Love Affair
By: Tink
Chapter 15
Madaling bumangon si Aldie at galit na pinunas ang mga luha, hinanap ng mga mata niya ang kanyang mga damit at hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang gasa na nakalagay sa kanyang noo.
" Aldie pwede bang huwag kang OA, wala akong maisuot sa iyo, wala kang damit dito, yang robang yan ang tanging pinakaiingatan ko" nakangising saad ni Joseph.
Napa OH siya, ang akala niya kanina'y naka teeshirt ito nakatopless pala ito at nakaboxer shorts lamang.
Nahihiyang nagbawi siya ng tingin.
Gusto niyang hubarin ang green robe na nakasuot sa kanya, sino ba naman ang hindi makakalimot sa robang iyon. Bangungot para sa kanya ang pagsuot niyon, nung maghiwalay sila ni Joseph, ng gawin iyon ni Lander.
Bastard!
Binuksan niya ang closet ni Joseph habang pinupunas ang naglalaglagang mga luha.
Naiinis siya, dapat hindi na nito pinaalala ang lahat. Dapat kasi hindi na siya pumayag pa sa love affair na iyon pinagkakanulo lang siyang nararamdaman.
Wala siyang makitang damit na kasya sa kanya kaya pinagtatapon niya ang mga
maayos na nakasalansan sa closet.
Hinawi niya ang nakahang na tuxedos, naiinis lamang siyang napasalampak sa sahig, covering her legs tumingin siya kay Joseph.
" You!" naggagalaiti niyang saad.
Pinasingkit pa niya ang mga mata at diretsang tumingin dito.
Habang kalmante lamang na nakahalukipkip si Joseph sa isang tabi at pinapanood siyang nagmamarakulyo.
Wala siyang magawa kundi pigilin ang paghagulgol, she can see Joseph watching her.
" You.." tuluyan na siyang humagulgol.
Habang naalala niya ang araw na iyon.
" Magsalita ka nga at hindi puro you yang sinasabi mo, pwede bang ituloy mo, let go"
Lumapit si Joseph sa kanya nakatayo itong nakahalukipkip.
Seeking her eyes na parang gusto nitong makipagtitigan.
" Will you tell me whats on your mind?"
'' Alam mo mahirap yang may kinikimkim na galit lalo na sa taong mahal mo, alam kong mahal mo ako, at mahal din kita, kaya please"
Lumuhod si Joseph upang magpantay ang kanilang mukha, hinawakan nito ang kanyang buhok down to her chin, teasing her skin like seducing her.
" Common Aldie"
Napasiksik si Aldie sa gilid ng kama, naapektohan siya sa intimate space na iyon, she can hear Joseph's breathing, malalalim iyon, she can smell his scent as well, kitang kita din niya ang masculinity nito, at kelan pa ito nagka abs?
Hindi niya maabsorb ang sinasabi ni Joseph, her mind is goin' into somewhere, kaya sumimangot siya.
Tinulak niya si Joseph at mabilis na tumayo at nagpunta sa kabilang bahagi ng kama.
" At paano ka naman nakakasigurong mahal kita ha?, saka teka nag sstatus update ka pa, whats on your mind daw!”
Napabuga siya ng hangin at pilit niyang ibinabaling sa iba ang paningin, pero parang minamagnet ang kanyang atensiyon.
Ngumiti si Joseph itinaas nito ang kamay na may wedding ring nila.
Napamaang siya.
Oo she didn't bother to remove it.
BINABASA MO ANG
Love Affair by: Tink
Любовные романыLove Affair By : Tink Teaser Si Megan. Bunsong anak ng mga Del Mindo, isang kilalang pamilya sa larangan ng pulitika. Sa kabila ng kayamanan nagawa siyang talikuran at itakwil ng mga magulang dahil sa pangyayaring kahit sinonog tao ay pandidirihan s...