Chapter 31

13 2 0
                                    

"Calix?" Lumingon ako para siguraduhing sya nga. At tama ako, sya nga.

"Aden, balik na munako sa office, ha?" said Mira.

Tumango lang ako kay Mira.

"Munchkin" Calix aid habang dahan dahang lumalapit sa akin.

"What's up? Don't you have a class? Bakit may pa-regalo ka pa sa'kin sa classroom?" I said.

"Wala akong pasok. Tsaka hindi ba pwedeng regaluhan baby ko?" sagot nya.

"Pwes ako meron. Usap na lang tayo mamaya" Sabi ko sabay lakad palayo. Pero nagulat ako nang buhatin ako ni Calix at isampa ako sa balikat nya.


"What the fvck! Calix! Ibaba mo ko! Isa!" Sabi ko sa kanya pero hindi sya nakinig sa akin. Tuloy-tuloy sya sa paglalakad.

Hanggang makarating kami sa parking lot at  saka nya ako ibinaba.

"What are you doing !? Hindi porke't boyfriend kita eh gagawin mo na lahat ng gusto mo!" Sigaw ko sa kanya pagkababa nya sa akin.


"Aden, boyfriend mo ko? Awwwe." Sabi nya habang nakahawak sa dibdib at ngiting tagumpay.

"Ahh masarap pakinggan? oh eto mas masarap sa tenga" Sabi ko sa kanya sabay pingot ng tenga nya.


"Aray! Aray! Aray!" he shouted.


"Munchkin! Gusto lang naman kita maka-date!" he said.


"Seryoso ka ba? May klase ako oh. I'll ditch my class just to have a date with you? You're a very bad influence, boyfriend!" I said. Natahimik sya at hindi nagsalita.


"Oh bakit natahimik ka?" Tanong ko.


"Hindi pa rin kase ako sanay na tinatawag mo akong 'boyfriend", nagwawala pa rin mga butterfly sa sikmura ko" he replied.

Ugh! bakit napaka-cute nya! Lord, why??

"Alam na alam mo talaga paano ako bolahin eh no? Saan ba pupunta kase?" syempre, marupok tayo.

Nagliwanag ang mukha ni Calix at dali daling binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Hop in, handsome" he said sabay kindat.

Ggo. Kinikilig ako grr.

"Pero ngayon lang to ah, hinding hindi na ako magi-skip ng class para sa'yo"

At nagsimula na kaming bumyahe.

Nakatulog ako sa byahe at nagising lang ako dahil narinig ang boses ni Calix. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at nagulat ako sa nakita ko.

"Calix ?! Anong ginagawa natin sa Airport ??" I asked him with astonishment.

"Hindi ko ba nasabi kung saan tayo pupunta?" he say.

"Uhm. Obviously?" iritang sagot  ko.

"Basta dyan lang" he replied while smiling.

"Calix, hindi ako nakikipagbiruan, alam kong kapag nasa airpor hindi "dyan lang" ang pupuntahan! kaya ayusin mo sagot mo kase nababadtrip na ako." bulyaw ko sa kanya pero nakangiti lang si tanga.


"Hey hey hey, look who's here" napalingon ako sa likod at nagulat ako sa nakita ko, si Blast. At hindi lang sya, kumpleto ang buong Calisto Gang.

"Ready ka na bang magbakasyon with your husband, Aden? yieee" pang-aasar ni Blast. I just smirked t him at binaling ang tingin ko kay Calix.

"So saan nga tayo pupunta?" tanong ko simula pa nung una na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot.


"Boracay, munchkin"


--


"Grabe yung jetlag ko sa byahe" reklamo ni Blast.

"Tanga ka bakit ka magkaka jetlag eh hindi naman magkaiba timezone ng Boracay at Manila" sagot naman ni Calix.

"Calix, alam mo na ngang walang utak yan, pinapatulan mo pa" sabat naman ni Sixto.

Ngayon ko lang narinig magsalita si Sixto, nakakatuwa sila pakinggan. Ramdam na ramdam mo yung closeness nila.


"Yow, okay ka lang?" tanong naman sa akin ni Filmore.

"Yes. Okay naman, wala naman ako jetlag kagaya ni Blast" sabay kaming nagtawanan.


Nakakatuwang isipin na kasama ko yung mga kaibigan ni Calix at nakakabiruan ko, hindi naman pala talaga masama ang mga ugali nila. Misjudged lang sila pero normal na students lang naman talaga sila.

"Munchkin, okay ka lang? lalim yata iniisip mo ah." sabi ni Calix sabay akbay sa akin.

"Okay naman, munchkin. Ang ganda dito. nakaka relax" sabi ko naman.

"oh worth it ba yung pag cut mo ng class?" sabi nya sabay tawa.

"Siraulo. pasalamat ka weekend na. babalik din tayo ng weekend ha" sabi ko naman sa kanya.

Pumasok na kami sa tutuluyan naming hotel.

"Welcome, sirs. Here are your keys po, room 402 for Mr. Blast and Mr. Sixto, room 403 po Mr. Filmore and Mr. Nam Joon and room 406 po Mr. Calix and Mr. Aden" sabi nung receptionist.


"Wait, dalawa lang tayo sa room?" Tanong ko kay Calix.

"Oo bakit, ayaw mo?" sagot nya.

"Uyy mukhang natatakot si Aden ah, virgin pa yata" sabat naman ni Blast.

"uh-ha?? I mean, wala lang, sayang kase kung pwede naman tatlo sa isang room 'di ba, para tipid" sagot ko.

"Dont't worry, I'll be gentle" sabi ni Calix sabay kindat.

"Ggo" sabi ko sa kanya sabay tulak.

Umakyat na kaming lahat papunta sa mga rooms namin. At nang makarating na kami sa room. Agad kong sinara ang pinto at tinulak ko sya sa kama.

"Uy munchkin, easy lang ang bilis mo naman shower muna ako" sabi ni Calix.

"Tanga, asa ka. Ano bang ginagawa mo, Calix ha? bakit dalawa lang tayo dito?" sigaw ko sa kanya, pero pabulong. Basta alam nyo na yan.

"Bakit ano ba masama? alangan naman isama kita sa iba eh boyfriend kita. Dalawa nga lang daw allowed sa isang room" sagot nya.

"eh bakit ang layo ng room natin sa kanila?" sabi ko.

"Eh hindi ako sure kung soundproof ba yung wall, gusto mo ba marinig nila ungol natin?" sabi nya sabay tawa.

Binatukan ko sya ng malakas dahilan para magtigil sya sa pagtawa at mapakamot sa ulo.


"Siraulo. Ungol ka dyan, pilipitin ko yang leeg mo para sigaw nila marinig mo, g?" sigaw ko sa kanya, pero pabulong.

"grabe ka naman munchkin! tsaka bakit tayo bumubulong?" Tanong nya. Natawa ako ng bahagya.

Umupo ako sa hita nya. Nakita ko ang pagkabigla nya sa ginawa ko.

"A-aden?" Nabubulol nyang sabi. Halatang nagulat sya sa ginawa ko at talaga namang pulang pula ang mukha nya.

"Bakit? Bawal bang maglambing sa boyfriend ko?" Sabi ko sa kanya.

"May sakit ka ba??" Sabi nya habang nakataas ang isang kilay.

"Hahahaha raulo. Sige na maligo ka na at nang makakain at makapag swimming na!" Sabi ko sabay tayo.

Inabot ko ang bag ko at unti unting nilabas ang mga gamit. Nagulat ako dahil bigla akong niyakap ni Calix mula sa likod.

"Sabay na tayo maligo?" Bulong nya.

"Ugh. Gusto mo ba, Calix?" Sagot ko sa kanya gamit ang mapang-akit na boses.

Rinig at ramdam ko ang pag buntong hininga nya.

"HAHAHAHA asa ka naman! Maligo ka na nga!" Sabi ko sa kanya.

Hindi maipinta ang mukha nya dahil alam kong asar na asar na sya sa akin.

The Best of Both WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon