TO Ladey, with love. :**
***
Story No. 10
Lovestrings
"Yung third finger mo, ibaba mo sa 4th string. Ganun din naman ang tunog niyan e."
"Okay!"
Nginitian niya ako nang mabilis kong magawa nang tama yung ininuturo niya. Yun yung ngiti na kayang magpa-tigil ng mundo ko.
Magda-dalawang taon ko nang naka-kasama tuwing Thursday si Kuya Dave. Tinuturuan niya akong mag-gitara, ang he is HIGHLY-paid. Gusto kasi ng parents ko na sa lahat ng bagay may alam ako. Gusto nila talagang maipagma-mayabang nila ako sa clients, friends or relatives namin. Tipikal na sitwasyon ng isang anak-mayaman, solong anak pa.
Oo, naku-kuha ko lahat ng materyal na bagay na gusto ko, kahit hindi ko naman talaga kailangan. Pero kapalit noon ay ang napaka-laking responsibilidad at napaka-taas na expectations ng lahat sa akin.
Cliché na masyado ang kwento ng buhay ko, di ba?
Natural. Mas gusto ko yung simpleng buhay lang.. Yung.. Malaya akong magdesisyon para sa sarili ko.
Malaya akong pumili kung sino makakasama.. At mamahalin ko.
"Okay! Naku. Mamaya niyan mas magaling ka na sa'kin, Audrey! Okay na 'to ngayong araw. Next week na ulit." Nilinis na namin yung mga ginamit namin. Hay. Magi-intay na naman ako ng isang linggo bago ko siya makasama.
Third year high school na ako, 15 years old. 18 years old naman si Kuya Dave, pero tumigil siya sa pag-aaral dahil sa namatay yung parents niya sa isang sunog dati, wala nang ibang pwedeng tumulong sa kanya kasi wala na silang kamag-anak, bukod sa Lolo at Lola niya na parehong disabled na. Doon siya nakatira ngayon, at sa kanila napu-punta yung sinusweldo ni Kuya Dave sa amin.
He's such a wonderful person. Inuna niya yung grandparents niya kesa sa pag-aaral niya. Sabi niya kasi, yung Lolo at Lola niya, anytime pwede na ring mawala sa kanya. Eh yung paga-aral niya, marami pang time dun since bata pa naman siya, tumigil siya sa kalagitnaan ng second sem ng Second year niya as Architecture student. Sayang nga kasi matalino talaga siya.
Pero kahit ano pa man ang mangyari.. Kahit ano at sino pa siya.. Walang magbabago. Siya pa rin ang FIRST love ko.
Hindi namin napapag-usapan yung mga ganoong bagay. Talagang tungkol sa music at paga-aral lang ang madalas na topics namin. Marami rin kasing pumi-pigil sa amin na mag-open ng ganoong conversation.
Una, bawal pa akong mag-boyfriend. Syempre, priority ko raw dapat ang paga-aral ko. Second, nata-takot ako sa pwedeng sabihin ni Dave.. At natatakot din ako sa mga bagay na pwedeng masabi ko. Masakit kasi.. Alam kong if ever, tututol lahat sa nararamdaman ko para sa kanya. Kapag sinabi ko sa kanya ngayon.. Maraming pwedeng mangyari. Malaki ang possibility na ilayo nila sa akin si Dave. Ayoko i-risk yun.
Siya lang yung nagi-isang taong naging totoo sa akin. Siya yung nagpa-palaya sa akin sa kulungan na 'to.
Alam kong lahat sa family ko, umaasa na pipili ako ng lalaking, "disente" (in their own definition ng salitang disente), mayaman at "class".