AND THERE ain't nothing you can do to make me turn away from you. I need you to know that you can let go...
"...that you can let go!" pagsabay ni Danieca sa koro ng kanta ng Backstreet Boys na pinakikinggan niya mula sa iPod na nakasuksok sa back pocket ng suot niyang shorts.
She jogged up the grand staircase of her family's ancestral house. Noong bata pa siya, iniisip niyang hagdan iyon patungo sa langit dahil sa taas niyon. Hindi niya mabilang ang dami ng beses na nagpadulas silang magpipinsan pababa sa makintab na barandilya niyon tuwing natitiyempuhan nilang walang mga matatanda na nakabantay at magbabawal sa kanila. Simoun, being the oldest, tried to stop them. Pero kapag nasimulan na ang kantiyawan at hamunan, unang-una pa itong magpapadulas na agad susundan nina Ravin, Giac, Flynn, Hisoka, Irvine, Ethan, at ng Kuya Dylan niya.
Pero kadalasan, silang mga babaeng magpipinsan at si Zrael ay ayaw pasalihin ng mga ito dahil delikado raw at hindi nila kaya. Ang gagawin ni Zrael ay magbabantang isusumbong ang mga ito para pasalihin sila, bagaman sina Teree at Pauline ay hindi ganoon kainteresadong sumubok at nakikisama lang sa kanila nina Joleen at Zrael.
Napangiti siya nang maalala niya ang isang pagkakataon na mismong sina Lolo Nemo at Lola Salome ang nakahuli sa kanilang magpipinsan na nagpapadulas sa barandilya ng hagdan. Tandang-tanda niya ang panggigilalas at takot na bumadha sa mukha ni Lola Salome at ang pagpipigil ni Lolo Nemo ng tawa habang kunwari ay pinapagalitan sila. Hindi sila masita nang seryoso ni Lolo Nemo dahil ito mismo ang nagturo sa kanila ng larong iyon noon.
Pero sa dalawang matanda, mas takot silang magpipinsan sa tahimik lang na reaksiyon ni Lola Salome. At hindi iyon dahil mas istrikta ang lola nila. Ang totoo, mas mahigpit at disciplinarian si Lolo Nemo kaysa kay Lola Salome. Pero takot sila noon na mahuli ni Lola Salome tuwing may ginagawa silang kalokohan dahil lahat silang mga apo nito ay ayaw na pinasasama ang loob nito.
Like their grandfather and fathers, they all adored and worshipped the gentle, loving, and wonderful woman. Kaya ayaw nilang nagagalit sa kanila si Lola Salome o sumama ang loob nito dahil sa pagsuway nila rito. A few disappointed words from her were like a three-hour long tirade from Lolo Nemo or their own parents. At kapag nangyayari iyon, kulang na lang ay silang mga bata na mismo ang mag-suggest ng ipaparusa sa mga sarili nila para makabawi lang sa pagsuway nila sa kanilang lola.
At nang araw na iyon, nabanggit yata nilang magpipinsan ang lahat ng uri ng pagpaparusang maaaring igawad sa isang tao dahil sa kagustuhan nilang mapaglubag ang loob ni Lola Salome. Dahil doon ay napalis ang galit at akmang panenermon nito sa kanila. Natatawang napailing na lang ito. Ngunit nagulat silang lahat sa reaksiyon nito nang tudyuhin ito ni Lolo Nemo na matanda na raw kasi ito kaya hindi nito maunawaan ang nag-uumapaw na enerhiya at kakulitan nilang mga bata.
"Matanda? Ako, matanda? Hah! Tingnan natin kung sino ang matanda!" Kapagkuwan ay umupo ito sa barandilya at nagpadulas pababa sa labis na panggigilalas ng lahat.
Muli siyang napangiti sa alaalang iyon. Iyon yata ang kauna-unahang pagkakataong nakita niyang nagalit at halos atakihin sa puso si Lolo Nemo dahil sa takot habang sinesermunan si Lola Salome. Lolo Nemo was clearly torn between concern and anger for the fright Lola Salome caused him. But it also showed her how much her grandfather cared for her grandmother.
Pagtapak niya sa punong-hagdan ay huminto siya, saka hinimas ang makintab na barandilya upang tiyakin kung madulas iyon. Ang tagal na niyang hindi nagpapadulas sa barandilyang iyon. Kaya pa rin kaya niya ngayon? Isa lang ang paraan para malaman.
"Don't you even think about it, Danieca!" Bago pa man niya maisagawa ang ideyang nabuo sa isip niya ay narinig na niya ang naninitang boses ng Kuya Dylan niya mula sa likuran niya. Hindi agad niya napansin ang paglapit nito at ni Charie, ang fiancée ng pinsan nilang si Hisoka.
Sa Sabado na ang kasal nina Hisoka at Charie na gaganapin sa wedding chapel sa loob ng Aseron Farms, kaya kompleto silang magkakamag-anak ngayon sa Aseron Castillo.
Getting married at the family chapel was a tradition that most of them, even the cold and aloof Hisoka, couldn't disregard. Ayon sa paniwala ng mga matatanda sa pamilya, nagiging masaya at panghabang-buhay ang pagsasama ng bawat Aseron na sa chapel na iyon ikinakasal. Kaya kahit kayang-kayang pakasalan ni Hisoka si Charie sa kahit saang simbahan sa mundo, nangibabaw pa rin ang hangarin nitong sundin ang tradisyon ng pamilya nila.
"Why? You wanna try it first? A hundred pesos sa pinakamabilis na makakapag-slide pababa?" nakangising hamon niya sa kapatid, saka ipinaliwanag kay Charie ang laro at pustahan nila noong mga bata pa sila.
"No. And you shouldn't—"
Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita at pangangaral ang kuya niya; dagli na siyang sumampa sa balustre at nagpadulas pababa sa saliw ng malakas at tuwang-tuwang pagtili niya at ng gulat na sigaw nito at ni Charie. Pagdating niya sa paanan ng hagdan ay patakbong umakyat uli siya. Nakasalubong niya sa kalahati ng hagdan ang dalawa na puno ng pag-aalala habang pababa. Well, nag-aalala sa panig ni Charie pero nanggagalaiti sa galit sa panig ng kuya niya.
"Are you insane, Danieca?" galit na sigaw ng kanyang kapatid.
BINABASA MO ANG
ASERON WEDDINGS-YOU CAN LET GO
RomanceDanieca had loved and lost two men five years ago. One was the man she was about to marry, the other her dearest friend. Si Nikolas ay kinuha sa kanya ni Kamatayan habang si Lucien naman ay bigla na lamang nawala sa buhay niya sa kadahilanang ito la...