Simula

12 4 0
                                    

This is the first series of Tanaueño Series. Sana ay patuloy niyo pang suportahan ang mga susunod pa. Maraming maraming salamat sa patuloy na pagbabasa ng aking mga storya! Palaging mag-iingat! Mahal ko kayong lahat :*

**********


Malamig na panahon ang bumabalot sa siyudad ngayon. It's December 24 at kitang kita ko mula sa bintana ng aking kwarto ang excitement ng mga tao para sa pasko, sana ganoon rin ako. Hindi kasi nakukumpleto ang pamilya namin sa t'wing may mga important events, cuz my mom is a doctor and my dad is engineer kaya lagi silang busy. Tanging si yaya Biring lamang ang nakakasama ko sa t'wing may salu-salo pero masaya naman ako dahil yaya Biring is kind to me and she never leave me in this boring house.

"Lanie, bumaba kana rito at baka hapunin tayo sa pamimili!" Sigaw ni yaya Biring mula sa ibaba.

Nag request kasi ako na sumama sakanya sa pamimili sa palengke para sa pang hapunan namin mamaya dahil nakakabagot namang maghapon ako ritong magmumukmok sa aking kwarto.

"Opo yaya, bababa na po." At dali daling nagsuklay ng buhok. Naka jeans lang ako at yellow puff top and sneakers dahil siguradong marumi roon kaya ayaw kong madumihan ang aking paa.

Bumaba na ako pagkatapos at kitang kita ko ang pagtaas ng kilay ni yaya Biring.

"Sa palengke tayo pupunta Lanie, ang iyong damit ay mukhang pupunta ng mall ah." Sabi niya habang nginingisihan ako.

"Yaya naman e! Mainit kasi roon panigurado kaya ayaw kong magsuot ng tsinelas. Ayos na ito yaya halika na sa sasakyan."

"Hindi tayo gagamit ng sasakyan ngayon, Lanie. Hindi makakadaan sa palengke iyon ngayon dahil panigurado'y puno ng mga nagtitinda roon sa Tanauan lalo na ngayong magpapasko. Magtatricycle lamang tayo paroon at parito."

Tumango na lamang ako sa sinabi ni yaya para wala ng masabi. Nasa fifties na kasi ito kaya grabe na kung mangaral sa akin pero masaya naman ako dahil siya na ang tumayo kong magulang t'wing wala sina mommy at daddy.

Pumara ng tricycle si yaya Biring at siguro'y nasa twenty minutes rin ang aming byinahe.

Naunang lumabas si yaya upang iabot ang bayad at binuksan ang payong, at kasabay noon ay ang paglabas ko. Naglingunan naman ang mga nagtitinda roon lalo na ang mga binata at dalaga.

"Anak iyan ni Doktora at ni Engineer diba? Sanay ba ang batang iyan rito sa palengke?" Bulong noong matanda

"Napagkaputi naman ng anak ni Doc at maganda ang hubog ng katawan! Kainggit!" Sabi naman nang isang dalagang nagtitinda.

Napakapit ako kay yaya Biring ng wala sa oras dahil sa hiya na aking nararamdaman.

"Ayos kalang ba, Lanie? Pumarito ka sa payong at maiinitan ka!"

I smiled, "Yaya I'm fine. This place is crowded kaya isara mona po iyang payong at baka makasagabal lamang po iyan sa lalakaran natin."

Isinara naman iyon ni yaya matapos kong sabihin.

"Oh sya halika na roon sa bandang gulayan at mamimili ako ng panrekado sa sinigang at menudo." Tumango ako kay yaya at sinundan siya sa paglalakad.

"Biring!" Sabi ng isang tindera na tingin ko'y kaedad lang ni yaya, "Iyan naba si Lanie? Aba dalagang dalaga na ah! Bakit ngayon mopa pinasyal iyan rito, baka maligawan iyan ng mga tindero rito!"

Agad namang napatawa si yaya at ako'y nanatiling tahimik, "Ikaw talaga Evelinda ay napakaraming alam! Nababagot raw sa bahay ang alaga ko kaya sumama. Nako ay disi sais pa lamang si Lanie, hindi pa maaaring ligawan! Isang kilo nga nitong patatas."

Buying Love (Tanaueño Series #1)Where stories live. Discover now