“ Hindi dahil hindi siya yung tipong finifling kundi yung tipong ginigirlfriend.”
Huh?
Anu daw?
Agad kong nilayo ang sarili ko kay Tyler para maalis yung pagkakahawak niya sa bewang ko. Nahalata nman yun niTyler kaya binaba niya na rin yung kmaya niya.
“ Ganun ba pare? Sige alis na kami kita na lang tau.” Tinapik ulit nung eric yung balikat ni Tyler sabay umalis. Nang nakaalis na sila agad ko naman hinarap si Tyler.
“ ANU ka ba? Grabe ka makatsansing ah!” Sabi ko sa kanya sabay tulak bahagya para lumaki yung distansya namin sa isat isa.
“ Bakit? Tinutulungan lang kita.”
“Tinutulungan? Panu mo ako matutulungan sa pananatsing mo?” kainis gagawa na lang ng dahilan yung walang kwenta pa.
“Hindi mo kilala yung mga yon. Kpag hindi ko yun ginawa sayo malamang pinormahan ka na ng mga iyon at baka nakama ka pa nila.” Medyo naigting yung perfectly cut jaws niya dun sa last niyang sinabi.
Pero wait grabe nman Ikama talaga? Hay siguro ganun nga yung mga yun malamang kaibigan nila si Tyler. Eh isa din tong manyak ee. Naisip ko tuloi kung nakailang beses na siyang nagkama ng babae. Malamang marami na kasi dati nga nakita ko siyang mei kalampungan dun sa hallway.
“ Bakit ganun ba ang tingin mo sakin? Papayag na lang na ikama ng kunsino sino? Pwes ibahin mo ako sa mga babae mo.” Oops mali ata yung huli kong sinabi kasi una sa lahat hindi niya nman ako babae ee.
“ Kaya nga dba sinabi kong hindi ikaw yung tipong finifling lang kundi ginigirlfriend! Ang kulet mo rin nuh!”
“OO hindi nga saka wait pwede nga akong girlfriend pero hindi sayo nuh! Alam kong playboy ka at hinding hindi ako mahuhuli sa bitag mo. NEVER ” bumelat pa ako.
Hindi na siya sumagot. Tumalikod na siya sa akin at mabilis na naglakad palayo. Anu problema nun? SInabi ko lang nman yung totoo aa. Baka nahurt kasi sinabihan ko siyang Playboy?
Sinundan ko siya kaso sobrang bilis niya nalabas na siya ng NBS tapos ako eto kelangan pang bayaran yung binili kong Drafting paper. Luminga-linga ako sa labas hinahanap siya kaso walang bakas ni Tyler.
Hala baka iniwan na ako nun. Panu yan mag-isa akong uuwi? Tsk. Dapat pala hindi na lang ako nakipagtalo wala tuloy maghahatid sakin.
Puntahan ko kaya sa parking lot? Kaso ni hindi ko pa nga nakikita kung anu ung itsura nung car niya. Lumabas ako ng NBS nagsimula nang maglakad palayo. Hay no choice may cocommute ako.
Hindi pa ako nakakalayo ng may biglang humila sa braso ko. Napaharap ako dun sa humila.
“ San ka pupunta? Dba ihahatid kita?” si Tyler pala. Buti na lang hindi niya ako iniwan. Ngumiti ako ng sobra pero siya nman nakasimangot. Sungit talaga.
“ Kala ko kasi iniwan mo na ako ee.”
Nagsimula na siyang maglakad sinundan ko nman siya. Buti ngayon hindi na siya sobrang bilis maglakad saka kapag nahuhuli ako binabagalan niya pa lalo para magkasabay kami.
Nakarating na kami sa parking lot at may umilaw na sasakyan. Lumapit siya dito. Sh*t eto car niya? Grabe BMW I8 white. Ang ganda. Kainis ang yaman talaga. Sana mag kacar na rin ako kasi hindi afford ni Mama.
Sumakay na siya sa harap kaya ako sumakay na rin sa front seat. Ganda talaga saka ang bango. Eto ang amoy ng isang Tyler Razon. Ilang babae na kaya nakasakay dito?
“Tyler. Ilang babae na nasakay mo dito?” Hindi nman siguro masama magtanung dba? Tutal pwede ko rin tong idagdag sa info about sa kanya.
“Isa pa lang.” tamad niyang sinabi habang nagdadrive.
“oh talaga? So ako pala ang pangalawa?” ang swerte ko nman pangalawa pa lang. Sino kaya yung una? Ahahhaha curious lang. Malamang yung nag-iisa niyang girlfriend.
“Hindi. Ikaw ang una.” What? Talaga?
“Weh? Sus wag mo nang ideny. Napaka masikreto talaga nito” hindi nman siya umimik kaya hindi ko na rin pinilit baka ayaw niya pag-usapan.
Tinuro ko sa kanya yung way papuntan bahay. Nagulat nga ako na alam niya kaso nahirapan na lang siya pagdating dito sa pasikot sikot sa loob ng subdivision.
Agad naman siyang umalis pagkahatid sakin. Pagkapasok ko ng bahay as usual andun nanaman si mama nanunod ng TV ganyan naman lagi yan kapag gantong oras na. Kasi kakarating niya lang galing sa trabaho at nagpapahinga yan. Hindi ko pala nasabi sa inyo dati na wala na akong father. Ayoko nman na kasing pag-usapan yun. Si mama na lang ang nagtataguyod sa akin. Kaya nga nag-aaral ako mabuti kasi pinaghihirapan niya talaga yung pagpapaaral sakin sa mamahalin na school ngayong college. Hindi nman sa mahirap kami aa. Masasabi ko na may kaya kami kasi naafford ko pa rin yung mga luho ko.Kaso hindi enough para makabili ng mga sasakyan na katulad ng kela Xavier at Tyler.
Dumeretso na ako kagad sa kwarto at naghilamos saka ko sinimulan kagad yung pagtratransfer nung mga info about kay Tyler sa computer ko at agad akong gumawa ng simpleng summary and conclusion. Hindi ko nga alam kung bakit yung lalaking yun ni wala man lang dalang paper or what para magtakedown notes sa mga malalaman niyang info about sakin. Individual output kasi to so kanya kanyang diskarte.
Lumipas ang tatlong araw at medyo busy ako kaya hindi ulet kami nakagawa nung project ni Tyler. Hindi rin naman siya nagtetext kaya wala talaga pero napag-usapan naming na ngayon namin gagawin yung part 2 yun nga yung kapag kasama nman yung family after class nmin gagawin total halfday lang ako at ganun din daw siya.
Nasa cafeteria ako ngayon kumain muna ng lunch kasama ko si Tony, Xavier, Joie, Elaii saka Queen. Kilala din nung tatlo sila Xavier at Tony kasi ilang beses na rin kami nagkakasabay ng lunch. Buti nga nakaksabay naming tong si Xavier ee. Pero hindi ko alam kung makabubuti ba talaga sakin yun kasi nga dba Im trying to move-on.
Nagtatawanan yung apat nang kinausap ako ni Xavier.
“ Cose, gala tayo ngayon?”
“ Hala Xavier kasi hindi ako pwede ngayon ee. Meron kasi akong project na kelangan gawin.”
Sumimangot si Xavier ng sandal tapos ngumiti nman kagad.
“Ah ganun ba? Sige Next time na lang kapag hindi ka na busy.”
Nagpatuloy na kami sa pagkain at kwentuhan nang nahagip ng mata ko si Tyler na papalapit samin. Sakin.
Nakatingin siya ng diretso sakin. Lumingon ako sa likod ko kasi baka mamaya may kaibigan siya dun pero wala nman. Nang nakarating na siya sa tapat ko napatingin sa kanya si Xavier. SIla Tony, Queen, Elaii at Joie nman ay nagpipigil ng tili.
“Cose hintayin mo na lang ako sa parking lot. May aasikasuhin lang ako sandali. Sabay na tayo pumunta sa amin at para mapakilala na kita sa family ko.”
Tumango nman ako at agad nman siyang umalis ng nakangisi. Late ko na lang narealize na iba yung dating nung pagkakasabi niya nun nang nakita kong nanlaki yung mga mata nila Joie at tumingin sa akin na halos malaglag na yung mga panga nila. At pagtingin ko kay Xavier nakita kong nag-igting yung panga niya at mukhang galit.
Naku!! Kainis naman tong si Tyler. Yari ako neto ang dating siguro nito kay Xavier ay tinanggihan ko siya para kay Tyler at iniisip niya siguro na nagsinungaling pa ako.
“Dapat sinabi mo na lang sakin na may date ka pala. Hindi yung nagsisinungaling ka pang may project kang gagawin.”
Mageexplain sana ako kaso biglang tumayo na si Xavier at nagwalk-out.
“XAVIER! Xavier wait!!” Tinawag ko siya. Halos sumigaw na ako. Nagtinginan na nga rin sakin yung ibang estudyante pero hindi pa rin ako nilingon ni Xavier.
Naku PATAY! Galit na yun sakin.
Yari ka mamaya sakin TYLER kasalanan mo to.
*****************************************************************************************************
Sori ang Ikli nitong Chapter na to LOL bibilisan ko na lang yung pag-uupdate :D
BINABASA MO ANG
When fate doesn't meet destiny
Diversoson-going na ulet. ahahhaha medyo sinipag gawin. nainspire ng konte. . Sorry sa mga nakapagbasa noon dahil ngaun pa lang ulet na-update medyo busy kaso sarreh po :)