"GOODMORNING,Mam Seya", Narinig kong bati ng private nurse ko. Sumimsim ako ng tubig at pinaikot aking mata.
Mam Seya sa Umaga,Seya Babe sa Gabi. Wow kapal ng kumag.
Simula nung araw na sinabi nya saking tatawagin nya akong seya babe ay hindi na nito ako tinatanan pa kakatawag nun. Pigilan ko man at tinatawag nya parin ako ng ganun kaya wala akong choice kundi hayaan sya.
Hindi ko ito sinagot kaya narinig ko ang tawa ni Manang elsa sa gilid. She's arranging the flowers sa vase , it was a white rose flower.
Pinunasan ko ang aking mga labi at hindi napigilang tumayo at inabot ang isang piraso ng puting rosas.
I love Roses , specially white. White roses symbolizes purity for me , i love it. Para bang napapanatag ako pag binibigyan ako ng puting rosas dahil alam ko sa sarili ko na mahalaga saakin ang ibig sabihin nito.
"you like white roses?" Narinig kong tanong ng nurse ko. Hindi ko namalayan na nandyan na pala sya at paglinga ko ay wala na si manang. Mukhang iniwan nya na kami.
Hindi ko sya sinagot at tinitigan lamang ang rosas. Pinaikot ko ang daliri ko sa Center nito at hindi napigilang amoyin.
Naglakad ako papunta sa balcony at tumayo sa gilid ng railings habang nakatingin sa magandang view at nakahawak parin sa puting rosas.
Just like a white rose, marami syang tinik na nakaakibat pero napakaganda nya paring tignan. Napakarami kong Pinagdaanan pero walang nakaalam. I was a good pretender never knowing i was also a Wicked Liar.
Ang kwento ng buhay ko ay hindi matatapos sa isang libro lang. Gustuhin ko mang isulat sa Isang pahina lang ang kwento ng buhay ko ay hindi ko magawa dahil kulang na kulang ang isang pahina sa paglalarawan ko sa kahayupang ginawa ng mga tao saakin.
I was famous in our town, apo at anak ng mga kilala at respetadong tao sa amin na hindi nila alam, mga mababaw pa sa hayop ang sinasamba nilang tao.
A rusty metal covered with thick gold is like a Corrupt and unknown Criminals covered with Money and smooth lies.
I would never be like them, i'll swore to death. Never.
Nagbuga ako ng marahas na hininga at Inangat ang tingin sa magandang view. Kahit saan ako magpunta, magtago man ako sa kahit saang sulok ng mundo;hindi ko maiiwasan at matatakasan ang kapalaran ko , kapalaran na dugo ng mga kriminal ang dumadaloy sa aking mga ugat.
YOU ARE READING
Hidden Glimpse of Goodnight (ON-GOING)
RandomKevin WARNING: THIS STORY IS UNEDITED. COVERS NOT MINE CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNERS. #NS02 Ranked 78: longings