CHAPTER 1

24 4 2
                                    

FLOREZ POV:

"RING RING RING!"
Tunog ng alarm clock

"TUG TUG TUG!"
Tunog naman ng pintong kumakalabog!
Grabi naman sa kalabog may tulog pa dito oh!

"ANO CLARINE?!HINDI KANA BA BABANGON?!"

Rinig kong sabi nang isang babaeng parang nasa tabi ko lang paulit ulit ang mga sinasabi nya at parang ka boses ni........ni.........MAMA!!!

Pinilit kong idilat ang mga mata ko na balot na balot ng mga muta at bumangon ako kahit tulog padin ang mga mata ko maging ang mga muta ko ata tulog din eh!
Pinilit ko ulit idilat ang mga mata ko nang...

"AGHHHHHHHHHHHHH!!!"

Malakas na sigaw ko nang makakita nang mukhang bumungad saakin at ang mukang iyon ay muka ni muka niiiii

"Mama?"

Bakas na bakas ang mga galit niya sa mata nang mag ka titigan kami muntik na nga akong matawa dahil sa itsura nya eh.Nakapameywang kasi siya at kulubot na kulubot ang mga noo niya matatalo na nga ata nia ang ampalaya sa sobrang kulubot nitong noo niya

"KANINA PA KITA GINIGISING!ANONG ORAS NA'T MAY PASOK KAPA!BUMANGON KA NGA DYAN AT MAG AGAHA-"
Hindi ko pa siya pinapatapos sa sinasabi nia nang tumayo na ako't mag kanda lag lag at dulas sa hagdan habang bumababa.Bakit pa kasi nauso ang ganitong hagdanan?! parang STAIR WAY TO HEAVEN lang ang peg?!

nag madali ako sa pag toothbrush at pag dura nang tubig na minumumog ko sa aking bunganga.Sa sobrang madali at taranta ko nalunok ko pa ang pang huling mumog ko ng tubig! YAK!

tinignan ko ang orasan at hindi na ako naligo ng makita kong 6:42 na pala nang umaga!

alasingko kasi ako nag alarm at ang simula daw klase namin ay 7:20 oh dba ang lakas nang loob mag alarm ng alasingko d naman pala gigising!

Ang masaklap pa dito 30 mins daw aabuting oras kung mag lalakad ka at 15 or 20 mins naman daw kung mag ta-trycicle ka papuntang shool

Mas masaklap pa dito HINDI KO NADALA YONG SELPON KO AT YUNG PITAKA KO! madali pa more!!!

Hindi ko alam kung anong oras na wala din kasi akong relos na dala nalaglag kasi yon sa swimming pool noon eh 1 week ago sinong tnga kasi ang mag rerelos nang bago tapos tatalon sa pool?! AKO LANG ATA!

Nakarating na ako sa gitna nang gate na isasara na dapat ni manong guard alam kong ito na ang school ko dahil sabi ni mama may nakapaskil daw na malaking letters sa taas nang gate na ang pangalan ay

MAXWELL HIGH

Kaya sigurado na akong ito yung school ko
Lumapit ako kay manong guard na nakatingin saakin habang isinasara na ang pang gitnang lock ng malaking gate

nag ka titigan pa kami ni manong kaya nawala sa isip ko na kailangan ko na palang pumasok

"Papasok kaba?"

Laking gulat ko nang may marinig akong nag salita

"Sabi ko papasok kaba?"

Hinanap ko yung boses na yon at si manong guard lang pala!

"Opo manong"

Magalang kong sagot na nag bigay nang magulong reaksyon sa kanyang muka
para bang mali yung sagot ko...ano meron kay manong guard?

"HAHAHAHAHA"

Malakas na tawang narinig ko at hinanap ko naman dahil hindi iyon si manong guard
Sino kaya yon?

My Maxwell High LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon