♠️ANDROMEDA'S POV♠️
"Andromeda! Please, tell me what I did wrong and I'll change for you! Don't break up with me" kulang nalang ay malimos na siya dito sa gitna ng University.
Putspa talaga tong taong toh noh? Kakalipat ko lang tapos may ganto na agad? Di ko nga maalala ang pangalan niya.
"Look! Hindi kita kilala okay? Sa dinami-dami kong nakarelasyon, di ko na nga maalala ang mga pangalan nila and of course, kasali ka na don"
Yeah, madami akong boyfriend and call me a bitch or whatever pero ganyan ang social life ko. Lahat ng mga ka-relationships ko ay either kasali sa top 5 ranking system that includes benefits like me almost remembering their names and the rest is insignificant to me.
"Anyway, whatever this is, if we did date and I forgot about it, then this is me dumping you, kahit nakalimutan man kita. Please stay away from me kung ayaw mong sirain ko ang buhay mo, okay?" Yun ang huli kong sabi at umalis siyang nakanganga pati na ang crowd na nabuo nang masigaw-sigaw niya ang drama niya.
"Andromeda Supernova Astro!" Putspa. Ang laki ng bunganga ni Bernadette, maiisipan kong umabot sa kabilang banda ng mundo ang boses nito.
"Ano ba?! Bakit ba laging halos buong pangalan ko ang tinatawag mo everytime na makikita moko?" Inis kong sambit sa kaniya.
She linked her arm on my arm at nagsabay kami sa paglalakad. She is Bernadette Quinzelle Light, I would consider her as an equal at cousin ko siya.
"Well, Bessie Constellation-na-obviously-bad-mood-today.... I want to let you know na yung ginawa natin doon sa Felicia-ewan-anong-apilyedo-nun ay nagsumbong sa Principal na Dean-Whatever at pinapatawag tayo doon sa office niya and now na daw" nakangiti niyang sabi and kung hindi niyo na notice ay almost the same kami nito ni baliw dahil makakalimutin talaga kami pareho.
Pumunta kami sa may office ng Principal-Dean-Whatever and bumungad samin si Butler William, ang Butler sa bahay namin kasama niya ang PDW(Principal-Dean-Whatever).
"I'm impressed that you lasted a week, Young Lady" sabi ni Butler William at nag-bow as a sign of respect. Napanganga naman ang PDW sa nakikita niya.
"E-ehem" nag-fake cough ang PDW para mabaling ang atensyon namin sa kaniya. HAHAHAHAH! Kinakabahan na siya dahil kay Butler William at nag-iisip kung sino talaga ako.
"Speak, human" inip kong sabi.
"According the the student manual, as Ms. Astro has damaged school property in a form of burning the girls dormitory in the room of Ms. Felicia Valdez. I shall grant you the punishment of expulsion and shall be effective immediately" sabi niya in an oh-so-noble-tone.
Napairap kami ni Odette(Bernadette) sa nasabi niya at si Butler William naman ay obvious na obvious sa pagka-aliw niya. Lilipat nanaman ako ng school and kung saan ako pupunta ay doon din pupunta si Odette.
"Thank you for absolutely nothing, PDW" napakunot ang kilay ni PDW dahil di niya alam ang ibig sabihin ng PDW. That's what I said before leaving the office at agad namang nakasunod si Odette at si Butler William.
"Young Lady, let us proceed to the mansion" sabi ni Butler William habang nakasunod parin. Nang tumango ako ay siya naman ang nanguna sa paglakad at inescort kami sa Limo na dri-nive niya papunta rito.
He drove us to the mansion, ang tawag sa mansyon na ito ay Luna de Liwanag. Ewan ko kung bakit yan ang napangalan nila pero I do know na mahilig sila sa Outer Space, hence my name.
"Nandito na po tayo" sabi ni Butler William at pinagbuksan kami ng pintuan ng kotse at pintuan sa mansion.
"Look who's here? Cassiopeia, my dearest kambal" Ah, nakalimutan ko na pareho kami ng mukha. Sasabihan ko sana ng panget. Putspa.
"Hi Orion-my-lovesss!" Pasigaw na bati ni Odette kay kambal. Hayst, baka maging live porn pa toh. Masyado kasing ewan si Odette kay Orion kapag long time no see eh.
"Bebs! Yung kaibigan mo na manyak! AAAahhhhhhh! Help meeeeee" drama ni Kambal, Bebs ang tawag namin sa isa't isa. I dunno why but ganun na nga.
"Oh, Cassiopeia and Odette. Nandyan na pala kayo, come in" sabi ni Lola. Napailing nalang ako, mabuti pa si Lola may pakielam sakin kaysa sa iba diyan.
"Hi po Lola Jupiter! It's been a while!" Masiyahing bati ni Odette kay Lola at ngumiti naman si Lola sa kaniya.
Pumasok na kami sa dining area at ang naririto ay ang kompletong pamilya in the immediate part sa family. Lola, Mother, Father, Saturn, Odette at kami ni Bebs. Nasa gilid naman si Butler William nakatayo on standby.
Umupo kami at sinerve ng mga maid ang mga pagkain sa long dining table. Parang Noche Buena ang handa pero ang pinagkaiba lang ay Leche tong Noche na toh.
"I see that you've lasted a week this time" sabi ni Father, obvious naman na wala akong attachement dito sa Luna De Liwanag except kay Lola. Wala naman akong past para maging ganito, ganito lang talaga ako and wala naman issue ang pamilya dahil ipinagkatiwala na ang position ng heir kay Neptune, Kuya Neptune na on Business ngayon.
" Well! Tito Moon, we tried to last longer pero that girl was a crazy-coocoo-banana weirdo" tugon ni Odette sa sinabi ni Father.
" Cassiopeia and Odette. I suggested to Mama na ipapunta kayo sa Decente de Leona, it's a school that can tolerate your manners and capabilities" sabi ni Father habang sumubo ng kanin.
"Any comments on the matter? Mother?" Sabi ko habang tinapunan ng tingin si Mother. Tsk.
Walang imik, as always.
"My dear, makakasama mo ang Gangmates mo if you wish" sabi ni Lola na ikinalaki ng mata ni Mother, Saturn, Odette at Bebs. Wews, alams na talaga ni Lola kung paano ako papayagin sa mga gusto nila and aaminin ko na naintriga ako sa Decente de Leona.
"Are you hoping that I'll become a decent lioness, Father?" Asar ko sa kaniya. Ikinatawa naman nito ni Saturn, youngest namin.
"Lola, so lahat kami ililipat doon?" Ah kung hindi naging obvious, kasali si Saturn sa amin at siya ang youngest member sa gang . Tumango lang si Lola as a sign of confirmation.
"Pwede na ba kaming bumalik ng UG? Gang fights?" Tanong ko kay Lola pero mukhang aangal si Father nang naunahan siya ni Lola.
"Kahit kailan ay di ka talaga nagpapalugi. Alam ko namang mahilig kayo sa ganyan kaya't naisipan ko nabago mo pa masabi iyan apo, Papayag ako gusto mo basta't papasok ka doon sa Decente de Leona"
Tinignan ko si Saturn, Odette at si Bebs at tinanguan nila ako. Alright, we're going to a new playground.
"Alright, Lola. We accept thy Bargain" sabi ko at nagsmirk.
Tignan nating kung hanggang saan ang makakaya ng iskwelahang ito.
(A/N:
Welp. I'll try not to make this cliche lyk the rest of the sorta gangster stories. Para mas entertaining at baka makagawa ako ng bagong trope. Charot lang HAHAHAH in my dreams.)
YOU ARE READING
Spade Chance
Random"Putspa" "Alright" "It's the Spade!" "Oh look! Di nasunog ang buong building" "Let's break up, okay? Wala akong pake sayo, kahit pangalan mo nga di ko maalala eh" Hayst. "I'm dominating you, Darling" And so much more- read Spade to know the story of...