddy?"

"Si princess hinatid na ni manong jimmy sa school at si daddy mo maagang pumasok dahil may proposal daw yung bagong business partner niya." - sagot naman ni mom

By the way, pagmamay ari nga pala ni Dad ang Lee Motor Company, isang multinational automobile manufacturer. Yan talaga ang business ni Dad. Ang layo ng business ko sa business niya, di ba?. ^v^

~I am Good Boy  ... ~ *Phone call

"Hey andrea phone mo ata yun."

"Yah, akin nga yun, wait mom ah." - excuse ko, saka ko na sinagot yung tawag

"Yes?"

"Hey Queen ! Si David to, Busy ka ba?" - sagot nang nasa kabilang linya

"Not really. Why? , Teka nagpalit ka na naman ng number? Sino na naman tinatakasan mo?" - sagot ko

"Queen naman, Hahahaha punta ako sa office mo sa Bar ngayon ah. Okay Bye."

"Teka David, Hello ..." - walang hiya talaga tong bestfriend ko, may kalokohan na naman sigurong ginawa.

@ Queen's Music Bar

"Finally, you're here my Queen. Ang tagal mo naman dumating" - salubong sa akin ng tukmol kong bestfriend

"Tigil-tigilan mo ko David ah, Ang aga mong nanggugulo dito. Ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo? Sino na naman bang tangang babae ang naka one night stand mo na pinangakuan mo ng Forever?" - basag ko sa mala asong ngiti niya

"Sshhh quiet ka lang Queen baka may makarinig sayo Hahahaha at  correction, hindi ako nanggugulo dahil pinagkakaguluhan ako." - mayabang na sabi niya

"Ganun na rin yun." actually pinagkakaguluhan talaga siya dahil siya lang naman si David Meyer, sikat na model at singer dito sa Pilipinas at siya rin ang nag iisang tukmol kong bestfriend.

Paanong hindi rin siya pagkakaguluhan, imbis na hintayin ako sa office, dito ako hinintay sa practice room kung nasan maraming nagpapractice. May pagkahambog din kasi to eh.

Childhood bestfriend ko si David dahil business partner ng dad ko ang dad niya. Naging mag bestfriend din kami ni David dahil same kami ng hilig, ang kumanta.

Never naging kami ng tukmol na to, dahil certified player to. Gusto ko na nga tong ipasalvage dahil kada may babaeng niloloko ako lagi ang ipinanghaharang niya at pinagpapanggap na girlfriend.

"Eh bakit ka nga pala napadpad dito?" - tanong ko

"Bakit? Masama na ba bumisita sa lugar na naging dahilan ng pagsikat ko?" - paliwanag niya

Yeah right, dati rin siyang performer sa bar ko. Then one time napadpad dito ang CEO ng Universal Music at dahil na impressed sa kanya, inalok siya na maging recording artist nila at pumayag naman siya.

Gusto niya rin kasi patunayan sa Daddy niya na may mapapala siya sa pagkanta.

"Che !! Tigilan mo ko David ah."

"Actually Queen, gusto ko talaga mag guest dito sa Bar, namimiss ko na talaga kumanta dito Queen, at gusto ko ng may ka duet. Nakikita mo yung babaeng maganda na yun? Siya ang gusto kong ka-duet Queen." - si David habang tinuturo si Sandy

A Queen's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon