"Wala na kami ni Belle," matapos niyang sabihin yun ay umayos siya ng upo at tinawag ako.
"Louise come here sweet," malambing na sabi niya na ikinasinghap ng dalawang kasama ko. Wala sa sariling lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.
"Matulog na tayo. Hindi ka ba napagod kanina? Hmm," tanong niya sa tapat ng tenga ko na nagpatindig ng balahibo ko. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kaniya at agad na namula ang mukha ko ng maalala ang nangyari kanina.
"Ambastos mo!" Mariing sabi ko sa kaniya at pinaghahampas siya na tinawanan lang ako.
"Bakit? Ang sinasabi ko kung hindi ka ba napagod sa biyahe. Ano ba ang iniisip mo?" Nakangising sabi niya sa akin.
Natigilan ako sa sinabi niya at mas lalong namula ang mukha.
"Ikaw ha! Kung anu-ano ng pumapasok sa isip mo. Matulog na tayo," pang-aasar niya sa akin bago ako hinila pahiga sa kama.
Nang mapalingon ako kina Jewel ay parehas silang nakanganga. Isiniksik ko ang sarili kay Dale para itago ang sarili sa kanila. Nakalimutan kong kasama nga pala namin sila.
Ilang saglit lang ang lumipas nang marinig ko ang yabag nina Miss G at Jewel.
"Dale explain to me what is happening!" Miss G said with authority.
"Miss G pwede bang bukas na lang. Magpapahinga muna kami. Pagod talaga kasi ako," sabi niya at hinigpitan ang yakap sa akin.
Wala silang nagawa kaya naman mabigat ang paang nagtungo sila sa kanilang kama at nahiga. Pinatay ni Dale ang lampshade sa bedside table. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog.
Nagising ako kinabukasan ng maaga. Bumaba ako para bumili ng pagkain. Pag-akyat ko ay parang nagkakagulo sila. Nagulat ako nang salubungin ako ni Dale ng mahigpit na yakap. Halos manlaglag ang mga dala ko. Mabuti na lang at kinuha agad iyon ni Jewel.
"Hey! What happened to you?" Natatawang tanong ko at napatingin kina Jewel at Miss G na may nagtatanong na mata na inilingan lamang nila.
"Akala ko kinuha ka na ng kuya mo," hindi ko inaasahan yun.
"Bakit kasi hindi mo ako ginising para nasamahan kita?" he asked.
"Bumili lang ako ng makakain kasi gutom na ako. Bakit mo naman naisip na kukuhanin ako ni kuya?" Kunot-noong tanong ko.
"Ha? W-wala. Natakot lang ako," nauutal na sabi niya bago nag-iwas ng tingin.
"Ang OA mo naman. Hindi naman ako lalayo o aalis ng hindi nagpapaalam sa inyo lalo na sayo. Halika na, kumain na tayo kasi gutom na talaga ako," sabi ko at hinila siya papunta sa mesa.
Nakahain na si Jewel. Nagtatakang tingin ang sumalubong sa akin na ipinagkibit-balikat ko lamang. Kahit ako ay hindi maipaliwanag ang takot na nakita ko kanina sa mga mata niya.
Halos hindi humiwalay sa akin si Dale buong maghapon. Kung hindi lamang dahil sa magpeperform sila ay hindi siya aalis. Kesyo baka daw kung anong mangyari sa akin o kaya may makakilala sa akin at maisumbong kay kuya. Napakaparanoid niya at dahil daw yun sa panaginip niya kagabi na iiwan ko siya at sasama ako kay kuya.
Hindi ko gagawin yun no..
Nagsimula na silang kumanta. Sumasabay ang lahat sa kaniyang pag-awit. Napakasarap pakinggan.
Mahigit 30 minuto bago natapos ang kanilang pagkanta. Nakakatuwa dahil kahit sa dami na nilang inawit ay nakukuha pang sumigaw ng mga tao ng isa pa. Makikita mo na talagang nagustuhan nila ang ginawa nina Dale.
BINABASA MO ANG
His Sweet Little Secret
RomanceIn a short span of time Dale fell in love with Louise: the girl who's been into him for years. She was hired as his PA and after knowing she's a good chef, he hired Louise to cook for him. Dale was in a relationship that time and being with Louise...