Nakaupo't tulala ang isang babae sa may sulok ng silid-aralan bahagyang tahimik at malalim ang kanyang iniisip, Napapaligiran ng ingay ang klasrum at ang mga kalalakihan ay tumutugtog ng gitara habang kumakanta.si Luna lamang itong walang kibo sa sulok habang sila ay nagsasaya. Makalipas ang ilang oras ay hindi niya namalayang nakatulog pala siya rito, mag-gagabi na rin at siya nalang ang natira sa silid aralan, tahimik na rin at wala ng nakikinig na ingay ng kaniyang mga kaklase, mukhang wala nang katao-tao rito, sinubukan niyang tawagan ang kaibigan niya ngunit hindi na sinasagot nito ang tawag, napagpasya niya nalang na umuwi na lang.
Iniligpit niya ang gamit niya at isinilid nalang ito sa kaniyang bag sabay isinakbit ito sa kanyang balikat
Nagsimula na siyang maglakad papalabas ng pinto, madilim dilim na rin at pinatay na ang ilang ilaw sa hallway at sa tingin niya'y mukhang siya na lamang ang tao rito.
Unti unting tumaas ang mga balahibo sa kanyang braso at nararamdaman niyang parang may sumusunod sakanya kaya binilisan niyang maglakad papalabas sa may guard house at sakaling magtatanong na sana roon kaso mukhang wala ring tao
Kinabahan at sobrang bilis ng tibok ng puso nito tila ba'y nagtataka kung bakit bigla na lamang naglaho ang mga tao rito. Papalapit na lamang ang gabi ngunit ni-isa ay wala siyang makitang tao, sumagi nalang sa isipan niya kung nanaginip ba siya o totoo ba lahat nang nangyayari ngayon?
Nagmasid masid siya sa paligid at nakita niyang sarado lahat ng bintana, ngunit parang may hanging malamig na umiihip mula dito at napansin niya ang paggalaw ng mga kurtinang nakasabit.
Bahagyang naramdaman niyang unti-unting tumataas ang mga balahibo niya kaya mas binilisan niya ang paglalakad..
Nang makapunta na siya rito sa may baba saka niya napansin na,
Parang may tumatawag at sumisigaw ng pangalan niya, Sinisigaw nito ang pangalan niya at bahagyang parang ginigising siya nito. Bumilis ang tibok ng puso niya at mas lalo siyang kinabahan nang marinig niya at makilala ang boses nito. Sinubukan niyang kalmahin ang sarili, malamig ang kanyang palad at kahit anong pilit niyang ipagkuskos ang mga palad niya upang mag-init ito ay nananatili pa rin itong kasing lamig ng yelo.
Ramdam niyang parang may yumayakap sakanya na sobrang lamig, ngunit haplos lamang iyon ng malamig na hangin galing sa labas, padilim na at malapit na mag-alas sais ng gabi. Di niya inaasahan ay bigla na lamang may yumakap sa kanyang likuran, di siya makagalaw at para bang naluluha na lamang siya dahil pakiramdam niyang ito yung taong matagal na niyang hindi nakikita iyong hangin na yumayakap mula sa kanyang likuran.
Bahagyang umimik ang lalaki at ibinulong sakanya at sinabing
"Ngayon na lamang kita nakita... sobrang namiss kita" rinig niya ang hikbi at iyak nito habang humigpit pa lalo ang yakap nito kay Luna na para bang ayaw na siyang pakawalan.
Umiyak siya at inaalala lahat ng nangyari sakanila, Alam niya sa sarili niya na sobrang mahal niya pa'rin ito, kahit na antagal na mula nung iniwan siya nitong taong ito. Ang masasayang ala-ala noon na hanggang doon na lamang dahil alam niya sa sarili niyang hindi na muli mangyayari iyon.
Bumuhos muli ang luha sa mga mata ni Luna, pinakawalan siya ng yakap ni Elijah at pinunasan ang kanyang luha.
Makikita mo ang lungkot sa mga mukha ng lalaki at hinalikan niya ito sa noo, iniisip niyang sana palagi nalang silang ganito, hinawakan niya ito sa kamay at tinignan ang kanyang mga matang lumuluha.
Mahal na mahal niya ang babaeng ito, ngunit sa kabilang mundo ay hindi sila maaaring magsama. Muling nagsalita si Luna, tumahan na siya at wala nang luha sa kanyang mata at matapang niyang tinignan ito, sinabi niya dito na 'Bakit ngayon ka lang? 'kay tagal lang kitang inintay. Gabi-gabi kong iniisip to, kung saan nga ba ako nagkulang? Saan ba ko nagkulang? Akala ko ba mahal mo ako, sabagay akala ko lang naman yo---.
Hindi na natuloy ang sasabihin niya at hinalikan siya nito, umiyak siyang muli dahil ilang taon silang hindi nagkita, ngunit para bang ang dali dali lang nito para kay Sol. Inayos nito ang buhok ni Luna at pinunasan ang luha nito, may inilabas itong pulang box at meron itong laman na kuwintas, isinuot niya ito sa kasintahan. Ngumiti siya rito at sinabing
"Lagi mo lang itong suotin at maaalala mo' ako. Lagi mo lang akong kasama Luna, Mahal na mahal kita."
pinunasan niya ang kanyang mga luha at muli niyang niyakap si Sol, mahigpit na yakap na puno ng pagmamahal niya rito. Nararamdaman na nitong parang kumakawala na siya sa mga yakap.... At unti-unti na rin itong naglalaho sa kanyang paningin, pinilit pa rin niyang hanapin si Sol, ngunit wala na talaga ito. Tumahimik na muli ang paligid, walang mga tao at sadyang ang mga nangyari na lamang kanina ang mga ala-ala niya rito.
Lumiwanag ang paligid at nasisilaw na ito, iminulat niyang muli ang kanyang mata at naaninag niya ang kisameng puro nakadikit na mga bituin at, nagliliwanag ito kaya't kitang kita sa madilim niyang kwarto. Bigla na lamang siyang napabangon, at hinahanap si Sol.
Nagtaka siyang muli kung paano siya napunta rito, at napagtanto niyang siya ay nananaginip lamang.
Ramdam niyang parang totoong pangyayari ang kanyang napaginipan at ang yakap nito na parang totoo, naaalala pa niya lahat ng mga pangyayari. Naramdaman niyang parang may nakasabit sa leeg niya, ito ang kuwintas na binigay sakanya ni Sol sa panaginip niya... Kulay gold ito at may pendant na Buwan, muli nalang siyang umiyak at napaupo dahil sa nangyari sa panaginip niya.
Gabi-gabi niyang napapaginipan ang kaluluwa ng kanyang namayapang kasintahan. Ang kuwintas na suot niya ay regalo nito sakanya noong kaarawan niya noong nakalipas na taon pa.
YOU ARE READING
reminiscence
RomanceYou may be gone from my sight but you are never gone from my heart. - luna