How could she when she thought her heart had died when Nikolas died? And after experiencing the kind of love she had shared with him, how could she settle for something less or second best? She had never met another man who could make her feel the way Nikolas had made her feel.
Subalit wala rin sa plano niya ang tumandang nag-iisa. Gusto niyang magkaanak balang-araw dahil mahilig siya sa mga bata. And now that she was twenty-six and almost all of her cousins were married and raising their kids, she knew it was time to build her own family. Hindi niya gustong maging ang kawawang matandang tiyahin ng mga pamangkin niya na nakokontento na lang mag-alaga at mang-spoil sa mga ito dahil wala siyang sariling mga anak na mamahalin at ii-spoil.
"Sorry, 'Lo. Natangay lang ako ng gutom. Bakit iba ang merienda na inihain sa amin ni Manang Eleni sa merienda? Sinasabi ko na nga ba, eh, may lihim na sight siya sa inyo kaya espesyal lagi ang pagkain ninyo," pabirong sabi ni Danieca sa kanyang lolo.
Hindi nito sinakyan ang biro niya at sa halip ay seryoso ang anyong umupo ito sa silyang katapat niya. On closer look, she noticed how tired and weary her grandfather was. Kahit matikas at malakas pa rin ito, sa pagkakataong iyon ay tila pasan nito sa mga balikat ang bigat ng mahigit walumpung taon nitong pamumuhay sa daigdig.
"Lolo, may problema ho ba kayo?"
"Kailangan ko ang tulong mo, hija. At first I thought I should send for one of your cousins or our lawyers to do this. But I realized it would be much better if you were the one to do it. Naging kaibigan mo si Lucien. Kahit wala na kayong ugnayan ngayon, alam ko kung paano mo bigyan ng halaga ang isang kaibigan. But at this moment, I'm sorry to say that I'm about to abuse that friendship."
Natigilan siya, napakunot-noo pagkaalala sa binatang mahigit limang taon nang wala siyang balita.
Until five years ago, nagpapalitan sila ng liham, e-mails, cards, at regalo ni Lucien. She used to send him twelve long and detailed letters a year, weekly e-mails, a card and a gift for Christmas, a card and a gift for his birthday, and a card and a gift for Valentine's Day. Just like she promised him before they parted ways a few days before Christmas twelve years ago.
Ito naman ay nagpapadala sa kanya ng tatlong maiikling sulat sa loob ng isang taon, isang mas maikling e-mail kada ikalawang buwan, mga regalo hindi lang para sa kanya kundi maging sa buong pamilya niya tuwing Pasko, mga regalo para sa kaarawan niya, at mga regalo para sa Valentine's Day. Once in a blue moon, he would answer her calls instead of just letting his voicemail take her message for him.
Dahil doon ay itinuring niya itong matalik na kaibigan sa kabila ng distansiya nila sa isa't isa at matipid nitong pagsagot sa mga sulat niya. Sabi nga ng kaibigan niyang si Mariel, ang tiyaga raw niya at ang tindi ng fighting spirit o mas tamang tawaging "kakulitan."
"Hindi mo ba napapansin na sobrang lamig ng mga sagot niya sa sulat at e-mails mo? Ni ayaw ka niyang kausapin nang matagal sa phone. And he never calls you first. laging ikaw ang tumatawag sa kanya. Girl, give up! Hindi ka niya gustong maging friend, ano? Langit siya, lupa ka, dugong-bughaw siya, commoner ka lang. I mean, okay, you're a billionaire's granddaughter but he's a billionaire who also happens to be a future Baron and Count!
"At kaya lang siya patuloy sa pagpapadala ng mga regalo sa iyo ay dahil ayaw mo ring tumigil sa pagpapadala ng mga regalo at cards sa kanya. Malamang nahihiya lang iyong tao na hindi ka rin padalhan ng regalo. Hindi rin naman niya maibalik ang mga regalo mo dahil malamang iniisip niyang magkaibigan ang mga lolo ninyo at ikasasama ng loob nila kung gagawin niya iyon sa iyo," payo ni Mariel sa kanya noon.
But everyone who knew her knew that giving up wasn't in her vocabulary. Lalo pa at hindi siya sang-ayon sa sapantaha ni Mariel tungkol sa pag-ayaw ni Lucien na maging kaibigan niya. Sa palagay niya, hindi lang talaga sanay makipagkaibigan si Lucien kaya hindi nito alam kung ano ang mga patakaran sa pagtrato sa isang kaibigan.
BINABASA MO ANG
ASERON WEDDINGS-YOU CAN LET GO
RomantizmDanieca had loved and lost two men five years ago. One was the man she was about to marry, the other her dearest friend. Si Nikolas ay kinuha sa kanya ni Kamatayan habang si Lucien naman ay bigla na lamang nawala sa buhay niya sa kadahilanang ito la...