chapter 9

9.2K 137 0
                                    


CHAPTER 9

( Paligsahan )

Katatapos lang ng interview ni Aldie sa isang kilalang Resort kabilang sa Marianas, ngunit tulad ng ibang naghahangad ng trabaho umuwi siyang bigo.

Naiinis niyang itinapon ang suot na blazer na may kalumaan ng sofa, at nagdadabog na nagtungo sa kusina.

Its Friday, wala ang kanyang lola, nasa baking class ito kung saan isa ito sa mga volunteer na magturo, minsan pinipigilan na niyang umattend ngunit ayaw ng matanda.

Binuksan niya ang hindi kalakihang ref at kumuha ng maiinom, nadiskitahan niyang kunin ang isang litrong orange juice ni Vince.

Naiiling siya, siguradong magagalit si Vince kapag nakitang hindi siya gumagamit ng baso.

" What the hell!!'' naiinis siyang nagmartsa palabas ng kusina, at palabas ng bahay, mag aalas sais na ng gabi, the sun is setting ngunit maalinsangan pa din.

Hindi pa dumarating sina Vince, isinama ito nina Mayeth at Leo sa pamamasyal dahil hindi niya ito masusundo sa Montessori.

Bakit ba kasi kailangan pa siyang tanggalin sa trabaho, pwede namang pumikit na lang si Joseph para hindi siya makita.

Mabilis niyang tinahak ang pathway at nagtungo sa di kalayuang dalampasigan, tinanggal niya ang suot na mataas na sandals at itinali ang buhok. Hindi niya alintana ang kanyang suot, wearing red tube blouse at hapit na black slacks.

Itinaas niya ang kamay sabay hinga ng malalim.

" Swerte sapian moko parang awa mo na" bulong niya sabay takbo.

Hindi niya alintana kung may mga hermit crabs o anu mang nilalang ang kanyang maapakan, ang alam niya stress siya, at gusto niyang ilabas ang lahat ng kanyang dinadala.

Mabilis , walang kapaguran, tulad ng paglaban niya kay kapalaran.

Humihingal siya sa limang minutong pagtakbo, she stopped habang ang mga kamay ay nakalagay sa kanyang tuhod.

" Haa!" lumuhod siya at dumapa sa buhanginan.

" Oh God mahabagin parang awa niyo na, bigyan niyo ako ng oppurtunity, gusto kong mapag aral si Vince sa Virginia, ayaw kong matulad siya sa kahirapan ko.."

Iniisip palang niyang hindi matutuloy ang anak, parang basag na ang mga pangarap ni Vince, gusto ng anak maging isang Chemist at Austronaut, oo alam niyang pangarap lang iyon, pero atleast habang lumalaki ang anak , may pundasyon itong pangarap.

At higit sa lahat, she don't want to break his heart.

Napapiglas siya ng maramdamang may humawak sa kanyang likod. Mabilis siyang tumayo at sinino ang taong iyon.

Kusang kumuyom ang kanyang mga palad, at parang mamamatay siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

Nagsalubong ang kanyang kilay at tumaas ang kanyang labi.

" Narinig ko ang pakiusap mo kay God, andito ako, Im giving you an oppurtunity, grab it"

Si Joseph, hindi niya alam kung saan nanggaling at kung bakit naririto ito.

Guwapong guwapo ito sa suot na Lacoste white polo shirt at pantalong maong.

" Hindi iyon oppurtunity Jose isa iyong panlalamang, tinanggal mo na nga ako sa trabaho bakit narito ka pa?Kupal ka!”

Ang kaninang nakangiting mga labi ni Joseph ay nabago, seryoso itong tumingin sa kanya.

" Where did you get those street words?"

Love Affair by: TinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon