It's officially been a year now—a year since the world was shocked by the news of a pandemic.
Borders were instilled, health protocols initiated, you can't even leave home without passes to present.
For someone like me, it's painful. I love adventures, and knowing that I have to endure such a set-up was disheartening.
Yung sinabi nilang dalawang buwan lang daw na Community Quarantine ay umabot na ng isang taon. Now, I am simply spending my days in my condo unit instead of probably feeling the waves of the beach on my skin.
Ni hindi ako pwedeng mag-enjoy sa swimming pool ng clubhouse namin. It's becoming too boring, yet I don't have any choice.
That night, I am sitting on my small balcony staring at the stars from the 10th floor.
Nagbukas ako ng isang Heineken habang nakaupo sa isang stool. Tinanaw ko ang buong kalangitan.
"The stars are pretty tonight aren't they?"
Halos maibagsak ko ang bote ng Heineken sa gulat.
Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses.
Tumambad sa akin ang isang matipunong lalaki. His smile was from ear to ear. He was wearing a tight fitting black shirt habang sa pang-ibaba niya ay isang summer shorts.
Hanggang balikat ang buhok niya na itim na itim. A great opposite to my pink colored hair na resulta din ng pagkabagot ko sa quarantine months na nagdaan.
"Brent nga pala."
Tiningnan ko lang siya ng masama. Nag-aalangan na sagutin ito.
"Sorry for terrifying you. Masyado ka kasing seryoso."
Muli akong tumungga mula sa bote at pinanood muli ang mga bituin sa langit.
"Can I have some?"
Muli ko siyang nilingon. He was referring to the beer I'm drinking.
Kahit nag-aalangan, kumuha ako ng isa pang bote mula sa maliit na coleman na nasa gilid ko lang.
Inabot ko sa kanya ang bote. Hindi naman masyadong malayo ang agwat ng mga balcony namin kaya madali niya lamang itong naabot.
He took a quick gulp and thanked me.
"May bayad 'yan."
Natigilan pa ito at tiningnan ang bote ng Heineken. Palipat-lipat ang tingin niya sa bote at sa akin. Napansin niyang hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha ko kaya napakamot nalang siya ng ulo.
"Tumatanggap ka ba ng G-cash? Di pa kasi ako nakakapag-withdraw eh."
I stared at him and slowly, a smile cracked from my face. Bigla ay bumunghalit ako ng tawa. Nalilito man ay napasabay na rin ito ng tawa.
"Biro lang." muli akong lumagok mula sa boteng hawak ko. "Taria nga pala."
"Your name's Taria?"
"Oo bakit? Pangit ba?"
"No. I'm just wondering what is it short for."
"It's not short for anything. It's just Taria."
"Ahhh.. Okay."
"I am so freaking bored." I looked at the stars again and noticed how the sky was so peaceful. Bigla ay may naisip ako. "Hey, do you like bonfires?"
"Yes." tila nag-aalangan pa ito sa isasagot sa akin.
"Lipat ka dito. Magbo-bonfire tayo."
"Seryoso ka ba?"
"I am. Halika na!"
Ngumiti ito kahit halatang nag-aalangan.
"Okay punta ako diyan."
"Sige. Katok ka ha."
Tumango siya at mabilis na tinungo ang sarili nitong pintuan.
Iilang minuto lang ang lumipas nang marinig ko na ang pagkatok niya.
I smiled as I opened the door and let him come in. Tila hindi na rin ito nag-aalangan at mabilis ng pumasok sa loob ng unit ko.
My flat-screen TV is now turned on.
"Sa'n tayo magbo-bonfire?"
"Relax ka lang."
Nagset-up ako ng maliliit na unan sa sahig habang sa mesa ay nakalagay ang iilang chichiria. Nakabukas na rin ang maliit na coleman na may lamang yelo at Heineken.
Maya-maya pa ay nag-screen share ako ng Youtube video sa Smart TV ko.
Nagsimulang pumuno ang tunog ng apoy sa telebisyon.
"Tsaran!! Virtual Bonfire!" sabay tawa ko. Mabilis akong naupo sa isang tabi ng sahig at muling nagbukas ng isa pang bote ng Heineken.
"Akala ko pa naman totoong bonfire."
"Hindi ah! Bonfire pa rin naman 'yan! Pikit ka. Tapos imaginen mo."
Sabay pa kaming napapikit.
"Can you hear it? Think about the embers coming from the bonfire. Remember how it feels. Iyong maliliit na baga na nagmumula sa malaking apoy. Tiny specks that bring such warm feeling to your cold body."
Unti-unti ay naramdaman ko ang pag-akbay niya sa mga balikat ko. Slowly, I felt the brush of his lips towards mine.
I smiled as he slowly lingered my lips with a kiss.
I opened my eyes, and his eyes met mine.
"You really Love reliving our meet cute."
"Always!"
"Happy Anniversary my Dear Taria."
"Happy Anniversary my Dear Brent."
I smiled as I cuddled closer to him, feeling like we were in a real beachfront kaharap ng isang real-life bonfire.
END
YOU ARE READING
Reliving Taria's Meet Cute
RomanceHow are you in the middle of the things that's happening in the world? Okay ka pa ba? Eh pa'no kaya si Taria na hindi napapalagay ng hindi nakakapagliwaliw? But amongst all, how does a Fire Lady like Taria fall in love and stay in love during this...