<57> Explanations

53 4 6
                                    

Maira's POV

Pinili naming huwag munang pumasok sa klase ngayon. Masyadong masakit para sa akin ang mga nangyari kani kanina lang. Hindi padin ako maawat sa pag-iyak, dala dala ko pa din ang sakit na ginawa ni Kevin sa akin.

"Maira please tahan na" pag-aamo sa akin ni Scian. 

"Gusto mong bawian natin? Tara!" naiinis na wika ni Jade.

"Jade tigilan mo nga yan, lalong lalala ang sitawasyon" panunuway ni Scian sa kanya. 

"Sorry, pinapatawa ko lang naman si Maira" malungkot nyang tugon. 

"Scian sorry" sa wakas ay nakapagsalita nadin ako. 

"Sorry saan? Diba dapat ako ang magsorry?" inosente nyang wika sa akin.

Humarap naman ako sa kanila, paniguradong pugto na ang mga mata ko ngayon. 

"Bakit naman ikaw?" naguguluhan kong tanong rito.

"Kasi hindi agad ako nakakuha ng hinihingi mo, at sorry den kasi sinukuan ko ang frienship natin" tugon nya. 

Bigla ko naman ulit naalala ang laman ng letter.

"Teka bakit ka nga pala andito diba-"

"Bakit ayaw mo ba ako dito?" pagpuputol nya sa sasabihin ko.

"Hindi ang ibig kong sabihin kasi is ano"

"Si Jade nageskandalo sa bahay" natatawang wika ni Scian.

"Huh?" naguguluhan kong sabi at agad na napatingin sa gawi ni Jade. 

"Maira ganito kasi yan, naabutan ko kasing humihikbi si Jace noong nasa hotel room pa kami. Syempre bilang kapatid may concern padin naman ako sa kanya agad ko syang inalo, umiiyak pala sya dahil sa kadahilanan na binasura daw sya ni Kevin. Sinabi nya din sa akin na alam nya plano na ito at humingi ng pabor si Kevin kay Jace para selosin ka. At ang kapalit noon ay magiging sila pagkatapos ng plano. Pero hindi, noong malaman nya mismo sa bibig ni Kevin na kayo na, agad syang binalewala ni hindi manlang nagpasalamat. Ilang gabi nadin ang nakaraan noong pinipigilan nya ang sarili nya sa sakit na nararamdaman pero noong gabi na yun ay naubos na ang pagpipigil nya, she cried alot. Kinwento nya sa akin ang lahat, gusto ko na sanang umuwi noong gabing yun para sana sabihin sa inyo pero kailangan pa ako ng kapatid ko, kailangan nya ng karamay sa sakit na pinagdadaanan nya at syempre motivatins para ipagpatuloy nya ang contest na sinalihan nya" pagkwekwento ni Jade sa amin. 

"At kaninang umaga ay nambulabog sa bahay namin, pinuntahan ka daw nya sa bahay nyo pero wala ka na kaya hindi na sya nagdalawang isip na pumunta sa amin at humingi ng tulong na hanapin ka. Sa sobrang panic, hindi namin naisip na school ka pala ipapahiya ni Kevin. Sinubukan ka naming pigilan at sabihin na plano lang ang lahat pero wala na, huli na. Kasi pagdating namin sa school ay saktong pagkabanggit ni Kevin na patibong lang ang lahat. Sorry kasi hindi kami umabot" pagpapatuloy naman ni Scian. 

Biglan naman akong napaluha muli. All this time plano lang ang lahat, andami nya pang ginamit na tao para mapagtagumpayan ang gusto nya. 

Si Jace inabuso ang pagkakagusto sa kanya, ginamit nya ito para pagselosin ako. Hindi man kami ganoon kaayos ni Jace ay naawa padin ako sa kanya. Kaya pala ang sama ulit ng mga tinggin nya sakin noong nakisabay ako kay Jade. 

Si Scian ginamit din nya pero masyado akong biniyayaan. Loyal sa akin ang bestfriend ko, Hindi ko akalain na ang ginagawa nya pala ay para sa akin din pala. But wait, bakit parang may kulang sa explanation?

"Scian, paano mo nalaman na plano lang ang lahat?" takang tanong ko sa kanya. 

"Hindi ko naman nalaman, narinig ko lang. Sa likod ng canteen mayroon pala doon na tambayan, mapunta sana ako doon kaso nakita kong nauna na doon sina Kevin. Nalaman ko din na tambayan nga nila ito, walang nakakalam kundi sila lang. May pagkatago kasi dahil sa mga nagtataasang damo at dami ng puno. Napakinggan ko silang nag-uusap tungkol sa 'Princess' na pagtawag sayo ni Kevin. Para din naman daw yun sa plano, nagulat ako nalaman ko. Napakinggan ko din na ako talaga ang gusto nya at hindi ikaw, Maira" 

Nalungkot naman ako sa huling katagang binitawan nya. 

"Simula noon nagobserba na ako ng palihim, hindi ko muna sinasabi sa inyo kasi hindi pa ako sigurado. Paglipas ng araw na nililigawan ka nya nakikita ko naman na parang hindi naman totoo ang plano na napakinggan ko. Kita ko kasi sa mga mata ni Kevin ang kasiyahan sa tuwing kasama ka. Ibang iba ang saya nya kapag kasama ka nya, minsan ko ng nakasama at tininggnan ang mga mata nya noong kami lang ang magkasama. Masaya sya pero hindi kasing saya noong ikaw ang kasama nya. Binalewala ko ang nakita ko, pero hanggang sa isang araw nagtext sya sa akin na makipagkita sa rooftop, ito din ang araw na sinabi mo sa amin ni Jade na kayo na. Nagtaka nga din ako kung bakit nya ako pinapunta doon pero nabuhay muli ang paghihinala ko noong tinanong nya ako kung pwedeng ligawan nya ako"

"Pumayag ako, oo. Kasi naisip ko sa paraang ito makikita ko kung ano ba talaga ang balak nya sayo. Hanggang sa naging kumportable na sya sa akin tinanong ko sya kung totoong gusto ka nya pero iniwasan nya ito noon. Pero hindi ako nagpatalo tinanong ko muli iyon sa kanya, at 'wala' ang sagot nya. Doon na ako kinutuban na plano ka nga nyang saktan pero kailangan kong marinig sa mismong bibig nya kung ano ba talaga ang gagawin nya sayo. Hanggang sa tinanong nya ako kung sino ang kinakampihan ko, noong una ay naguluhan ako kaya ipinaliwanag nya na plano lang ang lahat, gusto nyang makapaghiganti sayo. Noong araw na nakita nyo kami sa restaurant, doon ko sinagot ang tanong nya kung sino ang kinakampihan ko, nagisnungaling ako at sinabing sya ang kakampihan ko at suportado ko sya sa plano. Sasabihin ko na din sana sa mismong araw na iyon ang nalaman ko pero nahuli nyo ako. Sinubukan kong magpaliwanag pero hindi nyo ako pinakinggan. Hanggang sa ebidensya ang gusto nyo, naghanap naman talaga ako eh. Ginawa ko ang makakaya ko pero naunahan na ako ni Kevin, nilinis nya na ang lahat noong malaman nya na kailangan ko ng ebedensya para patunayan ang sarili ko" 

Tumigil sya saglit at napaiyak nadin. Maging kami ni Jade ay lumuluha nadin habang nakikinig sa kwento nya. 

"Natakot ako kasi tapos na ang isang linggo na ibinigay mo sakin, tapos wala akong nakuha kahit isang ebedensya. Kaya napagdesisyonan ko na tapusin ang pagkakaibigan natin. Hanggang sa dumating na nga si Jade, kinwento nya ang nalalaman nya. Natuwa ako sa kahit papaano ay pwede na iyong ebedensya para paniwalaan mo ang sinasabi ko. Kaso nahuli naman kami dahil nasabi na pala sayo ni Kevin ang lahat" pagtatapos niya. 

"Sorry" tanging nababanggit ko. 

"Kami ang dapat magsorry sayo kasi hindi namin napigilan" nanghihinayang na sambit ni Scian. 

"No, sorry kasi hindi ko kayo pinaliwalaan. Sorry kasi mas pinili ko pa siya kesa sa inyo na matagal ko ng kilala. Sorry kasi masyado na akong nahulog. Sorry dahil-"

"Tama na! Ang mahalaga ay buo na muli tayong tatlo!" pagpuputol ni Jade.

Wala na kaming nagawa kundi ang magyakapan.

"BESTFRIENDS FOREVER!" bulong pa namin sa isa't isa. 

Dear Heart,

Nagpapasalamat ako kasi may mga kaibigan akong katulad nila. Handa nilang gawin ang makakaya nila para sa akin at ganoon din naman ako sa kanila. Simula ngayon ay mas papaniwalaan ko sila kesa sa iba kasi sila ang tunay kong mga kakampi. Sila ang palaging nandiyan para sa akin. Jade and Maira are my best buddies! Hindi ko na sila muling ilalayo sa akin. Mahal na mahal ko sila!

-Maira


When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon