chapter 2

12.5K 218 2
                                    

Love Affair

By: Tink

Chapter 2

Buhos ang attention niya sa pag check ng mga nagvisit ng Hotel ng nakaraang buwan, and to her surprise kahit hindi peak season madaming nag check in, madaming naheld na conferences at kasalan. At masaya siya kahit maliit para sa kanya ang Achievement na iyon.

Madami na ding humanga sa kasipagan niya at kahit hindi siya nakapag MBA nasa puso pa din niya ang pagpapatakbo ng negosyo.

Nalungkot siya, ang chain ng flower shop na mapapasakamay niya dapat ay nawalang parang bula.

Huminga siya ng malalim.

Buhay.

Kailan niya maipagpapatuloy ang magandang buhay kung sa umpisa pa lang ay talunan na siya?

Nawala na ang kanyang ina, binawi na ang kanyang kuya Alden, at ang ama niya'y parang basura siyang vinacuum at itinapon sa labas.

Napailing siya dahil hanggang ngayon hindi siya mapapatawad ng ama.

She tried to reconcile with her father ngunit sa kahihiyang sinapit ng pamilya'y hindi nito magawang tanggapin siya.

" At huwag na huwag kang papasok sa bahay ko , kahit burol ko, wala kang kwenta!"

Mga katagang hindi niya makalimutan, mga katagang kahit sa sinong anak ay masasaktan.

Umiling siya at ngumiti, dahil naalala na naman niya ang nakaraan.

" Megz! Tawag ka sa Pent, kakausapin ka daw ng General Manager, dinig ko lang ha, nandiyan ata ang bagong may ari ng Marianas"

Kinikilig na umupo sa tabi niya si Mayeth, assistant niya ito.

" Oh sige, gawin mo ang mga reports dahil kailangan ni Mr. Co"

Inoff niya ang laptop at naggayak patungo sa penthouse.

Iniisip niya, sino ang bagong may ari ng Hotel na kanyang pinagtatrabahuan, baka naman bababaan ang sahod nila na hindi pwedenf mangyari, she depends on her golden salary at ayaw niyang maantala ang pag iipon ng pera para sa anak.

Nang makarating sa Penthouse sinalubong siya ng General Manager.

Si Mrs. Larsen, naa mid forties na ito at nasa medium ang body built at tulad niya'y nakaformal suit, pormal ang mukha nitong tumitig sa kanya.

Hindi niya maintindihan ang ipinapahiwatig nito, ang nararamdaman niya'y may kakaibang mangyayari. Hinawakan niya ang mga kamay ni Mrs. Larsen, pinanatag niya iyon at kapagdaka'y ngumiti ito.

Tumingin ito sa pintuan.

" Go inside Megan, hinihintay ka na ng may ari."

mangiyak ngiyak ito.

For three years na nandito siya sa Marianas ngayon lamang niya nakitang emosyonal si Mrs. Larsen at isa ito sa mga taong tumanggap sa kanya.

Kumatok siya sa pintuan bago pumasok.

Nag iisa ang lalaking nakaupo sa Executive desk kaharap ng mismong pintuan.

Nag iinit ang kanyang mukha, her eyes started to blink just to stop the tears from flowing.

Ngumiti ang lalaki na kailanma'y hindi niya nais makita.

" Hows my wife?" saad nitong sumandal sa upuan, humalukipkip ito at mariing tumingin sa kanya.

Hindi siya makapagsalita, parang nabraindead siya ng mga oras na iyon, and she can't move neither. Gusto niyang tumalikod na lang at umalis, at hinding hindi na babalik pa sa Hotel na ito.

Love Affair by: TinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon