Chapter 15

87 9 0
                                    

#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖



Nang makarating kami sa Park na sinasabi niya ay namangha ako sa ganda. Lalo na't maraming puno at halamang bulaklak dito.Mahilig talaga ako sa bulaklak ewan ko nga ba kung saan ako nagmana pero ang sabi ni mama di daw siya mahilig sa bulaklak.

"Ang ganda naman ng lugar na to Yohan" manghang sabi ko.

"The scenery will be more beautiful if you'll join me" bulong niya dahilan para mamula ang pisnge ko sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang mga malalagkit niyang titig sa gilid ko.

"Ano ka ba naman Sir, wag ka ngang magbiro ng ganyan" natatawang sabi ko.

"I'm not" natatawang sabi niya. Kumabog ang puso ko ng maramdaman ko ang mainit at malaki niyang kamay sa beywang ko. Napangiti ako ng palihim. Maraming mga tao sa park ngayon lalo na't bukas na ang pista kaya medyo nahihiya ako.

Naglalakad kami ngayon at pinatitinginan kami ng mga tao, lahat rin ng mga babae sa park ay napapatingin kay Yohan lalo na't matangkad siya at malaki kumpara sa akin na nagmumukhang nakakabatang kapatid lang niyang babae.

"Sir kung hindi niyo mamasamain pwede tanggalin niyo po ang kamay niyo sa beywang ko?" bulong ko sa kanya. Napalingon naman siya sa akin at kumunot ang noo niya.

Imbes na tanggalin niya ang kamay niya sa beywang ko ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak at nilapit pa ako sa kanyang katawan. Kumabog ang puso ko at may kuryenteng dumaloy sa iba't ibang parte ng katawan ko.

"Why?Are you uncomfortable with it?" malumanay na sabi niya.

"Oum, nahihiya kasi ako" nakangusong sabi ko sa kanya.

"Nahihiya kang kasama ako?" may lungkot sa bosess niya. Inangat ko ang tingin ko at mabilis na umiling sa sinabi niya. Pero nanatili parin ang maugat niyang mga kamay sa beywang ko.

"Hindi! iba ang hiya nato lalo na't isa kang mayamang tao" wika ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina dahilan para gumalaw ang Adam's apple niya.

"Wag mo na silang pansinin, ako nalang ang pansinin mo" wika niya sabay kindat sa akin. Ano ba tong pinagsasabi ni Sir Yohan sa akin?Bakit ko naman siya papansinin?Pero hindi ko maitatanggi na nagustuhan ko yung sinabi niya. Hindi ko tuloy maiwasan ang pagpula ang pisnge ko dahil doon.

Nilibot namin ang Park habang tumitingin kami sa mga paninda. Pero siguro hindi bumibili si Sir Yohan nito lalo na't puro mumurahin lang. Para sa kanya mas maganda bumili ng mga bagay na mamahalin.

Pagkatapos ng tingin tingin naman ay napatigil ako saglit sa isang tindahan. May mga cap silang binebenta. Napangiti naman ako ng makita ang cap na color blue. Napaisip ako na kahit mumurahin lang ay may maibigay rin naman ako sa kanya. Buti nalang ay may dala akong pera.

"Manong magkano ang cap na yan?" tanong ko kay manong.

"Wait don't tell you're gonna buy that thing?" wika niya at pinigilan niya akong maglabas ng pera.

"Ako na ang magbabayad" wika niya at aakmang maglalabas sana ng pera pero tinampal ko ang kamay niya.

"Ako ang magbabayad kasi may pera ako at saka ibibigay ko yan sayo, regalo ko kunware" nakangusong sabi ko habang nakayuko. Tumawa siya ng mahina at hinawakan niya ang baba ko para iangat ang mukha ko dahilan para magtama ang tingin naming dalawa.

"Really" wika niya at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Bigla akong kinabahan dahil kapag gumalaw ako ay sa isang iglap ay magkakahalikan na kami.

"Ehem bayad muna iha, bago harot" wika ng manong tindero kaya namam ay napaiwas ako ng tingin at natarantang kinuha ang bayad sa sling bag ko at binigay kay manong. Binigay naman niya sa akin ang pera.Binaling ko ang tingin kay Yohan, tumaas ang isang kilay niya at may kakaibang ngiti na gumuhit sa kanyang labi. Pinagpagan ko ang cap at tinaas.

"Yumuko ka ng konti para maisuot ko to sayo" wika ko sa kanya. Tumawa naman siya at yumuko ng konti para magpantay kami ng tingin. Sinuot ko sa kanya ang cap. Napangiti ako ng bumagay nga sa kanya cap na binili ko lalo na't mas lalo siyang gumwapo.

"Thank you, this is the best thing that I've ever received in my whole life" kumabog ang puso ko sa sinabi niya.

Nagulat ako ng hinawakan ni Yohan nag kamay ko at nagpatuloy kami sa paglalakad. Pero napatigil iyon saglit ng makita ko mula di kalayuan ang babaeng humarot kay Sir Yohan kanina, si Venice.

Magbibigat ang mga lakad niya papunta sa kinatatayuan namin. Hinawakan ng mahigpit ni Yohan ang kamay ko. Nang nasa tapat na niya kami ay napatingin siya sa kamay namin ni Yohan na mahkahawak at saka ibinaling ang tingin niya sa akin.May galit sa mukha niya.

"What the hell!" inis na sabi niya sa akin.

"What the hell! Yohan!" wika niya sabay baling kay Yohan.

"Siya na naman! Diba siya ang kasama mo kanina! ano bang mayroon sa babaeng to ha? " inis na turo niya sa akin.

"Wag mo na siyang pansinin, tara na" wika ni Yohan at hinila niya ako.

"Seriously Yohan! Ang dami mong babae! It's that because hindi ka pinakasalan ni Ciel at hindi ikaw ang pinili! Kaya ka nagkaganito!" nagulat ako sa sinabi ni Venice dahil para tumigil ako sa paglalakad.

"Don't listen to her please" nagmamakaawa ang bosess niya. Binitawan ko ang kamay ni Yohan at nilingon si Venice.

"You heard it right diba! Maraming babae yan si Yohan at isa ka na sa biktima niya pero guess what? kahit marami na siyang babae still sa akin parin siya umuuwi, because I've been with him noong iniwan siya ni Ciel! Kaya ikaw wag kang magpapaloko kay Yohan" may pandidiring sabi niya. Hindi ko alam pero may namuong luha sa mata ko ng sabihin niya iyon. Nilingon ko si Yohan at lumalapit na siya ngayon sa akin at pilit niyang hinawakan ang balikat ko.

"That not true Lindsy" wika niya pero hinawi ko ang kamay ko.

"Sayang ang ganda mo kung magpapaloko ka lang kay Yohan---" hindi na natapos ang sasabihin ni Venice ng magsalita si Yohan.

"Stop it Venice!" mariing sabi niya.

"Sir Yohan aalis na po ako, salamat po sa araw na ito n-nag-enjoy po ako" nautal na sabi ko habang nakayuko at mabilis na tinalikuran si Yohan, akala ko ay hahabulin niya ako pero nagkamali ako dahil nagpa-iwan lang siya kay Venice.

It's Always Been You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon