17

35 2 0
                                    

"Kurt okay ka lang?" Tanong sa kanya ni Hailey. Sinamahan niya itong mag-enroll sa isang workshop.

Kanina pa ito nag-k-kwento ngunit parang wala siya sa wisyon ngayon.
Isang buwan na din ang nakalipas nang huli niyang makausap si Hannah. Hindi na niya ito makita dahil sa hindi na ito pumapasok sa paaralan. Nalaman niyang sa online school na ito nag-aaral.

Lagi niyang nakakasama si Hailey ngunit hindi niya magawang tanungin ang dalaga tungkol sa kapatid nito. Nahihiya siyang magtanong.

"Sorry may iniisip lang ako"
Nakataas ang isa nitong kilay habang mariin siyang tinitignan.

"Tungkol ba ito sa daddy mo?" Nag-aalalang tanong ng dalaga.
Bukod sa problema niya tungkol kay Hannah. May isa pa siyang pinoproblema, ito ay ang daddy niya. Pinakilala na siya nito sa mga kasosyo at kasamahan nito sa trabaho.
Pinakilala din sa kanya ang isang anak ng malapit na kasosyo ng daddy niya na isa ring Engineer. Nalaman niyang pinagkasundo siya nito sa anak ng kasosyo ng daddy niya. 

Halos matawa siya sa sinabi ng daddy niya dahil hindi niya akalain na uso parin pala ang arrange marriage.

Simula nang tumanggi siya ay lagi na silang nag-aaway ng kanyang ama. Noon pa man nasabi na ito ng daddy niya. Hindi niya akalain na seryoso pala talaga.
"Pwede mo naman sabihing may girlfriend kana kaya hindi pwede diba?"
Napabaling ng tingin ang binata sa dalaga. Ngumiti ito sa kanya.

"Wala naman akong girlfriend." walang ganang saad nito.

"Edi ako! Ipakilala mo akong girlfriend mo! " nakangiting saad nito. Seryoso siyang napatitig sa dalaga. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ito. Napayuko na lang siya at dahan dahang umiling.
Pilit na inaalis ang naiisip. Bigla kasing sumagi ang alaala ng kapatid nito sa kanya.

"Halika ka na nga" pilit siyang ngumiti sa dalaga.

"Tapos kana?" Tanong niya pa. Tumango naman ito at sumabay na sa kanya.
Tumango lang si Hailey bilang sagot. Tila dismayado sa pagtanggi sa kanya ni Kurt. Kahit wala namang sinabi ang binata ay alam niyang ayaw nito sa sinabi niya.

---
"Hindi ko na nakikita si Hannah, may balita ka pa ba doon Kurt?" Tanong sa kanya ni Alex.
Bahagyang napaubo naman si Kit dahil sa tanong ni Alex. Alam naman nilang hindi maganda ang paghihiwalay ng dalawa.
Hindi ito sinagot ni Kurt. Nahalata naman ng mga kaibigan niya na wala siyang planong sumagot. Tumahimik na lamang ang mga ito.

"Sino katext mo?" Rinig niyang usisa ni Kit kay Drew na kanina pa abala sa cellphone niya. Kanina niya pa ito napapansin na nakangiti mag-isa habang tutok sa cellphone.

"Si Hannah" saad nito dahilan para mapabaling siya sa gawi nito. Nakita niyang nakangisi itong nakatingin sa kanya. Tila nang-aasar. Bahagya siyang nakaramdam ng inis sa kaibigan.
Iniwas niya na lang ulit ang tingin niya at nagkunwaring abala sa pagbabasa ng libro.
Tumahimik ulit ang mga kasama nila.

"Lakas ng biro mo pre" rinig niyang bulong ni Kit kay Drew.

"Biro? Hindi naman ako nagbibiro. Si Hannah talaga katext ko" seryosong saad ni Drew.

Hindi niya namamalayang mahigpit na pala ang hawak niya sa libro. Ngayon lang siya nakaramdam ng sobrang pagkainis sa kaibigan.

"Buti naman at bumisita ka anak! Bihira lang kita makita" salubong sa kanya ng kanyang mommy. Gaya nga ng sabi nito. Bihira lang sila magkita. Bukod sa malayo ang bahay nila sa university na pinapasukan niya at may sarili siyang condo. Abala din ang kanyang mommy sa trabaho. Isa itong Doctor. Halos gugulin nito ang buhay sa paggamot ng may sakit. Ganoon din ang daddy niya na isang Engineer. Kaya naman ay lumaki siya sa puder ng Lolo't Lola niya.

Ang Bruha Na DesperadaWhere stories live. Discover now