Love Affair
By : Tink
I felt a great pain
A torture of my heart
Emotionally exhausted
My soul torn apart (A little Rain fr. Sad Love poems stanza 1)
Tink : Speechless.
Chapter 6
( Flashback cont..)
Aldie can now define love.
Waking up each morning seeing Joseph's face was a dream come true. Lahat ng pagsubok sa kanyang buhay kaya niyang lampasan at harapin. Wrapping his arms around her waist was enough to think he would never let her go.
Hindi niya mapigilan ng sariling pagmasdan si Joseph, while her tears rolled on her face.
Hinaplos niya ang pisngi nito sabay halik sa noo ng mahal na asawa. At sana wala ng mangyari pa, o humadlang pa sa kanilang pagsasama.
" Good morning gorgeous!”
Nakangiting humalik sa kanyang leeg si Joseph, at parang nasa heaven ulit siya, sa bawat haplos, halik, yakap at ngiti ng asawa wala na siyang mahihiling pa.
" Im in love with my wife everyday!” nakatawa itong tumayo, gagayak na ito papuntang trabaho.
Parang kelan lang nung hindi siya nito pinapansin, parang kailan lang nung nene pa ang tingin nito sa kanya.
Bumangon na rin siya upang ipaghanda ng maisusuot ang asawa at ng almusal.
Malapit na din siyang matapos sa pag aaral at masaya siya kahit paano may sumusuporta sa kanya, emotionally.
Sabay silang kumain ni Joseph at sabay ding papasok, ihahatid siya nito sa Unibersidad pagkatapos ay papasok na ito sa trabaho, she is indeed inspired.
Alam niyang mabubura at maghihilom din ang sugat na ginawa niya sa damdamin ng kanyang ama, at hihintayin niya ang araw na iyon.
Mabagal para sa kanya ang pag ikot ng orasan, gustong gusto na naman niyang makita ang asawa at ewan ba niya kung bakit.
Nasa parking lot siya ng Unibersidad at hinihintay si Joseph, katatapos lang ang graduation practice nila at medyo nahihilo na siya, pinagpapawisan at nasusuka.
Alas singko na ng hapon ngunit papadilim na, ang liwanag ay madaling sinakop ng dilim, napasandal siya sa isa sa mga sasakyang naroon, hindi niya kayang pigilan ang pagkahilo.
Tanaw niya ang sasakyan ng asawa mabilis naman siyang namataan ni Joseph, agad itong bumaba at dinaluhan siya.
" Aldie.."
Nag aalala itong yumakap sa kanya. Hinahalikan ang bawat bahagi ng kanyang mukha. Sobrang nag aalala ito sa kanya.
Yumakap siya sa asawa at pili na tumayo.
Joseph held her patungo sa sasakyan nito, gusto siyang buhatin ng asawa ngunit umiling siya. Mabilis siyang pinaupo at nirecline ang katabing upuan, at lumipat na sa drivers seat. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang mukha at paghawak sa kanyang kamay.
" Joseph..huwag mo akong iiwan.."
Nanghihinang bulong niya sa asawa, basang basa siya ng pawis at nanginginig, hindi niya alam ang nangyayari sa kanyang katawan, matagal na niyang hindi nararamdaman ang withdrawal bakit ngayon pa ulit.
Joseph kisses her hands.
" Im taking you to the doctor" saad ni Joseph habang ang isanb
kamay ay humawak na aa wheels at dahan dahang nag maniobra.
BINABASA MO ANG
Love Affair by: Tink
Roman d'amourLove Affair By : Tink Teaser Si Megan. Bunsong anak ng mga Del Mindo, isang kilalang pamilya sa larangan ng pulitika. Sa kabila ng kayamanan nagawa siyang talikuran at itakwil ng mga magulang dahil sa pangyayaring kahit sinonog tao ay pandidirihan s...