Bakit masakit magmahal <///3

504 4 2
                                    

Sabi nila Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Pero bakit ganun nalang ang mga population ng mga emo, nagiging bitter at mga broken hearted sa mundo ? 

Siguro nga ang sarap ng feeling ng nag mamahal, lalo na kapag minamahal ka din ng taong mahal mo. Yung ka-chat/txt mo siya palagi, tapos ang sweet sweet niyo pa, kung maka-asta parang kayo talaga. Yung concern kayo sa isa't isa. Yung feeling na nag simula lang sa simpleng Hi at Hello tapos nauwi matamis na I love you. Pero ung feeling na pinaasa ka at umasa ka sa wala, na akala mo mahal ka niya tapos trip ka lng pala. Masakit un e. Yung halos mag pakalunod ka sa luha mo dahil sa sobrang sakit na iyong nadarama. Yung halos hindi ka na kumain, yung magkukulong ka sa kwarto o banyo niyo sa ka-eemote, yung palagi mong tinitingnan ung profile nya(aminin mo te/kuya)  kahit nasasaktan ka dahil nakikita mong masaya siya sa piling ng iba. At yung feeling na kahit anong effort yung gawin mo hindi niya parin nakikita. Kung ako sayo ay maging kuntento ka nalang sa buhay mo ngayon, hindi lang naman sila yung tao sa mundo. Paano mo makikita ang taong nakalaan sayo kung nakapikit yang mata mo sa kaiiyak para sa taong walang kwentang nagpa-iyak sa isang katulad mo. Sabi nga nila na Ang love parang ulan, kung kailan hindi ka handa, tsaka ito bumubuhos at lalakas. Ang masakit kung kelan nag-eenjoy ka na, saka naman titila at mawawala. Matuto kang mag hintay ng taong para sayo, at kung may dumating man, huwag ka basta basta ma-fall agad lalo na sa ating mga babae, don't expect too much dahil masasaktan ka lng. Wag kang assuming dahil baka bored lang yan kaya ka nilalandi. Kilalanin muna natin sila ng mabuti at alamin mo kung talagang seryoso siya sayo. Matuto tayong maging wise sa ating mga choices at decisions upang hindi tayo magsisi sa hule. At para sa mga boys, huwag kayong paasa. Hindi porket nakuha niyo na ang gusto niyo ay ititigil mo na ang mga effort na ginagawa mo para sa kanya. At NEVER niyong gawing joke ang salitang "I love you". Walang kwenta ang mga salita, kung hindi rin naman magawa. Kung mahal mo talaga siya, iparamdam mo kuya, ampangit nga namn kase tingnan kung babae nag nag fi-first move dba ? Mga girls namn be "ladylike", pakipot ba xD. Hindi ung simpleng I love you niya mag-a I love you too ka na rin. Hindi niyo ba alam na ang pagiging pakipot ay nakakatulong para lalong maging interasado satin ang mga boys ;). Nabasa ko lng yun a shi-nare ko lng :) Anyway be wise of the decisions you make para hindi tayo magsisi. Sana nga ang Love may trafficlight din. Para malaman natin kung we should GO for it, WAIT for it or STOP for it. To avoid HEART ACCIDENT. At para sa mga broken hearted diyan, don't worry kase darating at darating din ung taong mag papasaya sayo, patience is virtue ika nga. I-enjoy mo muna ang pagiging single, yung feeling na madami kang crush(para sa girls) at yung one to sawa sa kaka-dota para sa mga boys xD. Basta maghintay ka lng nagsusulat pa si God ng love story mo :) At Wag ka maging bitter kung minahal mo sya at hindi ka nya tinanggap, Maaring hindi lang talaga sya para sayo.

 Isipin mo nalang na nasa long distance relationship ka, dahil yung ka-relasyon mo nasa future inaantay ka. :) Te/Kuya wag papabayaan ang sarili a ? Always take care. Wag mong sasaktan ung sarili mo, ang pag la-laslas(wag ka makinig kay simsimi xD), pagpapakamatay etc. ay di solution sa problema. Magpaganda ka/Mag pagwapo, ibahin mo look mo para magsisi ang nanakit sayo kung bakit ka niya iniwan. At tapos na ang kahapon pwede na yan itapon, wag lng ang mga aral dapat yan ay ibaon. Hindi porke't libre ang pagiging tanga, ay aaraw-arawin mo na. Learn from your mistakes, especially from the past sabi nga nila. Experience is the best teacher. :)

-Keshiii'sWOW- (Words of Wisdom po yan) xD Medyo korni no ? Nyahaha. Pagbigyan, na po first work ko po ito. Hope you like it :) Medyo baduy po e Pagpasensyahan na po. :) 30 reads, Thank you po sa mga silent readers dyan ♥ :* Don't forget to Vote and comment and Follow (Hahaha, Medyo demanding xD) ;)

Bakit masakit magmahal &lt;///3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon