Hostage .. Drama ? (One shot)

488 24 7
                                    

"Hi Andrea!" boses ng isang lalaki sa likuran ko.Nilingon ko siya, O My si Kevin.

Si Kevin Alcantara ang ex-boyfriend ko. Three years na kaming hiwalay. Naghiwalay kami dahil pagiging babaero niya. Gwapo si Kevin ,matangkad ,maputi ,matalino ideal boyfriend ng lahat. Ang hindi ko lang maintindihan bakit sya nandito sa bookstore. Hindi kasi siya mahilig magbasa.

"H-hello!" sagot ko na may pagtataka.

"Kumusta ka na?" Kevin

"OK lang, ikaw?" ako

"OK lang din. maybibilhin ka? Kevin

"Oo" matipid kong sagot.

"May kasama ka ba? yung boyfriend mo kasama mo? Kevin

"Ah e wala akong kasama at wala akong boyfriend." Tinuon ko ang tingin ko sa libro na hawak ko.

"So may pag-asa pa pala ako!"

Nilingon ko siya ulit at nakakaloko ang ngiti niya.

"Mahal na mahal kita. Mahal mo pa ba ako?" naging seryoso ang hitsura niya ngayon.

Sa totoo lang kinilig talaga ako nung marinig ko sa kanya na mahal niya ako. Kasi mahal ko pa siya.

"Ah e.." Hindi ko nanaituloy ang sasabihin ko.

"HOSTAGE TO!" Sigaw ng sampung armadong lalaki na bigla nalang pumasok sa bookstore.Nagtaasan kami ng kamay.

Nandun na e, kinilig na ako. Tapos sasabihin "hostage to". Panira ng moment.

Nagpanic ang lahat. Inipon kaming lahat sa isang sulok ng bookstore. Kinuha ang mga bag at cellphone namin. At eto katabi ko pa rin si Papa Kevin ko. :p

"Andrea, anong sagot mo? Mahal mo pa ba ako?" Bulong ni Kevin.

"Ano ka ba naman Kevin, Nahostage na nga tayo yan pa ang nasa isip mo." Naiiritang sagot ko sa kanya, nagpanic na rin ako.

"Bago man lang tayo mamatay malaman ko na Mahal mo pa ako." Kevin

"Hoy! ikaw babae!" Hostage taker

"A-Ako?" sabay turo sa sarili ko.

Hinila ako patayo, bago pa kami makalayo. Napatingin ako kay Kevin. Tumayo siya ng maangas.

"HOY WAG MONG SASAKTAN YAN! MAHAL KO YAN!" Kevin

"WOW IPA-TREND NATIN YAN" Hostage taker 2. Nagtawanan ang lahat.

Dali-daling tumakbo si Kevin palapit sa amin. Sinuntok at sinubukan niyang agawin ang baril.

BBBAANNGGG!!!

"Keevviiin!" sigaw ko.

Nabaril si Kevin. Kumaripas ako ng takbo papunta sa kanya.

"Kevin? kevin?" pang-gigising ko sa kanya.

"Um?" Bumukas ang mata niya.

"M-mahal mo pa ba a-ako?" Tanong ni Kevin na halos hindi na maibuka ang bibig.

"Oo,Mahal Kita. Wag kanang magsalita." Mangiyak-ngiyak kong sagot.

"W-Will You M-marry me?" Kevin

"Oo" Ako

"W-wala ng b-bawian ah?"Kevin

"Oo" Ako

Grabe nasa ganung sitwasyon na siya nakapag propose pa. Pero ok lang mahal ko e.

Tumayo ako para gantihan ang lalaking nanakit sa mahal ko, sa kahit na anong paraan.

"ANDREA !"

Hindi ako pwedeng magkamali boses yun ni Kevin. Lumingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Kevin nakatayo na siya at nakangiti pa na parang walang nangyari.

"Ke-kevin? Pe-pero.. Paanong?" Ako

"Last month nakita kita dito.Mula nun e sinusundan na kita lagi. Pag ganitong araw nagpupunta ka dito sa bookstore.*naglalakad palapit sa akin with a killer smile* Lahat ng tao dito kakuntsaba ko. Oo set up to. Gusto ko kasing malaman kung mahal mo pa ako.Kasi ako mahal na mahal pa kita. " Kevin

"Diba nabaril ka kanina ??? (?)" Ako

"Wag kang mag alala naka bullet proof vest ako."sabay tinanggal ang t-shirt na suot niya.

Diba sabi mo kanina mahal mo rin ako? Kevin

"Ah e Oo" Ako

"At pakakasalan mo ako?Diba? ..Hep hep bawal ang magsinungaling marami akong witness at may CCTV camera dito." Nakangiting sabi ni Kevin na nasa harapan ko na.

* K A T A H I M I K A N *

"So nasaan na?" Ako

"Ang alin?" Kevin

"Yung singsing. Nagpo-propose ka wala kang singsing." Kevin

"Ah yun ba ..."*Lumuhod si Kevin sa harapan ko*

"Andrea Almeda, Will You Marry Me?"

"Yes Kevin Alcantara!"

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-= E n d =-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

salamat sa pagbasa.

Hostage .. Drama ?   (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon