Chapter Nineteen

8 0 0
                                    


"Agony!" Pagtawag nya sa akin.

Hindi ko pa din sya nililingon. Dumiretso ako sa kotse ko at saka pinaandar ito.

"Agony please! Talk to me!" Saad niya mula sa harap ng kotse ko.

Talagang pumagitna sya. Bumusina ako ng napakalakas para umalis sya pero ayaw niya pa din. Lumuhod sya sa harapan at saka doon umiyak ng todo. Hinampas ko yung manibela ng malakas dahil sa galit.

Lumabas ako mula sa kotse at saka tinungo sya. Yakap yakap niya ang tuhod nya. Basang basa na din ang mukha niya dahil sa luha.

"Nababaliw kana ba? Umuwi kana nga! Kailangan ka ng anak mo! Pabayaan mo na ako, pwede ba?" Sigaw ko sa kanya.

"Agony please, talk to me."

"Ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan? Wala na, hindi ba?"

Niyakap niya ako. Kapag ginagawa nya to sa akin, bumibigay ako. Bakit ba kasi ang rupok ko?

"Please iwan mo na ako Atacia gaya ng pag-iwan ko sayo dati. Hindi paba iyon sapat para iwanan mo ako?" Saad ko saka inilayo sya sa akin.

"Agony mahal kita. I am so desperate right now just to win you back."

"Win me back?" Napatawa ako sa sinabi niya. "Pinagtabuyan mo ko dati hindi ba? Tapos ngayon babalik ka? Bakit? Para saktan ako ulit? Ganun ba?" Dagdag ko.

"No. Hindi ganun."

"Eh ano?! Bakit gusto mo kong kunin ulit? Bakit mo ko minahal ngayon? Na realize mo na bang hindi ako ang daddy ko? Mas lamang naba ako sa kanya ngayon? O baka naman mas masarap ako sa kama kesa kay Laurel?"

Isang malutong na sampal ang lumapat sa pisngi ko. Mas napaiyak sya. Parang nagising ako sa katotohanan nung sinampal niya ako. Nagising ako sa katotohanan na kahit anong ginawa ko sa kanya, mali pa rin yung ibinato kong mga salita sa kanya.

"S-Sorry Agony. I-I didn't mean it. Sorry kung n-nasampal kita." Nauutal niyang sabi saka tinignan yung pisngi kong nasampal niya. "Go ahead. S-Slap me. Sampalin mo din ako gaya ng ginawa ko sayo." Wika niya.

Kinuha niya yung kamay ko saka sinampal sampal niya sa pisngi niya.

"Go ahead, slap me Agony. Slap me!" Sigaw niya na.

Ang bigat-bigat na ng nararamdaman ko. Pinigilan ko sya sa ginagawa niya. Kahit ganun, ayokong saktan sya ng pisikal. Oo, pareho naming nasaktan ang isa't-isa pero ayoko ding tumulad kay Laurel na sinasaktan sya para lang mahalin siya ni miss Atacia.

"Ganito ka ba magmahal Atacia? Yung papaibigin mo yung isang tao? Tapos kapag nahulog na sayo, magpapahabol ka tapos kapag hinabol kana, itataboy mo? Ganun ba?"

Umiiling sya. "Ang sakit mong mahalin." Wika ko.

"I'm sorry Agony. Di ko sinasadya."

Napasigaw ako dahil sa galit. Kapag nagsosorry sya, bumibigay agad ako. Napapalambot nya kaagad ang puso kong bato.

"I'm sorry kung pareho kayo ng naranasan ng daddy mo dito sa piling ko. Kinailangan ko lang talagang gawin iyon."

Napalingon ako sa kanya. Pareho kami ng daddy ko? So meaning ganito din ang nangyari sa daddy ko sa kanya?

"What?" Nalilitong tanong ko sa kanya.

"Inilayo ko din si Augustine dati sa akin kahit mahal ko sya kasi ayokong saktan sya ni Laurel. Laurel can do anything. Natakot ako that time. Sabi niya sa akin na papatayin niya ang daddy mo kapag di ko sya iniwan. Natakot ako ng sobra kasi andun ka ng mga panahong iyon. Pinagbantaan mismo ni Laurel ang daddy mo sa harap mo at ng mommy mo kaya natakot ako. Tinanggap ko yung kasal. That's the easiest way na alam ko para lubayan kayo ni Laurel. We went to Cebu. Doon kami nagpalipas ng panahon. And then bumalik lang kami nun ng Bulacan kasi akala ni Laurel may lalaki ako. Lumipat ako ng paaralang tuturuan. I never knew na pinasok pala ako ni Laurel sa paaralang pagmamay-ari ni Augustine. To test me if wala naba talaga sa akin ang daddy mo. I thought it was over but then I met you. Believe me Agony, pinigilan ko. Pinigilan kong mahalin ka di dahil nakikita ko ang daddy mo sayo kundi ayokong saktan ka din ni Laurel. Sorry." Tuloy-tuloy niyang sabi.

Nagbara ang lalamunan ko. Di ako alam ang sasabihin ko. All this time, akala ko malabo niya akong mahalin dahil si daddy lang ang nakikita niya sa akin kundi dahil pinoprotektahan nya lang ako kay Laurel.

"I am sorry if I had to pushed you away before. It was also the easiest way I can. Mula nung nasaktan kita, nasasaktan din ako. I had regrets. Mula nung di mo na ako kinakausap, nawawasak ako. Lagi akong nasasaktan ni Laurel dahil bat pa daw kita pinupuntahan kung ako na mismo ang naglayo sayo sa akin. When we did that thing sa kotse mo dati, ang saya ko kasi kahit ganun, pakiramdam ko napatawad mo na ako. Pero nung umalis ka at hindi na nagpakita ulit, narealize ko na sana pinaglaban kita. Sana natuto akong lumaban kay Laurel. Sana naging matapang ako. Pero sino ba naman ako diba? Sana hindi ako natakot. Hinanap kita dati. Laurel even threatened me na sasaktan ka niya para di na kita hanapin. Back then, I threatened him back. I told him na ilalayo ko ang anak namin sa kanya kapag ginalaw ka niya. Ayokong mangyari ulit sayo yung nangyari sa daddy mo dati. I had to fight. For you Agony." Mahabang paliwanag nya.

Patuloy pa ding umaagos ang mga luha niya. Gusto kong kunin lahat ng sakit na nararamdaman niya. I was too weak as well para di lumaban. Sana gumawa din ako ng paraan.

"I-I even asked your father kung saan ka na nakatira. Kung saan kita pwedeng mahanap pero he refused. Hindi niya sinabi sa akin kung nasaan ka. I asked Sander as well pero wala din akong nakuha na impormasyon. Dun ko lang nalaman nung narinig kong nag-uusap kayo nina Charm at ng mga kaibigan ko isang umaga sa paaralan. Pinakinggan ko sila. Nung sinabi ni Charm na nasa California ka, gumawa ako ng paraan para mapuntahan ka." She added.

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tinititigan ko lang sya habang umiiyak. Parang winawasak ang puso ko sa nalaman ko. She had to fight. She had to fight not for me but for herself and for her freedom.

Isinakay ko sya sa kotse saka hinatid sa bahay nila. Ganito nalang kami palagi kapag nag-uusap. Itataboy ko sya tas iiyak sya tas sa huli, ihahatid ko sya sa bahay nila.

Kinaumagahan, agad kong tinawagan si daddy. Uuwi ako ng Pinas sa araw ng kapanganakan niya. Gusto ko din syang kausapin tungkol kina mommy. Ayokong maging magulo pang habangbuhay yung mga buhay namin.

Hinatid ako ni mommy sa airport. Sinabihan ko sya na wag na ipaalam kay Atacia na umalis ako lalo pa't sa Pilipinas ang destinasyon ko. Ayokong masaktan ulit sya.

Hindi naman masyadong matagal ang byahe. Pagkarating ko sa Pilipinas, agad akong sinalubong ni Sander at Manuel.

"Welcome back, boss Jethro!" Bungad ni Sander.

"Maligayang pagbabalik kaibigan. Naks! Gumwapo kana ha? Ganun ba kaganda ang California para kuminis ka ng ganyan? Next time dalhin ko naman ako dun kaibigan." Pagbibiro ni Manuel.

Kinuha naman ni Sander ang bagahe ko saka inilagay sa likuran ng sasakyan.

"Nasaan si dad?" Tanong ko.

"Nasa bahay lang boss Jethro. Inaantay ka. Mamayang gabi pa yung party para sa 45th birthday ng daddy mo sa isang hotel." Saad ni Sander.

Tumango ako bilang pagtugon. Sinandal ko muna yung sarili ko para makatulog saglit. Medyo napagod ako sa byahe.

Sumalubong sa akin ang daddy ko pagkarating ko sa bahay. Agad niya akong niyakap.

"Welcome back Jethro! Aha! Ang kisig mo na anak!" Wika ni daddy sa akin.

Nginitian ko sya. Di ko inakalang magkikita pa kami ulit. Akala ko talaga di na ako babalik ng Pilipinas pero heto ako, masayang nakatayo sa mismong bahay namin.

Hindi Tayo Pwede (Paramour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon