Inspired by some authors here in wattpad and now, trying to write his own story. Sana kayanin ko na maagawa ng story/ies na magugustuhan niyo. :))
Actually, this is the first story na isusulat ko. :)) Enjoy :))
( PROLOGUE)
Lahat ng tao, may karapatang magmahal at mahalin pero wala dapat manakit at masaktan.
Hindi lahat ng gusto mo ay kailangan mo.
No one knows what the future holds.
Move on. Life goes on.
Yan ang sinasabi ko sa sarili ko.
Sa isang pangyayari sa buhay ko na hindi kanais-nais ay siyang nagmulat sa akin upang magbago ng aking mga pananaw.
Ako si Hannie. Isang tao na nagmahal ng sobra at minahal ng isang tao na hindi para sakin. Isang taong hindi kayang maging tapat sa akin. Isang tao na minulat ako sa katotohanan na walang totoong pag-ibig. Isang tao na dahilan kung bakit nag-iba ang aking buhay. Isang tao na mapaglaro sa mga tulad kong masasabing t*nga sa pag-ibig.
Isa ako sa mga taong sawi sa pag-ibig. Inakala kong nasakin na ang taong nakalaan para sakin. Taong hindi ako iiwan, pababayaan at sasaktan. Taong aalagaan, iingatan at mamahalin ako ng buong tapat. Pero, hindi pala. Nagkamali ako. Dahil kung nakalaan nga siya para sakin, hindi niya ako hahayaan at magagawang saktan ng sobra.
Let's face it. This is what we call "The Game Of Love". Sometimes you win, sometimes you lose. Ends the game when there are cheats. Ang sobrang magmahal, TALO.
Sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi na ako magmamahal pa. Hindi na ako magmamahal ng tulad dati. Hindi na ako magpapakat*nga sa pag-ibig. At sinasabi kong HINDI AKO NANINIWALA SA PAG-IBIG. Dahil mapanlinlang yan. Masasaktan ka lang.
Hinding hindi na ako magmamahal...
BINABASA MO ANG
Like a Bittersweet
Teen FictionBittersweet. Sweet things have bitter consequence and that's the game called LOVE.