Minsan, Ako'y Nagkamali

77 1 0
                                    

Wooo! First day sa college. Kabadong kabado. Walang kahit isang kakilala man lamang. Di pa naman ako gaanong sanay makisalamuha sa mga taong di ko pa gaanong kakilala or ka close. Palibhasa kasi probinsyano. Well, hindi naman lahat ng galing sa probinsya ee ganun, pero ako, parte ng yun ng personality ko. Di ako masyadong nakikisalamuha unless ka-close ko na. Uy! Baka isipin mo na paano ako magkakaroon ng ka-close kung di ako masyadong nakikisalamuha? Ganito kasi yun. Sa school, halos araw araw kong nakakasama ang mga kaklsase ko. Syempre medyo tameme muna sa umpisa. Then, nandyan na yung mga seatwork by partner or by group. So dahil block section naman kami nung 1st semester, silat-sila lang din ang lagging nakakasama. Sa akin it takes time bago ako makipag kwentuhan or maki hangout sa kanila, maybe one month or two. So kung sino yung lagi kong nakakatabi, and or partner, yung lang din naman ang mga nakaka-close ko. It doesn’t matter kung babae or lalaki, basta mabait. Pinaka ayaw ko kasi yung bully, medyo madali kasing mapikon. Hindi naman yung pikon na nananapak, pero yung ang nagiging motibo ko para umabsent or mag cut ng klase. Ayaw kong katabi yung mga maiingay at madaldal kasi madali akong ma distract. Ayaw ko ring nadadamay na pag sinabi ng teacher “People at the back,SILENCE PLEASE??!!” kasama pati ako,kasi taos naman ang aking pakikinig. Ikukwento ko sayo kung pano ako napasubo sa maling barkada at kung ano nag naging epekto nito saken.

Una, mga tatlo palang ang kakilala ko subalit hindi pa ka close. Yung tipong alam mo pangalan nya, alam nya pangalan mo tapos palitan lang ng smile pag nakakasalubong sa labas ng campus. Sa mga pagkakataong di maiiwasang magtanong tungkol sa mga lesson, dun nagsisimula ang palitan ng mga pananalita, tapos konting dagdag ng topic or ilang katanungan na wala namang kaugnayan sa leksyon para medyo humaba ang usapan. Tawanan lang, walang pang pambabara. Kahit medyo corny minsan, ngiti ngiti din, peke nga lang. Sa susunod, magtatanung na yung mga yun kang nagawa ko yung assignment. Syempre may gawa naman, tangu-tango lang ako. Sasabihin nung isa “Ako kasi wala ee, nakalimutan ko kagabi” di ko naman tinatanong. Alam ko gusto nya kumopya pero syempre kapal naman ng mukha nya kung unang linggo palang ee nangongopya na agad hahaha.. Medyo nahihiya. Di ko alam kung may memory gap sila or sinasadyang kalimutang gumawa kasi paulit ulit na at napapagsasabihan na ng teacher. Syempre napapahiya, masabi lang na may assignment, makikiusap na yan. “Pre pa kopya naman, reword ko lang ng konti” Si ako naman, kahit labag sa kalooban, nagpapakopya. Maawain din naman ako kahit papano at di ko matiis kaya ganun ang nagyayari. So feeling close na. Sabihin ba naman na “Salamat pre,bukas ulet”. Hindi ko naman sinasabing napakagaling kong gumawa ng assignment, pero kasi parang iilan  lang ang nagpapahalaga sa mga takda.

Nung nangangalahati na yung semester, magaaya na yung iba. “Tara SM tayo”. So dahil di naman kalayuan ang SM Calamba, dun kami napupunta. Ako, di naman ako nag-aaya. Minsan naiimbitahan lang lalo na pag buong section ang kasama. Forever alone naman ako kung ako lang ang wala. So dahil kasama din naman yung medyo ka-close ko, di naman ako masyadong out of place. Medyo nambabara na rin ako pakonti-konti pag nagkakatuwaan. So, 1st semester, matagumpay na naipasa. Mataas ang grade, walang bagsak. Nadagdagan ng 35 yung friend sa Facebook kahit nasa sampu lang dun ang nakakausap ng madalas sa personal. Lahat-lahat, masasabi kong masaya at matagumapy ang unang semester ng unang taon ko sa kolehiyo.

Nagsimula ang aking masamang kapalaran nung 2nd semester. Wala ng block section,(well halos lahat sa bago kong kaklase ay dati ng magkakatropa kaya dominante sa klase, pero sa side ko dalawa lang tamad pang pumasok), panget na schedule, terror na teacher, at kung anu-ano pang mga bagay na makaka apekto sa behavior ng mga studyante. Buti nalang, may dalawang kaklase ko dati na kaklase ko rin sa isang subject. Kahit di kami close dati, madali kaming naging close dahil galling kami sa parehong block. Nakapa bully at napaka ingay ng mga kaklase ko dun, mga aligaga, ang kakati! Tayo ng tayo, lakad dito lakad doon, sigaw dito sigaw doon. Nakakainit ng ulo. Nakakapikon talaga. Di ko nalang pinapansin. Felling ko makaka survive naman ako sa subject nay un kasi di naman kahirapan. Masipag ka lang mag aral at tyak papasa. Dahil medyo mahiyain ako, di ako natutuwa kapag habang nagrerecite eh nagsisigwan silang lahat, kung minsan  titig na titig na animoy hinuhusgahan ka sa iyong tindig at pananalita. Na co-conscious ako. Parang ayaw ko ng magrecite ulet.

Isang linggo palang ang nakaka lipas, di na pumapasok yung dalawa kong barkada. Mga dalawang beses lang pumasok sa isang linggo. Lalo ko tuloy naramdaman na mag isa nalang ako.

Ako lang ata ang walang kakilala dun. Minsan sinabi nung isang tropa ko na “Wag na tayong pumasok, mag drop nalang tayo” Sa akin para wala lang yun, wala sa bukabularyo ko ang mag drop. Hanggang sa nagkaroon ng group activity. Pahiyang pahiya talaga ako, pumalpak ako dahil di ako nakipag coordinate sa mga ka member ko, isa pang dahilan eh yung dalwang chicks na ka-grupo ko. Parang natutunaw ako pag tumitingin sa akin wahaha. Nanginginig talaga ako habang nagsasalita. Dahil dun, nagdilim ang paningin ko! “Makapag drop na nga” Hindi ko na pinag isipan yun. Naiisip ko tama yung dalawa. Walang akong mapapala dito. Mapapahiya lang ako dito. So tuwing time namin sa subject nay un, walang kaming ginawang tatlo kundi gumala sa loob ng campus, kumain at kung anu-ano pa.

San linggo na kaming di pumapasok ng napag isip isip ko na mali yung ginawa ko. Sayang yung tuition. Naiisip ko na di dapat ako nagpadaig sa isang pagkakamali lamang. Pero huli na ang lahat. Lumapas na sa pito ang absent ko at ayon sa patakaran ng school, di dapat sumobra sa pito ang absent, gaano man kagaling ang isang studyante.  HINDING-HINDI MAITATAMA ANG PAGKAKAMALI NG ISA PANG PAGKAKAMALI! Hinintay ko nalang na matapos ang sem. Alam ko na kung ano ang mangyayari. Malungko at nagsisisi ako kasi kung di sa mga kaibigan kong humikayat sa akin na mag drop, di sana 'to nangyari! Naawa ako sa magulang ko. Sinabi ko nalang sa nanay ko na bagsak ako sa finals kaya ganun kahit hindi naman talaga yun ang nangyari. Sinabi ko nalang sa sarili ko na hindi na dapat maulit ‘to. Di na dapat masayang ang paghihirap ng mga magulang ko. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magpapadaig sa kung ano mang sulsol ng demonyo, di na ako magpapadaig sa tukso, na matututo na akong harapin ang aking mga pagkakamali at hindi basta basta susuko.

Nang sumunod na semester(trimestral kasi school namin) kinuha ko ulet yung subject na y un. Kinabahan ako kasi yung teacher ko dati, sya rin pala ngayon. Nakilala nya ako, sabi nya, “Parang ikaw yung two weeks lang pumasok dati ah.!” Tumawa lang ako. Di ko talaga inexpect yun. Medyo ma-discourage na naman ako pumasok pero naalala ko yung pangako ko sa sarili ko.  Habang tumatagal, napatunayan ko na hindi pala terror yung teacher, mabait pala sya. Mataas magbigay ng grade sa mga karapatdapat at hindi basta basta nambabagsak ng estudyante. Pumasa ako at awa naman ng Diyos nakakuha nag mataas ng grade (1.25). Naging tropa ko pa si teacher, Haha.

Lahat sa atin ay nagkakamali. Minsan di natin napapansin, minsan napakasakit.  Pakiramdam natin talo na tayo. Matuto tayong harapin ang pagkakamali, itama natin yun. Maging optimistic sana tayo. Dapat makita natin ang pagkakamali mo bilang isang daan patungo sa tagumpay. Kung di tayo nagkakamali, di tayo matututo, di tayo uunlad, mananatili tayong bulag sa sariling takot at karuwagan.Anuman ang pinagmualan ng ating kamalian, sinuman ang nagdala sa atin sa kamalian, matuto tayong harapin 'to. Sa pagharap sa pagkakamali, tagumpay ang naghihintay. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Minsan, Ako'y NagkamaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon