Love Affair
by: Tink
Tink: Thank You po sa pagsubaybay sa story ni Aldie konting chapters nalang po matatapos na, sa mga comments niyo po madaming madaming thank you. Sorry po kung natagalan ang ud ko nito kasalukuyan po kasi akong undermedication at medyo hindi pa okay.
CHAPTER 14
Nakasimangot na mukha ni Joseph ang namulatan ni Aldie. Kunot ang noo, ngunit nakakadagdag pa rin sa kaguwapuhan nito kahit may mga pasa at putok ang labi nito.
Hindi niya alam kung paano tumigil ang mga ito, huling naalala niya'y yakap siya ng anak habang nagpapambuno sina Lander at Joseph sa ilalim ng ulan.
Iginiya niya ang mata, hindi pamilyar sa kanya ang kuwarto.
Kilalang kilala niya ang pabangong nalalanghap,pabango iyon ni Joseph nung magkasama palang sila.
She crinkled her nose, it was so Joseph, at namiss niya ang amoy na iyon. The wall was being covered by a light colored beige tulip wall paper, maayos din ang mga librong nakapatong sa mesa, may extended mini theater doon sa kanang bahagi ng kuwarto at makikita naman sa dulo niyon ay isang veranda na natatabingan ng manipis na kurtina at hindi niya alam kung ano ang makikita doon.
" Reminiscing huh!" humalukipkip si Joseph na noo'y nakaupo sa single sofa na sadyang nakaharap sa kanya. Napapailing man ganun pa rin ang hitsura nito.
Oo kasing guwapo pa din ito ni Channing Tatum.
" Akala ko ba nagbago ka na?ako lang pala ang kinakaya mo, bakit hinayaan mong itulak ka ng gagong yun?tignan mo nga yang noo mo?sana naalog konti yang utak mo ng matauhan ka na"
Joseph rolled his eyes, at nangiinis na ngumisi.
Siya naman ang nagkunot ng noo, nagtataka siya dahil ganoon kadiretsa ang pagkakasabi ng mahinhin at hindi umiimik na si Joseph.
" Anyare sa vocabulary mo?san ka nakapulot ng mga salitang kalye?” napapailing siyang nasapo ang noo habang tinutulungan ang sariling bumangon.
Hinawi niya ang kumot exposing her legs and thighs, at nanghihina siyang napatingin kay Joseph.
Ang kanyang mga luha'y naguunahang pumatak.
It can't be.
Bakit gagawin ni Joseph iyon?
Tumingin siyang muli sa sarili even watching herself to thr vanity mirror beside her.
Nanlilisik ang mga matang tumingin siya kay Joseph.
" Why?"
.....................................................
SAMANTALA..... Hawak ni Lander ang namamagang labi habang nakatitig sa bukana ng bahay nina Aldie, ang lola lamang nito ang nasa bahay.
Hindi niya mawari ang sarili parang gusto niyang angkinin si Vince. Gusto niyang kilalanin siya nitong ama.
Pero bakit parang malayo ang loob sa kanya ng bata?
At iisa lang ang ibig sabihin niyon.
Kahapon, kausap niya ang batang si Vince, gusto na niyang magbago parang ipinakita nito kung gaano kakuntento sa piling ng ina kahit salat sa materyal na bagay. Napakatalino ni Vince kahit sinong ama magiging proud sa kagaya nito.
Dahil doon gusto na niyang magbago, lumayo at magbagong buhay, pero ng makita niya ng malapitan si Aldie hindi niya kayang pigilan ang sarili as a defense tactic imbes na halikan niya ito itinulak niya ito sa semento.
BINABASA MO ANG
Love Affair by: Tink
RomanceLove Affair By : Tink Teaser Si Megan. Bunsong anak ng mga Del Mindo, isang kilalang pamilya sa larangan ng pulitika. Sa kabila ng kayamanan nagawa siyang talikuran at itakwil ng mga magulang dahil sa pangyayaring kahit sinonog tao ay pandidirihan s...