Chapter 40

231 10 8
                                    

Lance's POV

Dalawang araw na ang nakalipas pero patuloy pa rin ako sa pag-iisip. Wala akong mukhang maiharap kay Steph lalo na kay Kate. I am such a jerk. I hate myself when I think about the pain I gave to both of them.

"Sir may bisita po kayo."

"Sino?" Tanong ko kay Mike ng hindi siya nililingon. Naka-upo lang ako sa loob ng opisina ko habang nakatuon ang paningin ko sa may bintana. Wala akong ibang iniisip buong araw kundi ang taong mahal ko.

"Busy ka ba?"

Agad kong nilingon ang taong nagsalita.

It's Kate. Kanina lang ay nasa isip ko siya. Pero ngayon heto siya at nasa harap ko na.

"Love? Anong ginagawa mo dito?" I was so glad to see her. Kung alam niya lang kung gaano ako sumasaya kapag nakikita ko siya.

"Gusto sana kitang yayain. Pero mukhang busy ka. Sige aalis-"

"Wait!" Pigil ko sa tangka niyang pag-alis. "Mike clear my schedule for today." Utos ko sa secretary ko bago ko hinarap si Kate. Hinawakan ko ang kamay niya at iginiya siya palabas ng opisina ko.

-
Namasyal kami sa park malapit sa Phoenix University. Maaga pa at tirik na tirik ang araw kaya wala pa gaanong taong namamasyal dito. Naupo kami sa isang bench habang kumakain ng ice cream.

"Love."

"Love."

Sabay kaming napatingin sa isa't isa.

"I'm sorry."
Ako na ang naunang nagsalita.

"Sorry saan love?" Tanong niya.

"Sorry kasi nasigawan kita. Hindi ako nagkapag-isip ng maayos ng araw na yon. Nadala ako ng emosyon ko. Pasensya ka na."

"Sorry din Love. Hindi ako nag-iingat. Muntik ng mapahamak si Steph at ang magiging anak niyo."

I feel a bit hurt. Alam ko kung gaano kasakit para sa kanya na tanggapin na magkakaroon ako ng anak sa ibang babae. Pero sakabila nito nandito pa rin siya at hindi ako iniiwan.

Damn!

How can I let her go?
I don't want to. I can't do it.

"Anong meron ngayon love? Hindi ka ba pumasok?" Nagtataka ako dahil niyaya niya akong lumabas ngayong araw.

"Hindi. Absent ako. Gusto ko lang mamasyal kasama ka."

"Is there something wrong? May nangyari ba sa trabaho mo?" Hindi niya ugali ang mag-absent. Masipag siya at matiyaga sa trabaho niya.

"Wala naman. Bakit? Ayaw mo ba kong makasama ngayon?"

"No. Kaya lang -"

"Let's go. Sa ibang lugar naman tayo magpunta." Putol niya sa sasabihin ko. Agad niya akong hinila paalis sa park. I don't know if I'm just being paranoid. Pero iba ang nararamdaman ko ngayon. May kakaiba sa kilos ni Kate. At hindi ko matukoy kung ano ang bagay na yon.

Niyaya niya akong mamasyal sa mall. Nanonood kami ng sine at namili ng mga gamit. I'm just doing the things she likes to do. Kahit na naninibago ako sa mga ikinikilos niya. Dumaan kami sa restaurant na paborito naming kainan. Habang kumakain kami ay hindi inaasahang tumunog ang cellphone ko.

Si Steph ang tumatawag.

Pagkatapos ng naging pag-uusap namin sa ospital ay hindi na niya ulit ako kinausap pa. Binibisita ko siya pero hindi niya ako gustong papasukin sa kwarto niya. Napatingin ako kay Kate na ngayon ay kumakain na.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon