Introduction

53 0 2
                                    

INTRODUCTION:

Naranasan nyo na ba magmahal? Yun bang tipong unang kita mo pa lang sa kanya, napamahal kana agad. Naranasan nyo na ba maging close sa taong mahal mo? Yung parang magkapatid na kayo. Naranasan nyo na ba magmahal ng dalawa? Yung parehong nagpapakatanga ka sa kanilang dalawa. Speaking of “tanga”, naranasan nyo na ba magpakatanga dahil sa pag-ibig? Siguro, lahat naman tayo, nagpapakatanga sa pag-ibig. Lahat ginagawa naten sa taong mahal naten, para lang maapreciate tayo. Pero do you want to know the worst part? Hindi pa pala tayo naapreciate sa lahat-lahat ng ginawa naten para sa kanila. They still not contented about it. Diba ang saket? Yung feeling na ginawa mo na lahat-lahat, nagpagod ka na lahat-lahat, tapos binuhos mo na buong buhay mo para sa kanya. Pero di parin pala niya naapreciate yun. Alam nyo ba yung feeling ng ganun? Tapos alam nyo rin ba yung feeling na, yung mahal mo may mahal na iba. Yun ang masakit, diba? Tapos sasabihin na lang naten sa ating sarili, baket hindi na lang tayo ang mahalin nila? Nandito naman tayo, nagmamahal sa kanila, nandito naman tayo ginagawa ang lahat para lang mapasaya sila, nandito naman tayo…pero bakit sila pa, bakit hindi na lang tayo? Then, tinatanong pa naten sa sarili naten. Anong meron sa kanila na wala sa atin? Anong meron sa kanila na hindi nila mahanap-hanap sa atin? Anong meron sa kanila na baket minamahal nila ng sobra-sobra? Diba ang saket? At idagdag pa naten na dumating sa punto na yung mahal mo, mahal ka rin pala, pero may mahal pa siyang iba, tapos yung mahal niya, mahal rin siya. Ouch. Ano ako dito, kontrabida sa lovestory? Masaya na sana ako, kung ako lang yung mahal niya.. At idagdag ulit naten, parang ganun din, kaso iba. Yung mahal mo, mahal ka rin, pero di kayo kasi may mahal pa siyang iba. O diba? Saklap lang. Baket kasi di pwede maging kami? (Tanong sa sarili) At to the point na, kaya pala di kayo pwedeng maging, kasi magkapatid lang dapat turingan niyo. Pektusan ko yang KAPATID-KAPATID na yan e :/ At yung feeling na nagseselos ka sa mga nagiging ka-close niya, sa mga nakukulitan niya especially opposite sex pa, yung tipong gusto mong magalit ng sobra-sobra, yung gusto mo siya awayin, pagalitan, kaso humantong sa point na, ano ka ba niya para ganuhin mo siya? Wala naman kayong relasyon, diba? And that feeling na, yung chance na may pakialam pala siya sayo, kaso binigo mo at akala mo niloloko ka lang niya, pero yun pala, totoo na, tapos ang nangyari pa, nawala na yung pagiging close niyo dahil doon. At to the point ulit na, nawala na siya sayo. Hayy. Pero syempre, san lahat yan babagsak. ---> </3 Broken-hearted. Time to move on na yan. Pero mahirap. Mahirap kasi nandiyan parin siya, palagi mong nakakasama, nakakausap at nakakakulitan parin. Mahirap kasi hindi mo pa rin siya kayang kalimutan, mahirap kasi minahal mo siya ng todo-todo. mahirap kasi napalapit na siya sayo. Mahirap kasi sanay kana sa presence niya at ang hirap niya talagang kalimutan. Tapos sasabihin mo na lang sa sarili mo na, “dapat pala hindi ko na siya nakilala, edi sana hindi na ako nagkaganito. Hindi sana ako naghihirap ngayon.” Lecheng pag-ibig yan, sino ba nag-diskubre niyan at papatayin ko! :’( Pero, sa lahat ng nakakarelate. Do you mind reading this story? Baka sobrang maka-relate much pa kayo. Peace na lang ha.

-

P.S, based to true life po toh. Pero may konting edit po yung story po, kaya di masyado true life na xD Anyways, hope you like my story.

Miss SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon